Chapter 5: Awaken

1244 Words
Jack's POV "Paano kung hindi na tayo makikilala ni Gwen pagkagising niya?" Tanong ni Aika. Nandito kami ngayon sa room, lahat ng estudyante umuwi na. We've been here 1 hour ago since dismissal. "Wala tayong magagawa," sabat ni Zion. Gwen is still sleeping. 1 month na rin ang nakalipas, at sa isang buwan na 'yon, lagi namin siyang dinadalaw sa ospital after class sa hapon. Pag weekends, magdamag kami ang nagbabantay sa kanya. Kami na ang nag-volunteer sa Mama ni Gwen. Lumipas ang school fair na hindi kami tumugtog. Sadyang hinihintay namin si Gwen magising. "Tara na sa ospital. Nag-text na si Tita na kailangan niyang umuwi." Sabi ni Aika. Nagsitayuan naman kami at lumabas ng room at saka sumakay sa van. Si Miko ang nag-drive. Pagkarating namin sa ospital, nasa amin na naman ang atensyon ng mga nurse. Who cares? Araw-araw kaming nandito para lang malaman na gising na siya... "Tita, kami na po ang bahala kay Gwen. Friday naman ngayon." ani Min. "Naku, salamat at kayo ang naging kaibigan niya. Pasensya na sa estorbo. Naabala pa kayo." Ngumiti si Tita sa amin at hinalikan sa noo si Gwen. Hanggang ngayon nakakabit pa rin sa kanya ang mga aparatus. Umalis na si Tita at kaming pito ang naiwan. Nagkukuwentuhan lang kami nang tumunog ang phone ni Aika. Napatingin kaming lahat sa kanya nang tumayo siya at napunta sa harap ng pinto. "Hello, Ma?... Dito po sa ospital... Opo, bukas nalang po ako uuwi... Sige Ma thanks. Bye..." humarap siya sa amin. "Pumayag si Mama na dito na muna ako." "That's good," sabi naman ni Mikoto. Itong dalawang hapon na 'to parang may something... "Kayong dalawang hapon, parang may kakaiba sa inyo," sabi ko. "Sa tagal niyo nang magkakilala imposibleng wala." "Pinagsasabi mo dude?" Si Mikoto. "Haha. Yeah right, halata nga sa inyo." Sabi naman ni Min. "Kayo na ba?" – Michael "Kailan pa?" – Zion "Stop!" sabay na sigaw ni Mikoto at Aika. "Hindi naman kami." Sagot ni Aika. "Huwag nga kayong sumigaw." Singit ko. Napataas ang kilay nilang lahat sa dalawa. Pero, alam kong mayron talaga. Wait, ba't ko pa sinasabi ang love life nila? Ano naman kung meron nga? Napatayo na lang ako sa pagkakaupo at tinignan ang nahihimbing natutulog na si Gwen. "Uwi muna ako sa bahay." Sabi ko sa kanila at lumabas. Pero napahinto ako nang magsalita si Zion. "Dude, dalhan mo kami ng mga damit." "Ano ako? Tsk! Kung gusto niyong dito matulog, kayo ang umuwi at kumuha ng damit niyo!" Sigaw ko at umalis na. Hanggang ngayon may inis pa rin ako sa kanila ni Mike. Kasalanan nilang pinakita nila kay Gwen ang pag-iba ng mata nila. Dinala ko ang van. Isa-isa kami ng susi sa van at mga kotse namin. Pina-duplicate talaga namin noon pa para hindi na magkagulo-gulo sa paghahanap ng susi. Nakarating na ko sa bahay at napahinto ako sa paglalakad sa sala nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko... "How are you, son?" si Papa. "Kailan po kayo nakauwi?" tanong ko sa kanya at niyakap siya. "Kanina lang." Nasa Germany nakatira ang mga magulang ko at minsanan sa isang taon lang sila umuuwi dito. "Ang totoo niyan, about doon sa babaeng kaibigan niyo na na-aksidente, our family doctor said he wants to help her. Diba sabi mo lagpas 1 month niya siyang hindi pa nagigising?" tumango ako. Sa 1 month na 'yon, noong last two weeks ko pa pinaalam kay Dad na na-coma si Gwen. "He said he's willing to take medications for her, paid free. Sagot na 'yon sa ospital natin sa Germany." "Pa, are you sure?" Bakas sa tono ng boses ko ang saying nararamdaman ko sa mga sinabi niya. "Yes, it's now settled to him. Pero gusto kong makausap ang parents ni Gwen para masabihan sila. Don't worry, she'll be in good hands kapag papayag ang parents niya." "I have their contacts, Dad. You can speak to them." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Tita Belle. Sinagot niya naman agad. "Oh, Jack? Ba't ka napatawag?" "Tita, gusto po kayong makausap ni Papa. About Gwen's..." "Sige." Binigay ko na kay Daddy ang phone ko at umakyat muna sa kwarto ko. Sa balitang 'to, gusto kong bumalik sa ospital para pagsabihan ang iba. Pero pagkakita ko ng kama ko, bigla nalang ako napahiga at pumikit. Kumatok si Dad. "Jack, samahan mo ako sa kanila." Tawag niya. "Opo, magbibihis lang." Sabat ko kaya tumayo na ko at nagbihis. Mahirap na baka pagalitan ako kahit gusto kong matulog na lang sa kwarto ko. Nasa bahay na kami nina Gwen, si Tita Belle at Kuya Sid lang ang nandito. Nakaupo lang kami sa sofa sa sala nang biglang magsalita si Papa. "Mrs. Ventura, I came here to talk about Gwen's medication. Our family doctor said he is willing to help for the operations, paid free." Napatulala si Tita Belle sa sinabi ni Dad. "I know it's hard to decide and it's now settled in Germany. Kailangan lang namin ang permisyon niyo para sa ikabubuti ni Gwen." Tama si Dad. Kapag ditto lang sa Pinas maglagi si Gwe, walang ibaba sa resulta. Hindi alam ng mga doctor kung kalian siya magigising. Biglang tumunog ang phone ko kaya napatigil sina Papa at Tita sa pag-uusap. Si Hyun Woo tumatawag. "Oh?" "Jack! Gising na si Gwen!" sigaw niya sa kabilang linya. Napatingin naman ako kay Tita. Tumunog din ang phone ni Kuya at sinagot iyon. "Papunta na kami dyan." Sabi ni Kuya Sid at nauna nang lumabas ng bahay na hindi man lang sinabi kina Tita ang balita. "Tita, gising na raw si Gwen." Nagmadali namang umakyat si Tita at lumabas na rin kami ni Dad. Pagbaba niya may dala na siyang bag. Pinaharurot na ni Kuya ang sasakyan nila kaya sumunod na rin kami ni Dad. Nang makarating kami sa ospital, nasa labas ang barkada. Parang natutulala at kinakabahan. "Anything happened?" tanong ko sa kanila. Walang sumagot. "Ano bang nangyari?!" napasigaw na ako. Pumasok sina Tita at Papa sa kwarto. Si Min na ang sumabat. "Bigla na lang siyang nanigaw at nag-wild." "Ha?" "Isa lang 'yon sa mga cases ng coma." Sabi naman ni Mike. "Sht," I hissed. "Dapat pala hindi na ko umuwi." "Ba't nandito si Tito Rick?" Tanong ni Mikoto. "Nasa bahay na siya pagdating ko." "Guys..." tawag ni Aika. Nakasilip siya sa loob. "Flat line..." at biglang tumulo ang luha niya. Rinig dito sa labas ang pagtunog ng flat line. No way! Nagsipasok kami pero pinigilan kami ng nurse palabas. "No! This can't be happening!" iyak ni Min. Pati ako, napaiyak na rin. Nagyakapan kami sa labas ng kwarto, humihikbi. "She's too young for this." - Zion "No. kasalanan natin 'to." – Mike Wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila! Kumalas ako sa kanila. Napaupo ako at hinayaang tumulo ang luha ko. God, kahit bigyan mo lang kami ng isa pang chance, makausap lang namin si Gwen. And someone remind us na para bang gusto naming bawiin ang nasayang naming mga luha. "She's awake. Pwede na kayong pumasok." Sabi ng nurse kaya wala pang tatlong segundo nasa loob ng kami. And there... she's lying with tears in her eyes to her cheeks, smiling like nothing happened. "What's up, guys?" bati niya na nagpaliwanag ng aura naming pito. Pati sina Tita umiiyak pa rin. Isa lang ang masasabi ko... Everything has its second chances. At sa pangalawang buhay ni Gwen, sisiguraduhin kong masaya siya sa piling naming magbabarkada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD