"Hey. Bat hindi kapa kumain? Teka ikukuha kita ng pagkain." Sabi nito ng makarating sa lamesa namin. "Hindi sasamahan na kita, kukuha ako ng pagkain ko at ikaw kumuha ka rin ng pagkain mo." Sabi ko dito at humawak na sa kamay niya. Pumunta na kami sa lamesa na kinalalagyan ng pagkain. Kumuha kami ng pagkain at bumalik na kami sa lamesa namin. "Ano ba ang okasyon na ito?" Tanong ko kay Justin ng kumakain na kami. "Aah 35th Anniversary nila Don Esguera at ng asawa niya."Sabi nito sa akin. "Bat hindi mo sa akin sinabi sana nakapagregalo man lang ako " S.abi ko dito. "Hayaan mo na may dala naman akong regalo." Sabi nito sa akin at ngumiti sa akin. Pagkatapos naming kumain kumuha siya ng wine sa isang Waiter. Ininom muna namin ang wine maya maya naging sweet ang tug tug niyaya niya ako