Chapter 6: It's Okay

1332 Words
Zion's POV "What's up, guys?" Nagliwanag ang mata at mukha namin dahil sa tuwa... gising na siya. Sabay kaming lumapit sa kanya at niyakap. Hindi kami makapaniwalang mabuti ang kalagayan niya... kesa kaninang nag-wild siya at parang hindi na kami kilala. "God, thank you!" Sigaw ni Tita Belle. "How are you feeling, Gwen?" Tanong ni Tito Rick. Napakunot ang noo niya. "I'm Jack's father. Nice to meet you." "Base sa nakikita namin, na overcome na ni Gwen ang coma at parang walang may nangyaring amnesia sa kanya." Sabi ng doktor. "For now, let's just wait for possibilities na babalik ang pagsakit ng ulo niya." Hindi naman maiiwasan ang pagsakit ng ulo ng pasyente na dahilan ng aksidente at kakagaling lang sa mahabang pagtulog. Baka may nabuong dugo sa ulo niya. Lumabas na ang doktor. "Anak, 'wag mo na ulit 'yon gagawin." Sabi ni Tita. "Ma," tawag ni Gwen kay Tita. Niyakap siya ni Tita at pati si Kuya Sid. - Earlier na umuwi si Jack sa bahay, narinig na lang naming umungol si Gwen kaya napatigil kami sa pag-uusap. Nakamulat ang mata niya at tulala sa kisama. Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya at tinanong kung nakikilala niya ba kami. Kumunot-noo siyang nakatingin sa aming anim at naglipat tingin. Napako ang tingin niya sa akin at kay Mike at bigla na lang siyang sumigaw. Tinawag ni Aika ang nurse kaya napasok siya sa amin. Pinakalma niya si Gwen kaya lang hindi niya kinaya kaya lumabas ako at tumakbo sa nurse station para tumawag ng back up kay Gwen. Mahirap na kapag kami ang magpatigil sa kanya, baka masaktan siya. Pinalabas kami ng doctor nang makarating ito. Napatayo kami sa pinto at sinilip kung anong bang nangyayari. Hindi naman namin naaaninag kaya napaupo kami. Tinawagan ni Hyun Woo si Jack para ibalitang gising na siya. Si Mikoto naman kay Kuya Sid. Ilang minuto ang nakalipas ng tumayo si Aika at sinilip ang nangyayari. Maya-maya'y dumating sina Tita at nagulat kaming apat na kasunod ni Jack si Tito Rick. At narinig na lang namin ang flat line sa loob... Pero nabuhayan kami ng loob nang lumabas ang nurse at sinabi sa aming gising na siya... in her second life. - Nahihirapang makaupo ng maayos si Gwen para lang makaharap kaming lahat. Nakangiti siya na parang walang nangyari kanina. Niyakap namin siya isa-isa. Nagawa pa naming mag group hug sa sitwasyon 'to. "Salamat guys." Sabi niya sa amin. Isang salita lang pero napangiti na kami. Ang importante ay gising na siya. Makalipas ang ilang oras niyang pananahimik sa kama niya ay napatayo ako at naupo sa tabi niya. "Are you now alright?" "Never been better. But I thanked all of you for taking care of me." Sagot niya. Naka-benda pa rin ang ulo niya. Ngumiti siya sa akin at tinignan ang lahat. Masaya. Masaya dahil nalagpasan nila ang sitwasyon para kay Gwen. Pati na rin kami... it's been a month since she's sleeping. "Akala ko iiwan mo na kami," sabi ko. "Not given that na sinabi ng doctor sa amin noon na baka raw magka-amnesia ka sa nangyari. But we prayed every day na bumuti ka, magising ka at makausap ka namin ulit." Biglang tumulo ang luha niya. Hala. "Thank you Zion dahil naging isa ka sa naging kaibigan ko." "Wala 'yon. Parang nakonsensya nga kami ni Mike sa nangyari sa 'yo. Pinagsisihan talaga namin. Nagalit sa amin si Jack at hindi kami tumutog sa school fair dahil hindi kami mapakali sa nangyari. And given the fact that you'll be our vocalist pa naman sa banda tapos hindi pa namin magawang protektahan ka." Paliwanag ko. Napatungo siya at pinunasan ang mga luha. Nakatingin ang lahat sa amin na para bang inaalam ang totoong nangyari. "Guys, you should go home na muna. Baka mapagod pa kayo. Remember, exam day niyo na ata sa lunes." Paalala sa amin ni Tita. And shet nga naman, nagkatinginan kaming pito at narealize ang sinabi niya. "Omo. I forgot!" Tili ni Min. "Jusko, baka babagsak tayo nito. Hindi man lang tayo nag-aral." Sabit naman ni Min. Napatingin kami kay Gwen nang bigla siyang tumawa at humawak sa ulo niya. "Are you okay?" Tanong ko. "Yeah, bigla lang kumirot." Napatingin siya sa amin. "You should go home na guys. Tama na muna ang pagbantay niyo sa akin gabi-gabi. Dito naman na si Mama at Kuya. I can manage myself na rin naman." Napatango naman ang lahat. "Let's go boys. Hatid na rin natin ang dalawa." Aya sa amin ni Tito. Nagpaalam na kami kina Gwen at lumabas ng ospital papuntang van namin. Si Tito na rin ang nag-drive kasi malalim na rin ang gabi. Hinatid namin ang dalawang babae sa kanya-kanyang bahay nila. "Thank you guys and Tito." Sabi nilang dalawa. Magkatabi lang naman palang bahay. "You're welcome. Good night," sabay naming sabi kaya napangisi kami. On the way sa bahay nang magsalita si Tito. "Boys, what if... mag overnight kayo sa bahay with 2 girls para mapag-aralan niyo ang lessons niyo?" Pumalakpak naman si Mikoto sa tabi ko. "Great idea, Tito." "Psh. Ang sabihin mo para makahanap ka ng moves para kay Aika." Gatong ko. 'Tong hapon na 'to parang gago. Hindi pag-aaral ang iniisip. "Anong sabi mo?" Sigaw niya pa. "Hahaha! Calm down, Mikoto." Singit naman ni Tito at ngumisi kami. "I know you well, all of you since birth kahit na once ko lang kayo nakikita at nakakasama. Alam ko na ang mga pag-uugali niyo. We've been talking each of you, right?" Tumango naman kami liban na lang kay Jack. Minsan sa madalas kasi tumawag si Tito sa amin via skype kapag nasa Germany siya. "Kaya alam ko na kung ano ang gusto niyo o hindi. Pala kwento nga kayo sa akin kaya para ko na kayong mga anak. Naalala ko noong mga nasa edad niyo pa lang ako, hindi ko maiiwasan na mag-bisyo kahit na galit na ang lolo niyo. Alam niyo naman, basta lalaking anak, bisyo agad ang inaatupag. Kaya pagkatapos nun, sa ibang palikong lugar napupunta. Hindi ko naman sinasabing gayahin niyo ako--" "Pa, stop." Singit naman ni Jack sa ama na tinawanan lang namin. Alam na namin kung saan patungo ang kwento ni Tito. Pala biro rin naman siya kaya naging ama na rin ang turing namin sa kaniya. Nasa bahay na kami at nagpaalam si Tito na doon muna siya sa kabilang bahay, na katabi ng bahay naming lima, maglagi. Parang may importante siyang gustong kausapin na hindi namin dapat malaman. Ah basta. Personal namang buhay 'yon ni Tito kaya hayaan na. Humiga na ako sa kama ko matapos kong maglinis ng sarili at napatingin sa oras, 2:30AM. Buti na lang Saturday bukas kaya walang pasok. Kinuha ko ang phone at tinext si Gwen. Hi. How are you? Natutulog ka na ba? Wala pang dalawang minuto, nag-reply siya at napakunot noo ako sa nabasa ko. She's fine, Zion. Alam kong ikaw 'to. Oo, natutulog na si Gwen. Why? Namimiss mo na? Bakit ikaw gising pa rin? Malamang si Kuya Sid ito. Nagtipa ako ng reply. Kuya, hindi naman sa ganun. Syempre nakaugalian kong nakikita siya sa oras na 'to. I'm still worried sa nangyari kanina. Akala ko mawawala na siya. At nagreply ulit. It's okay, bro. Ngayong nagkaroon siya ng second life, which is better kesa sa mawala siya, I still prefer you all to be her friends. Masyado mang komplikado noong hindi ko pa kayo kilala, mas naisip ko naman ngayong mabuti ngang naging kaibigan kayo ng kapatid ko. She's so lucky to have 5 boy friends. Minsanan lang magkaron ng kaibigan si Gwen kaya thank you sa pagtulong niyong magbantay sa kanya. Pero kung saktan niyo siyang lima, malalagot kayo sa 'kin. Napangiti na lang ako sa text ni Kuya Sid. She's also lucky to have a brother that also takes care a lot for her. I know and still pray that she'll be even better next time... kahit ilang araw o buwan pa ang hihintayin namin para lang maging okay ang lahat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD