Chapter 7: Thoughts

1330 Words
Gwen's POV Napapangiti na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Ang gulo nilang nag-uusap at nagtatawanan. Kahit magkakaiba kami ng ugali, masasabi ko na 'strangers are friends'. At nagpapasalamat akong nakilala ko sila at hindi nila ako iniwan hanggang dito sa ospital. 2 months na rin ang nakalipas ng magising ako. At masasabi kong maayos na ang kalagayan ko. Sa tulong ng daddy ni Jack ay naging maayos ang pakiramdam ko dahil sa therapy na binigay sa akin ng doctor nila. "Uy, may ngumingiti." Sabi ni Mike. Napaayos ako ng upo at ngumiti sa kanila. "Gabi na, hindi pa rin ba kayo uuwi?" tanong ko at umiling naman silang lahat. "Dito kami matutulog. Sorry nakasanayan na namin gawin kapag Friday night." Sagot naman ni Zion. "Sleepover lang? Ospital kaya dito." Natatawang sabi ko na sinabayan rin ako. Napatingin naman ako kay Jack at nginitian ako. "Thank you so much guys, sa tulong na ginawa niyo sa akin. Hindi ko man alam kung paano kayo masusuklian, basta I'll try my best to pay you back." "Naku, huwag ka nang mag-alala sa nagawa namin sa 'yo, Gwen. We're friends right?" sabi naman ni Aika. "We're worried for what happened. Kaya kami na ang nagbantay sa 'yo bilang sukli na 'yon para naging kaibigan mo kami, unang pasok pa lang namin sa room na nakabanggaan ka." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Aika. "Thank you for helping me," Nasabi ko na lang. Ano ba 'tong atmosphere na 'to, matapos naming magsabi ng nararamdaman, tumahimik silang bigla. I broke their silence. "Nga pala, anong nangyari noon natutulog pa ko? Hindi ko naman matanong sa inyo baka magalit kayo." Nagkatinginan ang limang boys at tumingin ulit sa akin. "Ngayong maayos naman na ang pakiramdam mo, maybe it's time to reveal our secrets." Ani Jack at tumingin sa dalawa na sina Aika at Min. "Okay lang sa amin na sabihin ang lahat with them. They're also our friends after all." Tumango na lang ako at hinintay ang pagsalita ulit ni Jack at saka naman siyang nagsalita. Our eyes is on him. "Bata pa lang kami, alam na naming lima na magkakaiba kami. We're friends since birth na kahit isa man lang sa amin ay hindi namin magawang iwanan, dahil iniisip rin naman ang pagkakaibigan namin. "Our parents are one of the most popular things on Earth. They've been doing things that nobody knows what it is. Minsanan lang namin silang nakakasama sa bahay dahil sa nagtatago na sila. Mine's on Germany, Michael's on Taiwan, Mikoto's on Japan, HyunWoo's on Korea and Zion's on Thailand. And since we're our parents sons, naging isa na rin kami sa kanila." Ngumiti si Jack sa aming tatlo, tahimik naman ang ibang boys. Nagkatinginan ang dalawa na para bang iniisip kung anong ibig sabihin ni Jack. "Well, in short and in reality... we're wolves." So, totoo nga 'yong nakita ko kina Zion and Mike noon... "We're not bad wolves, na akala niyo nag-aatake na kami ng mga tao sa paligid. Hindi kami ganun. Pero may mga bad wolves' nga sa pali-paligid, hindi lang naman sila nagpaparamdam ngayon, pero malakas pa rin ang kutob namin na lalabas sila sa oras na maramdaman nilang nanghihina na kami." Patuloy ni Zion sa sinabi ni Jack. Napabuntong hininga ang dalawa na para bang may gusto silang itanong. Tinanguan naman sila ni Jack kaya nagsalita na rin si Aika. "Well... parang ang awkward rin naman itong pag-uusap natin, may gusto lang akong itanong." "What's is it?" "No hate lang ha? Why are you saying this to us? Baka hindi kami makatulog. Ang creepy lang kasi na sinabi mong wolves kayo tapos kinaibigan niyo kami, and to think that I hate dogs--" Napatawa sila sa sinabi ni Aika kaya sinagot na siya ni Jack. "It's not about what you think, Aika. We've been together for the past months and napalapit naman kayo sa amin. We've been together visiting Gwen here and talking to each other every day, kaya ganun..." Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ayoko kong humaba ang usapan baka sakaling bumalik ang pagsakit ng ulo ko. "Gwen, are you okay? Namumutla ka." Sabi ni Mike sa akin. "Ha?" "You're pale." Ulit niya. "Am I?" Tumango silang lahat. Hanggang ngayon iniintindi ko ang sinabi ni Jack kaya siguro ako napatulala na lang. hindi naman maiiwasan 'yon. They're also been here since then kaya hindi ko na alam ang mga nangyayari sa nakalipas na tatlong buwan na hindi ko sila nakasama. "You, Gwen. Wala ka bang gusting sabihin sa amin?" tanong naman ni Min. Napaisip ako sa tinanong niya. And since alam na din naman nila ang tunay na anyo ng lima, siguro ito na rin ang time na masabi ko ang nangyari sa akin noon months ago... -- I've been crying since earlier, nang makalabas ako sa rooftop na ipinagtulakan pa ako nina Zion at Mike. I just really saw their eyes turned into different colors... Nasa garden ako at pinipigilan kong umiyak. But the hell, my tears won't stop they want to go out! Umalis na ako sa lugar na 'yon dahil pinagtitinginan naman ako ng ibang estudyate. Lumabas ako sa gate at sinamantalang hindi nakatingin sa gawi ko ang guard. Naglakad ako malapit sa overpass and since Malabo na ang paningin ko dahil sa luha, hindi ko na Makita ang dinaraanan ko. Pati mga taong nakakasalubong ko, nabubunggo ko na. Ang hirap nga pa rin magtiwala sa ibang tao... na akala mo perpekto na sila sa paningin mo, pero hindi pala. Kung sabagay, wala namang perpekto sa mundo. Lahat naman nagkakamali. While I'm walking, nakita ko na lang ang sarili kong tumawid sa walang pedestrian lane. Huli na ang lahat. May humaharurot na sasakyan. Sinisigawan ako ng mga tao na tumakbo or bumalik man lang pero parang hindi ko sila naririnig dahil sa kakaiyak ko. And just it... binangga ako ng driver na akala mo'y siya ang naghahari sa daan. Hindi ko na lang naramdaman ang pagbunggo ng sasakyan, parang namanhid ako. Hindi ko rin maigalaw ang paa o kamay ko, pati ulo ko. Alam kong dumudugo ang ulo ko dahil sa lakas ng impact sa akin ng sasakyan at napaligid ako sa malamig na kalsada. Hindi ko magawang sumigaw at humingi ng tulong, hanggang sa nawalan ako ng malay. -- They're now eyeing at me, listening to what happened months ago. They have tears on their eyes and I don't know what to do. Pati ako, napaiyak sa pagkwento ko. Lumapit si Zion sa akin at niyakap ako. "I'm sorry, it's our fault." "No, Zion. It's mine. Nagmatigas lang naman akong pumunta sa roof top at hindi ko naman inaasahan na may kaaway pala kayo. Nakita ko kasi ang sapatos ng isa sa inyong lima kaya umakyat ako." Paliwanag ko pa. "Sinabihan pa ko nina Aika at Min na huwag na tumuloy pero pumunta pa rin ako. Hindi uso sa akin ang maging curious eh." Napatawa naman siya at hinarap ako. Pinunasan niya ang mukha kong basa na ng luha. "Pinagsisisihan naman na namin ni Mike ang nangyari. Hindi naman kasi makapagpigil noon. At dahil na rin sa sakit ng katawan sa pangbubugbog, hindi na namin makontrol ang pag-iba ng mata namin." Paliwanag niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at sumabat si Aika. "Kung gano'ng nakita na rin man lang din ni Gwen at kinuwento niyang nakipag-bugbugan kayo, bakit hindi ko kayo nakitang may dugo man lang noong pumu -" hindi na pinatapos ni Mikoto ang sasabihin niya. "Just like Jack said, we're wolves." Bago pa man din nangyari ang mahabang sagutan ng dalawa, napatingin ako sa oras. 11PM na. Nakaramdam ako ng antok at nahiga at pumikit. Given na rin 'yon na pagoda ng utak ko sa kakakinig ng mga sinabi nila. "Siguro oras na rin nating magpahinga." Sabi ni Zion at bumalik sa inupuan niya kanina. Nagmulat ako nang walang nagsalita sa kanilang pito. Kaya naman pala... nakatulog na rin sila. Kailangan talagang sabay pa pumikit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD