Chapter 10: Remember That

1331 Words
Jack's POV "Hi," bati niya sa amin. "By the way, I'm Zamara. Jack's ex. Please be good to me." Nanliit ang mata kong tinignan siya. Kinindatan naman ako. What the... "I'm Zed. Zamara's and Zion's brother." Sabi naman ng isa. Kung hindi niyo man alam, triplets ang lahi ni Zion. At nandito na nga ang dalawa. As for Zamara, no. Hindi ko siya ex. Sadyang obvious na siya man lang ang nagmamahal sa 'kin. Napatikhim si Ma'am, "You may now take your sit." Nagklase na at halatang nagpipigil si Zion sa tabi ko. Bakit nga ba dito ang dalawang 'to? Imbyerna. Kaya nga hindi sila nagkakasundong tatlo. Iba-ibang pag-iisip. Tumingin ako kay Gwen sa unahan, parang tulalang umiiling. Ano ba naman nagawa ko? Hindi ako ang nagsabi no'n. O sadyang assuming nga lang talaga ako. Nang matapos ang klase, parang ang awkward ng aura dito sa room. 'Yong iba, lumabas para pumunta kung saan. Kaming siyam, naiwan at nagpakakiramdaman. "Hay," buntong hininga ni Aika sa gilid. "Tara na nga sa canteen. Vacant subject naman ngayon." Ni isa sa amin walang nagsalita. "Just go. We don't mind." Sabat naman ni Zamara sa kanya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Min at Aika. Mga babae talaga mga suplada. "As if I'm talking to you, duh." Tumayo si Zamara at lalapitan na sana niya si Aika nang pigilan siya ni Zion at pinalabas silang dalawa ni Zed. Siguro mag-uusap. "Tsk. Ke bago-bago. Kung hindi lang siya kapatid ni Zion siguro kanina ko pa siya nasampal." Reklamo naman ni Aika. "Hayaan niyo na, ganyan talaga ugali no'n." Sabi ko. "Hay naku. Tara na nga, gutom na ko." Niyaya nila si Gwen pero umayaw niya at nangalumbaba na lang. Nilapitan ko naman siya. Sina Mike, Mikoto at Hyun Woo naman sumama na sa dalawa. "You okay?" Tanong ko. Umiling siya, "Parang sumama lang ang pakiramdam ko pero okay naman na." Hindi na ulit siya nagsalita nang pumasok si Zamara at Zed. Sinamaan niya lang ng tingin si Gwen at saka mgumiti naman siya sa 'kin. Plastic. "So, are you Jack's new girl?" Napataas ang kilay ni Gwen pero hindi siya sumagot. Gusto ko man sanang lumabas na lang kaya lang baka magkasakitan 'tong dalawa. May pagka-sadista kasing 'tong kapatid ni Zion. Spoiled brat kasi. "Anong kailangan mo, Zamara?" Tanong ko. Ngumiti naman siyang nakakaloko. "Well, sinabi lang naman kasi ni Mama na sumunod kami dito kahit ayaw namin. Syempre gusto ko ring magkalapit tayo ulit. And now, I'm here, talking to you makes me feel good. You know, I love you." "Oh? Tapos?" Noon pa man, hindi ko na magawang makipag-usap sa kanya. Bata pa lang kami sadyang nakadikit na siya sa akin. Hindi ko nga pinapansin pero sige lang siya kung makipag-usap sa akin parang may paki ako sa kaniya. "Alis na ko." Natauhan ako sa sinabi ni Gwen. Alam kong naa-awkward-an na rin siya ngayon. "Samahan na kita," sabi ko para naman kahit ilang minuto lang makatakas ako sa pagdadaldal ni Zamara. "No, Jack. I'm fine." Sagot niya at lumabas pero napatigil sa sinabi ng isa. "Oh, did I say something wrong?" "Isa pa, Zamara. Mapapalayas talaga kita dito." Sabi ni Zed. "Shut up!" Nilapitan niya si Gwen at ginalaw ang nakalaylay niyang buhok. "Remember, if I were you, aalis na lang ako. Kasi, you don't even worth for one of them. As just I said earlier, Jack is my ex-boyfriend." "And so if you thing that way for yourself, well, suit yourself. I don't care. Wala naman na akong pakialam. Sila naman ang naunang pumasok sa buhay ko. Kung gusto mong sumama sa kaniya, edi sumama ka. Wala akong pakialam sa gusto mo. Gusto ko lang naman makapagtapos ng pag-aaral na walang problema. Kaya please, leave me alone. You're not worth my time to talk." Sagot sa kanya ni Gwen at lumabas. That it hit my ego. Sinabi niya talaga 'yon habang nakatingin sa akin. May mali bang kami mapalapit kami sa kaniya? Pero bakit? Gusto ko sana siyang pigilan pero hinawakan ni Zamara ang kamay ko at bumulong. "She's the next victim of the pack, you know. Kaya kung maaga pa, hayaan niyo na siyang lumayo sa inyo. Nakasunod lang sa kanya ang iba. Wala ka nang magagawa Jack. Remember that." Saka niya inalis ang kamay niya at lumabas ng kwarto. Liningon ko si Zed, nakaupo na at nakatingin sa akin ng diretso. So, totoo nga ang mga naririnig ko noon? Na kapag may lumapit sa aming lima, madadamay siya. Pero bakit si Gwen lang ang pakay nila? Hindi na bumalik sa room si Gwen after break time hanggang sa mag lunch time. 3:30 na rin at hinihintay na lang namin ang last prof namin. "Where's Gwen?" Tanong ni Hyun Woo. Hindi ko naman siya masagot. Ngumingisi si Zamara sa unahan. Inabot naman ni Zion ang buhok niya at sinabunot iyon. "Woah. Easy bro." Sabi ni Mike at sinubukang tanggalin ang kamay ni Zion sa kapatid. "Saan si Gwen?!" Napahinto ang lahat sa pagsigaw niya. Naka-sabunot pa rin ang kamay niya. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Wala na akong pakialam kung pagagalitan akong nag-cutting ako. Nilibot ko ang buong campus pero wala siya. Tinatawagan ko naman pero hindi sumasagot. Nasa kalagitnaan ako ng field nang makita ko siyang natutulala na naman papasok sa building namin. Tumakbo ako papunta sa kanya. Kitang kita ko naman sa mga mata niya na umiyak siya. Hinawakan ko siya sa balikag kaya napahinto siya sa paglalakad. "Hey, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Hindi niya ako sinagot. Kusa niyang kinuha ang kamay ko sa balikat niya. Bigla na namang tumulo ang luha niya kaya niyakap ko siya. "Shh, tahan na Gwen." "Akala ko ba... wala nang darating na problema. May iba pa pala." Hikbi niya. Hindi ako nagsalita. Gusto ko mang alamin ang nangyari sa sa kanya, ayaw bumuka ng bibig ko. "Una, kayo, nakilala ko. Nalaman ko ang tunay niyong pagkatao. Tapos, ako, naaksidente dahil do'n. Pero nandoon pa rin kayo para magbantay at mag-alaga sa akin. Nagpapasalamat ako do'n." Kumalas siya sa pagkayakap. "But, I don't think what is it exactly. Dahil itong puso ko, kusang tumitibok ito. Kapag naalala ko ang ginawa ninyo, aaminin ko, nagkaroon na kayo ng parte dito." Tinuro niya ang puso niya. "Pero masakit din pala. Na kapag tumatagal, nababara na sa loob ko ang mga sakit. Not by physical, but on mental and emotion. Ang hirap na. Malabo na. Masakit na rin palang umasa." Hinimas ko ang likod niya. "Gwen, why are you saying this?" "Kasi... minahal ko na kayo. Hindi ko alam pero alam kong kaibigan niyo lang ako. Sorry kung naging pabigat ako noong mga nakaraan. It doesn't mean ayaw ko na sa inyo. Remember what I said to all of you, kahit wala man akong magawa para pasayahin kayo, I'll do my best to prove to myself and to my friends na kahit kakaiba kayo, gagawan ko ng paraan para hindi tayo magkalayo." Napaisip ako sa sinabi niya. Masyadong malalim na hindi ko maintindihan. "Gwen, hindi ka naging pabigat sa amin. Oo, kasalanan namin pero hindi namin naisip na pabigat ka. Tumulong na kami para bumalik ka lang sa amin. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa amin. Wala kaming reklamo. Minahal ka na rin namin kaya ganoon na lang kami. Pero sadyang naapektuhan ang ego ko sa sinabi mo. Kaibigan mo kami pero bakit ganyan ka na lang makapagsalita? Dahil ba 'to kay Zamara? Sabihin mo." "Remember, I like you guys. At pwede pang magbago iyon." Sabi niya at umalis na sa harap ko. Ano 'yon? Napahilamos ako sa mukha ko. Wala na. Parang totoo na nga ang sinabi ni Zion. Nagbago na siya. Hindi na siya ang dating Gwen na kilala namin. O sadyang nagpapanggap lang siya dahil na rin sa nahihiya siya? Kung dati ang banda lang namin ang priority sa barkada, ngayon parang ang hirap na balikan ang nakaraan dahil na rin sa mga dumarating. Mas lalong nakaka-stressed! ☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD