Chapter 2

2024 Words
Sinangayunan namin ang sinabi niya, kaya itinayo na nila ang apat na tent. Yung mag boboyfriend nag sama sa tagiisang tent kami ni Justin ang magkasama sa tent. Habang inaayos naming mga babae ang mga gamit sa pagluluto sa mababang lamesa na ditupi na dala ni Mario. "Akina ang dala dala mo." Sabi ni Justin na kinukuha ang bag na nasa likod ko. "Thank you." Sabi ko at ibinigay ang dala dala ko. Nag gawa ako ng tuna sandwich at binigay ko sa kanila. Kumain muna kami habang naghihintay na maluto ang hapunan hindi kasi kami nakapag meryenda kanina nagmamadali kaming makarating dito sa camp 3. "Dati na ba nag claclimbing ang mga girlfriend nila?" Tanong ko kay Justin habang naka tingin ako kayla Mario at girlfriend niya. Nilingon naman ito ni Justin. "Ewan ko sa mga yan. Bahala sila magalalay sa mga girlfriend nila." Sabi nito ng mapatingin sa dalawang pares. "Hoy! Wag kayong lalayo madilim na ang paligid hindi natin kabisado ang mga hayop dito." Sabi ni Justin sa kanila ng makita na papaalis ang mga ito. Tumango naman ang mga ito, pagkatapos naming kumain pinag luto ni Justin ng kanin si Mario. Tinulungan ito ng girlfriend niya kami naman ni Justin nag tulong magluto ng ulam. Prinito namin ang baboy na minarinade namin kanina sa bahay ng guide namin at naggisa kami ng chop suey nilagyan namin ito ng baboy at naghiwa ng manggang hinog mga binili namin ito sa palengke Saka kami nagsikain. "Masaya kaba sa adventure na ito." Tanon ni Justin sa akin ng nakahiga na kami. Tumango naman ako at tumingin sa kaniya. Hindi na ako naiilang sa kanya na katabi ko siya sa pagtulog kasi dati na kaming natutulog na magkatabi. Ganyan kami ka close ni Justin. Nagaagaw antok na ako ng bumuhos ang malakas na ulan napatingin ako sa kanya. "Hindi ba dilikado ang lugar na ito ang lakas ng ulan?" Tanong ko ng hindi makatiis. "Don't worry safe ang mga ginawa nilang camp dito at matibay ang tent natin itinali namin ito sa mga puno. "Here!" Sabi nito binibigay ang kumot niya kasi nakita niya na giniginaw ako. "No thaks may dala ako." Sabi ko at ikinumot ang kinuha ko sa gilid ko na kumot kasam ito sa dinala ko. Nakalimutan ko ang sapin at ang unan.buti na lang may dala si Justin kung hindi maninigas ako sa lamig. Nagising kami ng maaga pa ang lamig sobra paglabas namin sa tent, kaya binigay sa akin ni Justin ang suot niyang Jacket. "Hey! Paano ka giginawin ka. Ok lang ako sanay naman ako sa malamig." Sabi ko sa kanya, habang nagtitimpla siya ng kape namin. Ako naman nag papalaman ng tinapay na dala namin. "Hind! Suotin mo yan mamaya magkasakit kapa magalit si ninang sa akin. Dahil hindi ka nakalaban ng archery sa susunod na buwan sa korea, sa paghina ng resistance mo dahil nagkasakit ka." Sabi nito sa akin. Naalala ko laban ko na nga pala sa susunod na buwan. Ako ang panglaban ng school sa united tournament ng archery. Doon ito gaganapin sa korea. "Nag practice ka na ba sa archery. Mukhang hindi mo pinoprublema ang laban mo ah. Pa relax relax ka lang." Sabi nito na binibigay na ang baso ng kape sa akin. "Hindi naman. Nag papractice din ako sa bahay at sa school may inaatenan akong training sesion si sir Albert ang nagtuturo sa akin." Sabi ko sa kaniya habang kumakain kami. "Si sir Alber? Eh mas magaling ka pa dun kahit ako." Sabi nito na tumingin sa akin. Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw naman. Kinukuha ko lang sa kaniya ang mga technic na hindi ko pa alam. Malay mo magamit ko din yun." Sabi ko sa kaniya na tumango naman ito. "Ikaw, laban mo din dun ng tai kwan do ah." Tanong ko naman dito. "Oo. Kaya nga sige ang ensayo ko sa school" Sagot naman nito sa akin. "Gusto mo. Punta ka sa amin mag sparing tayo." Sabi ko sa kaniya na ikinatuwa nito. "Talaga! Sige mas maganda ka kalaban kesa sa mga pinipili ni sir na makakalaban ko. Mga bano naman un samantalang ikaw hindi pa ako nananalo sayo. Dahil pagnanalo ako sayo siguradong mananalo ako sa laban ko sa tournament." Sabi nito na ikinatawa ko. Kasi wala pa sa kanila ang nakatalo sa akin sa school pag dating sa sparing sa tai kwan do. Ako sana ang ilalaban nila sa tai kwan do kaso ako na ang panlaban sa Archery, kaya pinili na lang nila si Justin kasi pumapangalawa naman ito sa akin. "Lalaban pala kayo ng tournament na dalawa? Bat kayo nandito?" Tanong ni julius sa amin. Nagtinginan sa amin silang lahat. Tumango naman kaming dalawa. "Magaling may laban pala kayong dalawa pero nandito kayo. Inaakyat ang pinakadilikadong bundok sa pilipinas. Pano kapag may nang yari sa inyong dalawa, kawawa naman ang school niyo walang ilalaban sa tournament. Kasi imbis na nagpapractice kayong dalawa sa bahay niyo nandito kayo naglalakwatsa." Sermon sa amin ni Mario na tinalo pa ang magulang ko. Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "O edi uwi na tayo. Dilikado pala ang ginagawa namin." Sabi ko na nakapamewang pa. "Aah hindi naman sa ganun, nandito na rin naman tayo e di ituloy na lang natin. Ikaw naman Jade sinasabi ko lang naman" Sabi uli ni mario na biglang kumambiyo, kaya nagtawanan silang lahat. Iniwan na namin ang mga gamit na pang luto at yung tent. Nag luto na lang kami ng dadalahin naming pagkain na nilagay namin sa baunan at yung mga pagkain na binili namin sa grocery. Naglagay si Justin sa baunan naming stainless ng kanin at prinitong baboy. Habang nag ibihis ako sa tent namin. Habang paakyat kami sa mayos Peak medyo nakakapagod kasi pataas na ito. Hangang makarating kami sa toktok ng mayos Peak sobrang lakas ng hangin kasi kulimlim pa pero medyo lumalabas na ang araw. Nung pababa kami ng mayos peak muntik madulas ang nobya ni Julius. Tiningnan ko sila kasi nauuna sila sa akin nasa likod ko si Justin, hirap na hirap at takot na takot ang mga nobya nila sa pag baba kasi nasa tabi ng bangin ito. Samantalang ako libang na libang sa pagkuha ng picture sa baba ang ganda ganda kasi kita ang mga bundok na akala mo iniukit. Parehas kami ni Justin may dalang camera kasi hilig din namin ang kumuha ng mga view. "Bakit si Jade parang easy lang sa kaniya ang pag punta dito akala ko ba first time niya?" Tanong ng girlfriend ni Mario. "Oo nga tingnan mo siya nakukuha niya pang kumuha ng picture. Hindi man lang natatakot." Sabi naman ng girlfriend ni Julius. "Tomboy ba siya? Pero ang sexy niya ha." Sabi naman ng girlfriend ni Gabriel. "Haay. Naku bulungan kayo ng bulungan bilisan niyo kaya. Kung si Jade ang pinaguusapan niyo. Hindi yan kagaya niyo mas macho pa yan kesa sa amin." Sabi ni Julius. Nagtinginan sila sa amin. "Talaga? Kaya pala parang hindi siya hirap" Sabay sabay na sabi ng mga girlfriend nila. Natawa na lang ang mga lalaki. Habang nakatingin sa amin. Pagdating namin sa eagle rock puro bato ito na malalaki. Nag picture taking kami habang nagpapahinga. Pagdating namin sa mavel spring. Dun kami kumuha ng tubig na iinumin namin dahil naubos na Ang dala namin at dun na kami nag tanghalian. Bago namin akyatin ang masmahirap pa dahil malalaking bato na ang aakyatin namin bago kami makarating sa toktok nito. Kaya nung paakyat na kami magkasunuran ang magpapartner dahil inalalayan ng mga lalake ang mga girlfriend nila. Nasa harap ko ang girlfriend ni Julius ng bigla itong tumili Napa tingin ako sa harap niya may ahas na biglang lumabas sa bato kaya takot na takot ito. "Wag kang gumalaw." Sabi ni Julius dito. kaya hindi naman ito gumalaw. Dahan dahan akong umakyat at binunut ko ang maliit na baril na nakatago sa may binti ko at pinaputukan ko ang ahas. Nagulat silang lahat sa akin. Nagtititili ang girlfriend ni Julius. Hinawakan ko ito sa balikat. "Hey, ok na patay na wala ng tutuklaw Sayo." Kumalma naman ito Saka tumingin sa ahas na nasa harap niya wala na itong buhay. "Wooh..Ang galing mo talaga Jade." Sabi ni Julius. Nakatanga naman sa akin ang girlfriend nito, Hindi makapaniwala sa Nakita. "Akyat na wag kang magalala nasa likod mo lang ako." Sabi ko dito at ngumiti itinuro ko ang taas. Wala sa sariling tumango inabot Ang kamay ni Julius. Nag umpisa na siyang umakyat. Kahit mahirap umakyat dahil sa mga bato nakarating din kami sa taas. Halos gumagapang na kami. Kitang kita na sa kinarotoonan namin ang bundok guiting guting. Pagdating namin sa taas nag pahinga ulit kami ng 15 minutes. Bago nag pasyang umakyat sa bundok ng guiting guiting. Mas mahirap pa pala ang pag akyat dito kasi mas malalaking bato ang aakyatin namin. Kaya para na naman kaming gumagapang. Sa pag akyat at sa wakas nakarating di kami pagkatapos ng maraming hirap at sakripisyo. Nakarating kami dito ng 1:30 ng hapon. Nag picture taking kaming lahat Nag pahinga at nag kainan. Mas mahirap ang pag baba pero kinaya naman namin minsan nga. Inaalalayan ako ni Justin pero tinitingnan ko lang siya ng masama.Napapailing na lang ito. "Inaalalayan mo pa kasi kita mong mas macho pa sayo yan." Sabi ni Julius habang tumatawa. Nakarating kami sa eagle rock ng seven ng gabi dito na kami nag palipas ng gabi. Inilabas ni Mario ang kalan na maliit na dala namin at ang maliit na kaserola nag init ako ng tubig. Sila Justin at ang dalawa niyang kaibigan nagtutulong na sindihan ang mga kahoy na kinuha ng mga guide namin. Nagkainan na kami nilagyan ko ng mga mainit na tubig ang mga cup noddles namin at binuksan ko ang mga balot ng tasty at binuksan naman ni Justin ang lata ng fork and beans na dala namin at inilabas ko ang palaman na chicken sandwich spread. Yun ang kinain naming lahat at nag kaniya kaniya kaming hanap ng matutulugan. Inilabas ni Justin ang malaking towel niya iyon ang isinapin niya sa bato na hihigaan namin kinuha ko naman ang dalawang towel ko at ibinigay ko ang isa sa kaniya upang maging kumot dahil napaka lamig malapit lang kami sa apoy na ginawa nila. Habang pababa kami nagkamali ako ng tapak sa bato at nakabitaw ako. Buti na lang nasa baba ko si Justine at nasalo niya ako. Napahawak ako sa leeg niya habang karga niya ako na pa bridal style. Napatingin ako sa kanya. Nagkasalubong ang paningin naming dalawa. Hindi ko alam kong bakit biglang lumakas Ang t***k ng puso ko. Para itong lalabas sa dib dib ko. Matauhan lang kami ng mag salita si Julius sa baba namin. "Hey, ok lang ba kayo diyan?" Tanong nito. Nahihiyang umiwas ako ng tingin kay Justine. Binaba niya naman ako. "Ahhm. Ok ka lang?" Tanong nito sa akin. Tumango na lang ako. Saka nagumpisa na uli akong bumababa. "Kailan pa ako na ilang sa kanya. Haays ano bang nangyayari sa akin." Bulong ko habang Pag sapit ng anim na araw nakauwi narin kami. Buti na lang same break kaya tamang tama ang uwi namin pasukan na sa lunes. Daumating ako sa bahay na nagkakagulo sila, "Why mama anong nangyayari bat nagkakagulo kayo?" Tanong ko ng makapasok ako ng gate, kakahatid lang sa akin ni Justin. Pinauwi ko na siya para makapag pahinga. "Nothing iha. May nag padeliver lang ng maraming patay na pusa kay papa mo siguro nagbibiro lang." Sabi nito na pinakakalma ang sarili. "Mama sino po ba ang kaalitan ni papa at Mukhang nagbabanta na ito." Sabi ko sa mama ko kasi sa nakikita ko hindi lang biro ito.Isa na itong pagbabanta. "No iha, wag mo na masyadong isipin yan. Alam na ng papa mo ang gagawin niya. Sige na magpahinga ka na." Sabi nito sa akin at hinatid na ako sa kwarto ko. Lumipas ang mga araw marami kaming natatanggap na mga sulat at kung ano ano pa. Sabi ng papa ko wag ko na daw intindihin yon. Hindi daw nito kami kayang gawan ng hindi maganda. Kaya binale wala ko na lang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD