Chapter 9: What's New?

1194 Words
Jack's POV I'm looking for Gwen here at the canteen. Naiwan namin kasi siya kanina. Hindi naman namin sinadya. Si Mike kasi nag-aya na pumunta sa private room nila and we talk some things for Gwen. At nang matapos kami, nauna na akong nagpunta dito. Bihirang magsalita si Gwen ngayon. Tahimik niya. Nilapitan ko siya sa table nang natutulala na siya at parang walang ganang kumain. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Umupo ako sa tapat niya at nilapag ang tray. "Why are you alone?" Tinignan niya ako at napabuntong hininga siya. "Kasi kanina ko pa kayo hinahanap para yayain kumain, hindi ko naman kayo mahanap na pito. Kaya nag-iisa ako dito." Uh-oh, our bad. Ngumiti na lang ako sa kanya at niyayang kumain. Nang matapos, hindi na naman siya nagsalita. Is she mad? "Galit ka ba?" Umiling siya. "Nagtatampo lang naman ako. Kakabalik ko lang iiwan niyo na ko agad." Hay. Want to know why we left her? After the second class in the morning, exactly break time, nagkayayaan. Guys, private room. 5 minutes. - text ni Mike. Tinignan namin siyang sabay na anim, maliban kay Gwen na nakatungo sa armchair niya. Siguro pwede naman niyang sabihin na lang sa aming diretso kesa sa itext, sayang sa load. Tinignan niya kami isa-isa at sinenyasan na huwag na lang namin estorbohin si Gwen. Isa-isa kaming lumabas sa room para hindi siya magising. Nang makarating kami sa private room namin, agad yumakap, more likely back hug, si Mikoto kay Aika. Say 'what?' kaming lima sa kanila. Puro ang dalawa, parang tanga. Ngumingiti ng pilit. Sarap nilang batukan. Mga hapon talaga, oh. "Ano bang gagawin dito?" Tanong ni Aika, nakayakap pa rin si Mikoto sa kanya. "Wala ba kayong may napapansin kay Gwen?" Tanong naman ni Mike. So, ganun na lang? Wala ang isa bubuntungan naman ng back stab? "Hindi naman sa nang ba-backstab ako ah, pero talagang may kulang eh." Sa tagal na rin namin kilala si Gwen, kahit na isang buwan namin siyang hindi nakausap noon, ngayong dito na rin ulit siya, at sa tinanong ni Mike parang may kulang nga. "Ano naman 'yon?" Tanong ko. "Kasi 'di ba dati, kung may kakaiba sa atin, sinusundan niya tayo. Pero ngayon bakit parang wala siyang pakiramdam na umalis tayo? Tapos bigla na lang siyang tumahimik sa atin kapag nag-uusap-usap tayong walo." "Baka may problema lang." "Baka nga... pero, iba eh. Dyahe na nga. Ang hirap nang mabasa isip niya." Tumango na lang ako. Oo nga, ano? Noon, lagi siyang pa-trouble kaya kami nakilala. Ngayon, parang hindi na siya nakikipag-usap sa amin. Matagal na siyang nakalabas sa ospital pero kahapon lang siya bumalik at kami pa ang nasorpresa. Hay, ang gulo! "Let's plan something that will make her happy." Suggest naman ni Min. Napatango naman kami sa kanya at nagtanong kung ano bang dapat gawin. " Pero parang mali eh. Kami-kami lang nagpa-plano tapos wala na rin ibang sina-suggest kasi naman daw na parang ang lame naman. Tsk! Mga babae talaga puro fashion ang iniisip. "Min, ibahin mo si Gwen. Hindi naman ata siya mahilig sa fashion." Sabi naman ni Zion. "Alam ko na," napatingin sila sa 'kin. "Harana?" "Ha?" "Bakit?" "Nangliligaw ka ba?" And many to mention. Parang mga 'to ayaw sa harana kaya sinabi ko na lang na, "Oh sige. Huwag na lang tayong mag-effort para walang problema. Baka family problem naman ang pino-problema niya kaya huwag na tayo maki-dagdag." Natahimik sila pero sinamaan ako ng apat. Blangko naman ang dalawang babae. "Eh ano bang gusto niyong mangyari?" Napaiwas naman sila ng tingin. Tsk. Bahala na nga sila. Sibat na ko. Gutom na ko! "Bahala kayo. Kayo na manghusga. Alis na ko at gutom na ko." Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa canteen ng makita ko si Gwen na tulala. Ayon ang nangyari. Wala namang pinatunguhan dahil sa ang dami nilang suggestions. Bakit ba kasi ang hirap na basahin 'tong isip ni Gwen? Noon naman nagagawa pa namin. Pero ngayon mahirap na. Sinadya niya bang huwag niya kami papasukin sa isip niya or epekto lang 'to ng aksidente? Hay, ang hirap naman nito. Itatanong ko na lang kay Papa mamaya pag-uwi ko. Wala kasi akong load pang internet at pang-tawag sa kanya sa Skype. Mamaya na lang pag-uwi. Sayang signal ng wi-fi sa bahay. "Hoy! Natulala ka diyan?" Napakurap ako kay Gwen. Kanina siya 'tong tulala tapos ako na naman ngayon. "Wala, may iniisip lang." "Ano naman 'yon?" Tumaas kilay niya, baka sabihin na may tinatago kami sa kanya. Chapter 9 pa lang ito pero kulang pa rin ang mga salita. Kaya marami pang chapters na darating para malaman kung ano ba talaga 'tong nasa loob ng isip niya. "Nothing. Tara na nga lang sa classroom" aya ko kaya tumayo na rin siya at naunang lumabas. Sumunod naman ako kaya lang 'yong mga tingin ng mga estudyante parang kakainin nilang buhay si Gwen. "Bakit magkasama na naman sila?" "Sila ba?" "b***h, limang lalaki inaangkin?" "Naku, kung alam niyo lang, 'yang si Gwen matalino 'yan. Pero kapag lalaki na ang lumalapit, dumidikit naman siya do'n." Bitch? Kami lima inaangkin ni Gwen? Ha! Bago pa ko hindi makapagpigil at susugurin na sana 'yong mga babaeng nagsalitaan, hinigit na ako ni Gwen palayo. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Hindi ko naman magawang bawiin kasi hindi pa rin nag sink in sa akin ang ginawa niya. Kaya naman huminto ako sa paglalakad at humarap namam siya sa akin. Napatingin naman siya sa kamay niya at binawi iyon. Pero bago pa man siya tumalikod, kinuha ko ulit ang kamay niya at pinagsalikop ko ito. Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry. I'm ready to protect you." Tinignan ko siya, blangko lang ang itsura niya. Hinayaan ko na lang at nagsimulang maglakad hanggang sa room. Ganito pala ang feeling kapag magkahawak kamay kayo ng gusto mo? Take note: 'Gusto lang!'. Hindi naman kayo pero... ang... parang may kakaibang nararamdaman. Takte, saan ko ba namana ang pagka-corny ko? Hindi naman kay Papa at wala rin 'to sa katangian ni Mama. Aish! Ang gulong pag-ibig 'to! Complicated masyado! Pero napangiti naman siya sa ginawa ko. Oo, alam ko 'yon. Pilit niyang huwag ipakita sa iba at kahit sa akin. Ang saya lang. Walang halong biro. Pero bakit ganito ang t***k ng puso ko? "Saan galing?" Tanong ni Min. "Canteen. Kumain. Kayo? Ba't paggising ko kanina wala na kayo?" Tanong naman ng isa. Nagkapalitan lang ng tingin 'yong iba. Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya kanina na iniwan namin siya. "Ah, may pinuntahan lang. Parang pagod ka kanina kaya hindi ka na namin inistorbo." Sabat ni Min. "But, what's with your hands?" Turo naman ni Aika at ngumisi. Parang nakuryenteng napabitaw sa 'kin si Gwen kaya kantiyaw ang inabot namin sa anim. Tsk tsk tsk. Real friends it is. Hindi naman silang nagbago simula noon. Kaya lang parang nahawaan na namin ata si Aika at Min. Pumasok na sa room si ma'am at kanya-kanya naman kaming napaupo. "Class! You have new classmate. Please come in." Napatingin kaming lahat sa pinto at pumasok ang dalawa (1 boy and 1 girl). Nawala ang ngiti ko. No! It can't be... ☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD