Chapter 4: Boys Avenue

1245 Words
Zion's POV Pagkalabas ni Gwen ay sumubok na ulit kami sa suntukan. Ang aangas ng itsura nila pero mga mahihina naman. "Mikoto!" Sigaw ni Jack. Umilag naman si Miko at sinuntok ang papalapit sa kanya. Nakahandusay na ang pito sa kanila. "What now?" Ani Hyun Woo. "You're too weak to be our rival." "Sumuko na kayo." Sabi ko, ngumisi naman sila. "Ayaw niyo ha." Inunahan ko nang sinuntok si Martin, siya ang nag-text sa akin kanina. Tinapos na rin ng apat ang dalawa. Hinawakan ko ang leeg ni Martin. "Huwag na huwag na kayong bumalik dito kung ayaw niyo pang mamatay." Sabi ko sa kanya. "Hindi mangyayari 'yon, magkikita pa tayo sa kulungan." Sabi niya at dinuraan ako. Ampota bastos to ah! Sinuntok ko ng malakas ang tiyan niya! Sumuka naman siya ng dugo at napahandusay sa malamig at mainit na sahig dito sa roof top. Napatumba na namin ang lahat. Sila 'tong papasok-pasok sa teritoryo namin tapos wala din namang napala kahit may dala silang "Paano 'yan, parang nakita ata ni Gwen na nag-iba ang mata natin?" Tanong ko kay Michael. Tumango naman siya. "Absolutely right," sabi niya at pinunasan ang duguang labi. Narinig ng tatlo iyon. "What? Pinakita niyo kay Gwen?!" Sigaw ni Jack. "Anong magagawa namin? Baka mapahamak pa siya dito 'pag naglagi pa. Pati ata 'tong mga galos natin nakita niya pero naghilom na." Sagot ko naman sa kanya. Napabuntong hininga silang apat. "Nangyari na, tapos na. Kailangan na lang ata niyang malaman kung anong tunay na anyo natin." Sabi ko. "No, that'll never gonna happen." Sagot naman ni Jack. "Tara na sa room." Naglakad na kami papuntang private room namin malapit sa rooftop at naligo at nagbihis. Saka na kami lalabas dahil napagod kami. "Speaking of, ano pala ang dapat natin malaman kay Gwen? Diba may sasabihin siya sana kagabi?" Sabi ni Mike. Napahinto kami nang may kumatok sa pinto. "Guys?" Parang boses ni Aika. Napatayo ako sa binuksan ang pinto. "Si Gwen kasi, she's not in the room." Sabi niya. Napatingin naman ako sa apat. Teka, bakit niya alam ang kwartong 'to? "Ahh, sinabi ko sa kanya." Sabi ni Mikoto. Tsk tsk, mga Hapon nga naman. "What now? Are you going to help me to find her or nah? I'm leaving." Sabi ni Aika. Napatayo si Jack. "Didn't you texted her?" "Yes, I did. But she's not replying. Also we called her. Pati si Min naghahanap na rin. Is there something happened?" Tanong niya. Doon na ako bumalik sa huwisyo ko... lumabas na ko at nagsimulang hanapin siya. Nagtanong-tanong ako sa mga estudyanteng nababangga ko. "Nakita niyo ba si Gwen Ventura?" Ang iba'y umiling, 'yong iba sinabing hindi nila kilala. Tch, Gwen. Where the hell are you? Makalipas ang ilang oras sa paghahanap sa kanya, hindi namin siya nakita kaya nagpa-blater na kami sa mga pulis. "Mga iho, kalma lang. Pinakalat na namin sa ibang lugar ang ibang pulis kung saan siya pwedeng nagpunta." Sabi ni chief. "Sir, sana magawa niyo nang paraan. We need to find her as soon as possible." Sabi ni HyunWoo. May tumawag sa teleponong kaharap niya at sinagot iyon. "Yes, good evening... Oo ito nga..." napatingin siya sa aming lima. "Sigurado ba kayo?" Mas kumunot ang noo niya. Hindi naman sana pwedeng si Martin ang tumawag, baka maunahan pa kaming makulong at hindi na namin mahanap ni Gwen. "Nasa ospital siya," sabi ni chief. "Nag-aagaw buhay." "What?!" Sabay naming sabing lima at napatayo. "Saang ospital?!" "St. Lukes." Hindi na kami nakapag-paalam sa pulis na kausap namin. Sumakay na agad kami sa van at si Jack ang nag-drive! "Faster! Kung kailangang paandarin mo ang wangwang, paandarin mo!" Sigaw ni Mike sa likod. "Bullsht! Kayong dalawa ang may kasalanan nito!" Sigaw niya. "Dude, kalma. Noong wala pa si Gwen, napapaiba na ang anyo natin. Hindi na namin magawang maging normal dahil sa sakit ng katawan." Sagot ko naman. "I don't care!" Sigaw niya at pinaharurot ang van hanggang sa makarating kami sa ospital. Tinanong agad namin ang nurse kung saan siya. "Room 614, sir." Sumakay kami sa elevator at tumakbo kami papunta dun at binuksan ang pinto. Napahinto kaming lima... hinihingal. Si Gwen, maraming nakakabit na aparatus sa kanya at maraming galos sa kamay at nakabenda ang ulo. "W-what happened?" Si Jack. "Naaksidente siya." Sabi ng may nasa edad 40 na babae. "Ako pala ang Mommy niya. Kayo ba 'yong mga kaibigan niya?" Tumango kami. "Tita, kamusta po ang lagay niya?" Tanong ko. "As far as this time, hindi pa siya nagigising." Sagot niya at humikbi. Napatingin ako sa lalaking nasa likuran niya, Kuya niya ata. "Sabi ng mga nakakita sa kanya, humihikbi siya habang papatawid sa kalsada. Mabilis pa daw ang pagpatakbo ng driver na nakabangga sa kanya kaya hindi na nakaiwas." Parang biniyak ang puso ko sa mga narinig ko. Kasalanan namin 'to... Napahinga kaming malalim. Hindi namin alam kung anong sasabihin namin. Pumasok ang doctor kaya napahawi kami sa daan. "Tita, labas po muna kami." Sabi ni Mikoto. "Mrs. Ventura, nasa kritikal pa rin ang kondisyon ni Gwen... sa mga ganitong cases, 'yong iba nagkaka-brain hemorrage o kaya nagkaka-amnesiya." Rinig kong sabi ng doctor. Napaiwas ako ng tingin sa loob. "Let's go home," mahinang sabi ni Jack at sumunod naman kami sa kanya. Ako na ang nag-drive ng van papunta sa bahay. Pagdating namin, napatungo agad ako sa bar counter at nagbukas ng inumin. Nakakapagod ang araw na 'to, at isipin ko man o hindi ang itsura ni Gwen, parang gusto kong bawiin nalang din sa akin ang buhay ko. Kasalanan ko 'tong pinakita ko sa kanya ang pag-iba ng mata ko. "Grr!" Rinig kong ungol sa labas! Tumakbo ako palabas sa garden at nakita ko nalang nakahandusay si Mike sa damuhan, na ibang uri siya. Tinulungan naman siya ni HyunWoo kaya bumalik siya sa pagkatao niya. Tinulungan siya ng isa na tumayo. "Next time, siguraduhin niyong walang makakaalam!" Sabi ni Jack at napatingin sa akin. Masamang tingin at galit siya. Nilagpasan niya ang hagdan at lumabas ng bahay. Isang patunay na leader namin si Jack: isang sabi, isang sagot, isang tango-- napapasunod niya kami. At kahit anumang galit ang nararamdaman niya sa isa sa amin ay nahuhupa din. "Balikan natin si Gwen bukas after class." Sabi ko, tumango naman silang tatlo. "Isama na rin natin sina Aika at Min." Speaking of Aika, hinarap ko si Mikoto. "Ikaw Miko. Ba't mo sinabi kay Aika tungkol dun sa kwarto natin?" Kumibit balikat lang siya at nilagpasan ako. "Hoy, tinatanong kita." Sigaw ko. "Tomorrow Zion, I'm tired." Sabi niya at umakyat sa kwarto. Sa bahay na 'to, kaming lima ang nagmamay-ari, kasama ang dalawang katulong na galing sa pamilya ni Jack. Lahat kami dito ay pawang mga immortal... kapag normal ka at pagpasok palang sa bahay, maaamoy mo na ang baho ng isang hayop. Hindi maiiwasan 'yon, totoo sa totoong mga lobo kami. "Tara na," aya ko sa dalawa at umakyat na rin kami sa kanya-kanyang kwarto. Nahiga ako sa kama ko at napaisip, bakit hindi nalang namin sabihin kay Gwen ang lahat? Pero hindi pa siya nagigising... at baka posibleng magka-amnesia siya sa lagay niya. ☆☆☆ Chapter 5 - Teaser Ilang ulit kong pinunasan ang mga mata ko dahil sa luhang bumabagsak kanina pa. "Stop crying, Gwen." Hinintay kong mag redlight sa footwalk para makatawid ako. At nang huminto ang mga sasakyan, dali-dali akong lumakad pero naabutan pa rin ako ng isang humaharurot. Huminto ako sa paglalakad, at huli na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD