Chapter 11: Chocolate

1288 Words
Jack's POV "Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mike. Nasa private room kaming lima. Pinag-uusapan namin kung paano namin kukumbisihin na bumalik si Gwen sa banda. As for all, siya pa rin naman ang vocalist. Natigil lang no'ng na aksidente siya. Hindi naman namin binalak na humanap pa ng iba no'n dahil sa sitwasyon niya. "Kailangan na natin siyang makausap habang may oras pa." Sagot ko. Simula kanina, hindi na kami pinansin ni Gwen. Liban na lang kina Aika at Min. Uwian na rin at masyado nang hapon. Halos 6 PM na. "Okay," biglang sabi ni Hyun Woo. "Magpatulong tayo kina Aika. Malay natin makumbinsi nila si Gwen." "Malabo," sagot naman ni Mikoto. "Kanina nakausap daw nila. Ayon, parang hindi na rin ulit pumayag. Kahit pinilit, nakinig na nga at lahat, hindi naman sinabing gusto niya bumalik." May pag-asa pa kami. Nagpasya na kaming umuwi dahil sa pagod. Palapit na kami sa bahay nang maaninag namin ang full moon. Pinatakbo ko na agad ang sasakyan namin. At papasok pa lang ng grahe, nag-iba na ang anyo namin. Buti na lang inapakan ko agad ang preno. Ngayon lang ulit 'to naulit after months. Hindi namin mapipigilan kung ang buwan na ang katapat namin. Kung itatanong niyong naghahasik kami ng lagim sa lugar na 'to, we're not. Masyado kaming mabait kaya hindi namin iyon ginagawa. More on saving lang kami. "What now?" Ungol ni Mike. Lumabas ang dalawang kasambahay at pinagbuksan kami ng pinto ng van at tumakbo papasok ng bahay. Nagpalipas kami ng ilang oras para bumalik ang anyo namin. Kanya-kanya lang kaming pwesto sa sala. Ako at Mikoto, nasa sahig. Si Zion at Mike, sa sofa at tulog. Si Hyun Woo, nakatayo at inaaninag ang buwan. "We better hide ourselves to others. Si Gwen pa lang ang nakakita sa atin. Better not to reveal to Aika and Min." Sabi ko sa isip ko. Tumango naman sila. Lagi kaming nag-uusap sa isip namin kapag ganito ang anyo namin. Ilang minuto pa ang hinintay bago ko naramdaman ang pagbalik sa pagkatao. Napahikab ako at tumayo na paakyat sana sa hagdan nang magsalita si Zion. "I know what to do." Napa-"Huh?" na lang kami sa kaniya. "We must make her smile by simple things. Like giving her flowers, chocolates or anything." I cut him off. "That's so cliché. At parang ligaw moves naman ang sinasabi mo." Napa-'tsked' siya sa sanabi ko. "Ok na rin 'yong chocolates lang." Sabi naman ni Hyun Woo at humikab. "Ikaw Mikoto? Anong plano mo?" "I don't know." Sagot niya at naglakad palabas ng bahay. "Saan ka pupunta?" Hindi niya kami sinagot. Narinig na lang naming umungol siya at tumakbo palabas ng gate. Kakabalik lang sa pagkatao tapos... Hay. "Hayaan na natin." Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na lang sa kwarto ko para magpahinga na. -- Kinabukasan, nagulat na lang akong maraming ingredients na nakakalat sa lamesa. Gising na rin 'yong apat. 5:30 pa lang. Ang aga naman nila? "Ano 'to?" Bungad ko. Nakapangalumbaba sila kaharap ng mga ingredients. "Ewan ko nga dito kay Mikoto. Umuwi kagabi na maraming dala." Sagot ni Zion. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko. Baka magalit. "Para saan ba 'yan?" "Para sa paggawa ng chocolates?" Kita mo 'to. Kagabi sabi wala siyang alam. Pero sinunod naman niya ang sinabi ni Zion. At ito nga, chocolates ang pinili niya. "Ba't ang dami? Baka masayang lang kung palpak ang gagawin." Pinipigilan kong matawa pero wala. Kumawala na. "We'll help," nagulat akong may nagsalita sa pinto. "Chocolates ba? Sus. Kami na bahala ni Min and we need your help. Para naman na kay Gwen, 'di ba?" Sino pa ba ang dumating? Pero bakit nandito sila? Tinignan ko ang apat. Parang kumikinang ang mata ng dalawang hapon at Koreano. Tsk tsk. What's new? "Okay, ngayong nandito na kayo, tara na. Mamayang hapon na lang tayo pumasok." Sabi naman ni Mike. Nagpalit-palit akong tumingin sa kanila. Nagsipuntahan naman ang lahat sa bar counter para ihanda ang mga kailangan. Abot dito, kuha doon. "Kayo na lang diyan. Papasok ako." Sabi ko't napahinto sila. "Hep hep hep! Walang aalis. Remember Jack, ikaw ang napagbuntangan ng galit no'ng isa." Sabi ni Min. "It's not my fault. Inis lang siguro 'yon." "Kaya nga. You'll make effort here or mapahaba pa ang galit niya?" Effort. Napabalik na lang ako sa kung saan sila at nakitulong na lang. Gusto ko rin naman magkaayos na kami. Okay lang kung hindi niya kami papansinin kada oras. Basta huwag lang niyang subukang lumayo. Napalapit na siya sa amin. After all, she's still our vocalist. Magpa-practice pa kami para sa mga gig ng banda. Marami pang mangyayari. Pero sana walang ilangan o galit kapag nagawa na namin iyon. Bands are used to bond more. At sana mangyari sa amin 'yon. -- Gwen's POV Ni isa sa kanilang pito ay HINDI pumasok! Tinatawagan ko ang dalawang sina Aika at Min pero nakapatay ang phone nila. Ano o saan naman ba sila pumunta at hindi man lang pumasok? Wala namang pasabi na hindi sila papasok. Kaka-badtrip! Naglalakad ako mag-isa sa football field. I've been thinking what to do. Buti na lang at walang Zamara ngayong araw. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan siya. Wala pa naman akong back-up ngayon. Hindi ako galit sa sinabi ni Zamara kahapon. Sadyang inis lang. I'm not into trouble pero kung badtrip ako minsan at dinagdagan pa ng pagsira ng ibang tao sa araw ko, puputok talaga ang budhi ko sa taong makakasalubong ko. Napag-desisyonan ko na lang na pumasok sa practice room ng lima. Bahala na. Ako pa naman ang vocalist nila, 'di ba? 'Yon ang sabi ni Jack kahapon. Kinuha ko ang telang nakalagay sa piano na ginagamit ni Mike. Sinaksak ko iyon at nagsimulang magtugtog at sinabayan ko ring kumanta.     na na, na na na, na na I miss you Miss you so bad I don't forget you Oh it's so sad Napahinto ako nang may nagbukas ng pinto at kasunod no'n ang pagsinghap nilang pito. "Keep going," sabi ni Mike. Kahit nahihiya ako, pinagpatuloy ko pa rin. I hope you can hear me I remember it clearly The day you slipped away Was the day I found it won't be the same ohh... na na, na na na, na na I didn't get around to kiss you, goodbye on the hand I wish that I could see you again, I know that I can't Ohh, I hope you can hear me, 'Cause I remember it clearly The day you slipped away Was the day I found it won't be the same ohh... Tinapos ko na ang kanta. Pumalakpak naman sila. Ngumiti na lang ako. "Can you forgive us?" Jack said. Napakunot ang noo ko. "Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako. Kasi 'di ba dapat hindi na sana ako pinakialaman no'ng kapatid mo Zion pero--" "Heeep! Okay, forget it for now. Boys, ibigay niyo na 'yong effort niyo." Sabi ni Aika. Effort? Pinagsasabi niya? Lumapit silang lima sa akin at isa-isang nagsilabas ng box. Napangisi silang lahat. "Ano 'to? Hindi ko naman kailangan ng regalo." "Just open it. Pinaghirapan namin 'to." Sagot ni Zion. Tinanggap ko naman 'yong kaniya at binuksan. "Chocolates?" Ito na ba 'yong effort nila? "We made it for you." Napangiti naman ako at tinanggap ko na lang din 'yong sa lima. "Thank you. At sorry kung napagsabihan kita ng kung ano-ano kahapon Jack. Badtrip lang." "Wala 'yon. Ano? Balik ka na sa banda? May gig ang school next month. Gusto namin ikaw ang kumanta para sa amin." "Sure." Wala nang mahabang usapan. Sagot agad. Saka ito naman din ang pangarap ko... ang kumanta sa harap ng iba. Niyakap niya ako kaya malapit ko na maibagsak ang binigay nila. "Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD