Chapter 1

2002 Words
Lumaki ako na lahat ng gusto ko nasusunod, pero hindi ako lumaki na spoiled dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na may pagpapahalaga sa lahat ng bagay.Matalino si ako kaya lang para akong lalaki dahil ang nakahiligan ko ay mga gawaing lalaki. Kilala ako sa archery at panganga bayo minsan sumasama ako sa shooting range ng papa ko. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko kaya hinahayaan na lang nila ako sa mga gusto nito. "Tito si Jade po?" Tanong ni Justin, kababata ko ito. Ayaw ko na tatawagin ako sa buo kong pangalan gusto ko Jade lang. "Haay. Andiyan lang yan tingnan mo sa mga kabayo pagwala, siguradong nandiyan lang yan sa tabi tabi." Sagot ng papa ko at nag paalam na si Justin. Siya ang kaibigang matalik ko. Inaanak siya ng mama ko magkaibigan ang pamilya namin Gobernador ng bayan ang ama ni Justin at magkaklase din kami sa kurso na Bachelor of Science and Publuc Safety (BSPS). Si Justin lang ang nagiisang nakakalapit sa akin, mailap kasi ako kilala ako sa pagiging suplada at mayabang. Pero hindi ako mayabang ayaw ko lang sa mga babaeng maarte at mahina, para sa akin ang babae ang pinaka malakas sa lahat dahil ang lalaki sumusunod lang sa babae. Ayoko rin lumalapit ang mga lalaki sa akin kasi para sa akin lumalapit ang lalaki sa babae dahil sa isang bagay lang. Kaya bago nakuha ni Justin ang loob ko marami pa siyang pinag daanan na kasupladahan at kasungitan ko. Pero pilit niyang pinatunayan sa akin na malinis ang intension niya sa akin. Kaya sa bandang huli napasuko niya rin ako. Iniingatan niya ako na parang babasaging cristal na kunting pagkakamali niya lang mababasag. Ganun ako sa kaniya. "Jade nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Justin sa akin ng makita niya ako sa shooting range ng bahay namin. Nasa may gitna ito ng gubat na sadyang hindi pina putol ng ama ko ang mga halaman na tumubo sa lugar nato. Tanging ang gitna lang nito ang pinalinis niya upang maging shooting range niya. Kaso ng mag kaisip ako naging hilig ko ang paghawak ng baril kaya naging lugar namin ng ama ko ang lugar na ito. Sekreto ang lugar na ito hindi mo ito makikita kung hindi mo papasukin ang gubat. Sakop parin ito ng bakuran ng Hacienda namin. Magaling ako sa larangan ng pag baril sharpshooter ako. Mataas ang grades ko kesa kay Justin sa school kasi hindi ako nagpapatalo sa kanila. Lagi kong nilalamangan ang mga ginagawa nilang mga lalaki, sa Tai kwan do nga lagi sila natatalo sa akin. Dahil para sa akin hindi dapat minamaliit at pinaiiyak ng mga lalaki ang mga babae. Dahil hindi sila mahinang klase ng tao. "At bakit mo naman ako hinahanap aber?" Tanong ko naman kay Justin. Habang tinatangal ang ear mask ko at eye glass. Nakaitim na tshirt at itim na pantalon ako at naka pusod pataas ang mahaba kong buhok na itim na itim at medyo kulot. Nakatingin lang sa akin si Justin. "Wala lang aayain sana kita na mag mountain climbing sa Mt guiting guiting bukas. Kasi nagkayayaan kami ng barkada na mag mountain climbing bukas at ang napili naming akyatin ay ang Mt guiting guiting, at naisip ko na isama ka." Sabi nito sa akin na nagtataas baba pa ang kilay. Napatawa na lang ako dito. "Alam ko na hindi mo pa nasusubukan ang mag mountain climbing. Pero alam ko na magustuhan mo ito dahil mahilig ka sa adventure. Ito ang pinaka magandang adventure dahil talagang may trill." Sabi nito sa akin. Napangiti ako nagliwanag ang mga mata ko sa tuwa dahil sa sinabi ni Justin, dahil gusto ko talaga ang adventure na lakad. "Talaga! Sige sasama ako anong oras mo ako susunduin?" Tanong ko na exited na sa lakad namin bukas. "Tomorrow at three o'clock in the morning." Sabi nito. Habang tumatawa dahil nahulaan na naman niya ang hilig ko. "Nag meryenda ka naba?" Tanong ko dito ng makalapit ako sa kaniya. "Kung pamemeryendahin mo ba ako di mag papasalamat ako." Sabi nito na nakangiti at tumingin sa akin habang naglalakad kami papuntang mansion namin. Malayo layo din kasi ito, madadaanan mo pa ang rancho bago ka makarating sa hardin ng mansion. "What? Hindi niya talaga ako tinitigilan, akala niya natatakot ako sa kaniya. Sabihin mo sa kaniya kahit anong gawin niya lalabanan ko siya at wag niya akong matakot takot, dahil hindi ako natatakot sa kaniya. Hindi ko siya uurungan kahit saang bagay at saang lugar tandaan niya yan. Lumaban siya ng patas hindi yung sa likuran ko siya kumikilos." Narinig namin ang malakas na boses ng papa pag pasok namin ng pintuang salamin sa gilid ng mansion. Galit na galit ito. Kita kasi ang living room dito. May kausap siya na nakaupo sa harap niya. Hindi namin ito nakikita dahil nahaharangan ito ng malaking sofa na kinauupuan ng papa. "May kaaway ba ang papa mo sa negosyo?" Tanong ni Justin sa akin. "Lagi naman may kaaway siya sa negosyo, marami kasi ang kumakalaban sa negosyo namin. Gusto nilang pabagsakin ang papa." Sagot ko dito. Na binalewala ang narinig ko na sinabi ng papa dahil alam ko na parte lang iyon ng negosyo at kaya niya iyong harapin. "Oh justin iho nandito ka pala!" Sabi ng mama ng makita kami ni Justin na pumasok ng kitchen. Kagaya parin ng dati nag bebake ito ng paborito kung chocolate cake. "Yes. Mama niyaya niya akong sumama sa kaniya bukas mag mountain climbing sa bundok guiting guiting." Sabi ko na humalik sa pisngi ng mama ko. Si Justin naman ay bumati sa mama ko. "O maupo na kayo diyan at pahahandaan ko kayo ng meryenda. Nag bake ako kanina ng cassava cake masarap yun iho tikman mo." Sabi ni mama na nakangiti kay Justin, naupo na kami ni Justin saupuan na nasa gilid ng table at nasa harapan ng pinaghahaluan ni mama ng harina na gagawin niyang cake. "Inday!" Tawag ni mama sa isa naming katulong. "Yis ma'am" Sagot ni inday na halatang bisaya sa pagsasalita. "Dalahan mo ang seniorita mo at ang kasama niya ng ginawa kong cassava cake kanina at gawan mo din ng mango shake sila." Utos ni mama dito. Agad namang umalis ito sa harap ni mama at ginawa ang iniutos ni mama sa kaniya. "Tapos mo na ba ang home work na pinagagawa sa atin ni sir?" Tanong ko kay Justin. Tumango naman ito at tumingin sa akin. "Kakaiba talaga ito si Justin kung tumingin sa akin kala mo inaarok ang pagkatao ko. Kainis kasi nakakailang kung minsan." Sabi ko sa isip ko habang nakatingin kay Justin. Hindi naman nito napansin. "May hindi kasi ako maintindihan dun." Sabi ko sa kanya na lang. Ganito kami lagi may subject kasi kami na mahirap sa akin madali naman sa kaniya, meron namang mahirap sa kaniya madali naman sa akin. Kaya nagtutulungan na lang kami. Minsan dinadala niya ang gamit niya dito para magpaturo sa akin minsan naman tinatawagan ko siya para pumunta dito dahil para naman magpaturo ako sa kaniya. "Sige mamaya ipapaliwanag ko sayo." Sabi nito sa akin. Dumating na si inday dala na ang meryenda namin at ng matapos kami umakyat kami sa kwarto ko. Ginawa namin ang home work ko,vhindi nagagalit sina mama at papa kapag pinapapasok ko si Justin sa kwarto ko dahil sanay na sila rito. "Sige Jade, see you tomorrow." Sabi nito habang sumasakay sa sasakyan niya, hinatid ko ito sa sasakyan niya. Dahil gabi na kami natapos sa paliwanagan sa home work ko. "Yeah. See you tomorrow." Sabi ko naman at kumaway na ito habang pinaandar niya ang kotse niya. Napangiti na lang ako. Gabi palang busy na ako sa pagimpake ng mga dadalahin ko, inilabas ko ang malaking bag pack ko. Ginamit ko ito nung magtraining kami sa bundok. Nilagyan ko ito ng damit para sa anim na araw at nag dala ako ng maraming bimpo at dalawang towel, pati narin kumot. Hindi na ako bumili ng pagkain dahil doon na lang daw kami bibili ng pagkain namin. Kinabukasan maaga pa dumating si Justin para sunduin ako, para pumunta sa Mt guiting guiting. Sa van nila siya nakasakay kinuha niya ang bagahe ko. "Alis na po kami ninang." Sabi ni Justin kay mama. Pagkatapos bumati kay mama. "Iho ikaw na ang bahala sa anak ko alam mo naman na walang inuurungan yan." Sabi ni mama kay Justin at hinawakan pa ang kamay nito. "Mama naman para naman akong bata niyan." Maktol ko kay mama, natawa naman silang dalawa ni Justin. "Wag po kayong magalala ninang ako po ang bahala kay Jade" Sabi nito. Humalik na ako kay mama at umalis na kami. Pagsakay ko sa van nagulat ako ng Makita na marami sila. Kasama niya ang tatlo niyang kaibigan at kasama naman nito ang kanilang mga girlfriend. "Good morning Jade." Sabi ni julius at napatingin naman ako sa kanilang lahat. "Aahm. Jade these are my friends Mario and Gabriel and this is their girlfriend. Sherly, Chesca and c Chatty. Guys this is my friend Jade." Pakilala ni Justin sa amin. Nakita ko na nagtinginan ang mga girlfriend nila. "Akala namin lalaki. Babae ka pala." Sabi ni chesca habang nakatingin sa akin naka short ito at pinartneran niya ng crop top. Si Sherly naman naka jeans at polo na itinali hangang pusod at yung Chatty naman naka short at tshirt na ginupit gupit kita din ang pusod nito. "Aah! Marami talaga ang nagaakala na lalaki ako." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti din sila sa akin at naupo na ako sa unahang bangko na pandalawahan. Umupo si Justin sa tabi ko at nagumpisa ng umandar ang sasakyan. Tatlong oras ang biyahe namin magmula sa amin hangang sa pier ng Dalahican. Pagdating namin dun bumaba na kami ng sasakyan. "Mag cocommute tayo magmula rito hangang sa bundok guiting guiting. Para may trill talaga ang lakad natin at mararanasan natin talaga ang totoong adventure." Sabi ni Justin sa amin at pinakuha na niya ang mga gamit nila at pinaalis na ang sasakyan. Kumuha kami ng ticket sa Barko bago nagyaya si justin na kumain. Nakakita kami ng isang fast food na kainan kaya pumasok kami dun at kumain kasi 3:30 nung sunduin nila ako at ngayun ay 6:30 ng umaga kaya tatlong oras ang biyahe namin. Pagkatapos namin kumain nag take out na lang kami ng pagkain para maging pagkain namin sa Barko. Umakyat na kami sa Barko at naghintay pa kami ng dalawang oras bago umalis ang Barko. Dito na kami sa Barko nananghalian at hapunan. Hating gabi kami dumating sa sibuyan Island sa Romblon. Kaya naghanap pa kami ng malapit na hotel at dun kami angpalipas ng gabi Nagising kami ng umaga, naligo muna kami bago kami lumabas sa hotel. Paglabas namin naghanap kami ng makakainan at saka lang kami nag pakyaw ng tricycle papuntang Bundok guiting guiting. Pero bago kami makarating sa bundok guiting guiting dalawa ang dinaanan namin para magparehistro at yung pangatlo na pinag parehistrohan namin dun kami kumuha ng guide namin. Tatlong oras din ang ginugol namin bago kami nagumpisa umakyat ng bundok. Kaya alas dose na ng tanghali kami naka akyat ng bundok kasi nagluto muna kami sa bahay ng guide namin ng binili naming pagkain sa palengke sa my bayan. Namili na rin kami sa mini grocery dun ng pagkain na dadalahin namin. Yung mga pag kain si mario ang nagdala. yung gamit niya nilagay sa bag ng nobya niya at yung mga gagamitin naming pangluto at kakainan Yun ang nilagay niya sa bag niya. Si Gabriel naman ang may dala ng tubig na pang luto sila Julius at Justin ang may dala ng tent na gagamitin namin. Mahaba haba din ang nalalakad namin. Madilim na ng huminto kami. "Tulungan niyo ako mag tayo ng tent, dahil dito na muna tayo mag papalipas ng gabi. Wag na muna tayong tumuloy sa Mountains Peak kasi alanganing oras na masyado ng madilim sa daan." Sabi ni Justin ng makrating kami sa camp 3.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD