Chapter 05
"ATE?" magkahalong ekpresyon ng pagtataka at pag–alala ang mababakas sa mukha ni Knox nang makita siya. Si Knox ang bunso at nagiisa niyang kapatid, papaalis ito bukas patungo sa States.
Pinapaalis ng mga magulang nila para umiwas sa gulo at pa easy–easy lang ito sa buhay. Walang ibang inaatupag kundi mambabae. At may nangyaring aksidente sa ginawang building nito bigla na lang nagcollapsed.
Pakiramdam niya kasi sasabog na ang utak niya dahil sa naging desisyon ng mga magulang niya, tuloy pa rin ang kasal niya kay Vincent kahit sinabi niyang nahuli niya itong kasama si Felecity.
"Ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ba, hindi ka interesado sa bridal shower ko."
"I'm in a damn trouble, right now! May nangyari sa amin ni Iya, Ate. I was drunk, hindi ko alam ang gagawin ko. Damn!"
Nanlaki ang mga mata ni Agatha sa narinig. "Ano na naman ba ang kalokohan na ginawa mo, Knox? Nagagalit na ang Daddy sa mga pinagagawa mo, dinagdagan mo na naman," pa angil niyang sabi rito.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Si Knox ay panay ang buntong–hininga, tila napakalaki ng kanyang problema. Sanay siyang makipag talik sa iba't–ibang babae pero iba ang nangyari sa kanila ni Iya. Lasing siya at virgin ang babae.
"Ano ang plano mo?" anito pagkalipas ng mahabang katahimikan sa pamagitan nila ni Knox.
"Wala, hindi ko siya mahal at wala pa sa vocabulary ko ang kasal. Aalis ako bukas. Ikaw, ang gusto kong damayan, Ate. Itutuloy mo bang pakasalan ang lalaking iyon?"
Napabuntong–hininga ito. "Wala akong choice, ayokong sumama ang loob nina Mom at Dad," aniya at naupo sa isang sulok na malayo sa mga bisita.
Lumapit si Knox sa kanya at naupo sa tabi niya. Hinagod–hagod ang likod niya. "Kung hindi mo mahal si Vincent 'wag mong pakasalan, nakataya ang panghambambuhay mong kaligayahan."
"Yeah, pero wala akong magawa bunso."
"Talagang gusto ng mga magulang natin na ipakasal ka kay Vincent. Naiinis ako sa lalaking iyon, masyadong mapapel."
Napabuntong–hininga siya sa sinabi nito. Kung may pagpipilian lang sana siya.
Agatha couldn't shake off the feeling of being trapped in her own life. Si Vincent, ang lalaking dapat niyang pakasalan, pakiramdam niya ay mas parang pasanin kaysa kasama. Ngunit hindi niya magawa ang hindi sumunod sa nais ng kanyang mga magulang, lalo na't sa lahat ng sakriposyo nila para sa kanya at kay Knox.
Nakikita ni Agatha ang kabalisahan sa mukha ni Knox. Sa kabila ng kanyang masyang anyo, she knew he was struggling with his own demons. Their family was far from perfect, but they always had each other's back.
"Sana iba ang mga bagay," bulong ni Agatha, na halos hindi marinig ang kanyang boses.
Tumango si Knox sa pagsang–ayon. "Me too, Ate. But sometimes we have to play the hand we're dealt."
Agatha glanced at her brother, a pang of guilt tugging at her heart. She had always to protect Knox from their parent's expectations, but she couldn't shield from his own mistakes.
"I'm sorry, knox. Dapat andiyan ako para sa iyo," sabi niya, ang kanyang tinig ay may halong panghihinayang.
Umiling si Knox, may ngiti sa kanyang labi. "Wag mo ng gawin iyon. Ikaw ang pinakamagandang kapatid na maari kong hilingin."
Naabala ang kanilang usapan ng paglapit ng mga yapak. Lumingon si Agatha at nakita si Vincent na papalapit sa kanila, ang kanyang mukha ay seryoso at disapproving.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Agatha? Dapat ay kasama ka sa ibang mga bisita," sabi ni Vincent, ang kanyang tono ay malamig at may kautusan. Kasalukuyan may party sa mansiyon nila para sa muling pag anunsiyo sa kasal nila.
Naramdaman ni Agatha ang sama ng loob na sumirit sa kanyang dibdib, ngunit agad niyang pinigilan ito. Ito na ang kanyang buhay ngayon, at kailangan niyang gawin ang pinakamahusay dito, kahit na ito ay nangangahulugang isakripisyo ang kanyang sariling kaligayahan.
"Kausap ko lang si Knox," sagot niya nang patas, itinatago ang tunay niyang nararamdaman sa likod ng isang pampakunwaring pagkawalang-pakialam.
Napatingin si Vincent kay Knox, ang kanyang mga mata'y nagdidilim ng pag-aalinlangan. "Araw–araw kayong nagkikita at pwede kayong mag usap sa ibang araw. Unahin mo ang bridal shower mo," ani Vincent.
Bago pa man mag-protesta si Agatha, kinuha na ni Vincent ang kanyang braso at dinala siya palayo. Huling tingin ni Agatha kay Knox, tahimik na ipinangako sa kanya na makakahanap siya ng paraan upang palayain ito mula sa mga asahan ng kanilang mga magulang.
Ngunit sa kanyang puso, alam niya na ang makaka alis siya rito. Hinayaan niyang ibalik siya ni Vincent sa loob ng bulwagan.
Napabuntong siya, kung ano ang ginagawa ni Vincent rito, kung isa itong bridal shower. Pati ba naman rito ay tila gustong pumapel ni Vincent.
Tinulak niya si Vincent at tumakbo palayo sa lalaki, walang lingon–lingon na dumiretso siya palabas sa malaking gate ng kanilang mansiyon.
Mabilis niyang pinara ang isang taxi at nagpahatid sa bus station. Wala siyang paki–alam kung saan siya dadalhin ng mga paa.
Tahimik siyang lumuluha habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus. Madilim na ang paligid at medyo maingay ang kasabayan niyang pasahero sa kanyang likuran. She was heading to Neuva Ejica—in no particular place. Basta gusto niya muna ang makalayo. Buti na lang at dala–dala niya ang kanyang shoulder bag at cards.
Nang maisip niyang pumunta sa kaibigan niyan isang event organizer. Naisip niyang kahit sandali lang ay makalimot siya bago tuluyang matali kay Vincent.
She sobbed silently. Iiyak na lang niya ang sama ng loob sa mga magulang niya at sa kanyang sarili.
"Okay ka lang, Miss?" Napaitlag siya sa tanong. Mula kaninang maupo siya hindi na niya inalis ang tingin sa labas ng bintana. Ni hindi man lang niya namalayan na may naupo pala sa tabi niya. "Miss, okay ka lang ba?" Tanong muli nang lalaki sabay abot sa panyo nito.
"Yeah...yeah...I'm okay!" Mahina niyang sagot sa paos na tinig at wala sa sariling inabot ang panyo. Hindi siya bumaling dito, pinamunas niya sa kanyang luha ang panyo at sinikap huwag na umiyak.
"Mukha kang hindi, okay," sabi nito. "Gusto ko sanang matulog dahil pagod ako pero paano ako makakatulog kung umiiyak ang katabi ko."
"Sorry..." aniya sa apologetic na tono. "Pasensiya kana."
"Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng balikat. Willing ako, kung gusto mo ng isang balikat na maiiyakan. Gusto mo ba?"
Oh my God! Yes! Sagot ng isip niya, pero nang mapagtanto niya ang pamilyar na tinig ng lalaki ay napabaling siya rito. Dahil patay ang ilaw sa bus at tanging ang malamlam na ilaw na lamang malapit sa driver ang may sindi hindi niya maaninag na mabuti ang mukha ng lalaki pero sa puso niya kilala niya ang may–ari ng tinig. Malaking lalaki ito base sa espasyong nakuha ng katawan nito sa upuan pero ang tono ng boses nito ang nagpapahiwaga sa kanya.
Very Familar.
"Don't worry, Miss. Wala akong intensiyon na masama," anito na tila naramdaman niyang nakangiti ang lalaki. "Ligtas ka sa balikat ko at pangako ko sayo, you'll feel better."
Hindi siya agad nakakibo. Ganoon ba kalakas ang pagiyak niya para mag–offer ito ng kanyang balikat upang manahimik lamang siya? Pero bakit, tila gusto naman niya. Ngunit aaminin ni Agatha kailangan niya talaga ng isang taong handang makinig sa kanya.
"P'wede kang magkwento sa akin, if you want to. Kahit hindi tayo magkakilala, I'm willing to listen to feel you better. Papunta kami sa Neuva Ecija kasama ang kabanda ko dapat sa batangas sana pero hindi na natuloy..."
There was something is his tone that warmed her heart. Nababaliw na yata siya sa dami ng kanyang iniisip. Imposibleng si Luke ang lalaking katabi niya ngunit ang tinig nito ay napaka pamilyar sa kanya.
Umiling siya baka dahil lamang si Luke ang laman ng kanyang isip nitong mga nakaraang araw. Kaya, naiisip niya lalo ang binata. Nalulungkot siyang hindi na bumalik ang binata sa ospital.
"Okay lang ba, sayo?!" tanong ni Agatha sa lalaki.
"Yes," masuyong saad nito at naramdaman niyang ang isang braso nitong umikot sa balikat niya at umakbay sa kanya.
Hindi niya maintindihan ang damdamin, pakiramdam niya ligtas siya sa bisig ng lalaking estranghero. Dapat lumayo siya rito at dumistansiya pero iba talaga ang pakiramdam niya, wala kahit konting takot sa kanyang dibdib. Bagkus ramdam na ramdam niya ang kaligtasan.
He pulled her closer, very gentle , na para bang isa siyang babasaging bagay na dapat iniingatan. "Don't be afraid. Let Daddy hug you, Crying Lady." Gusto sana niyang matawa sa sinabi nito pero pinigilan na lamang niya.
Ganap na siyang yakap ng estranghero sa malaking katawan nito. Nawala ang lamig na naramdaman niya kanina sapagkat napalitan iyon ng isang init na tila dumaloy sa buo niyang katawan.
Wala sa sariling napayakap siya sa lalaki. Ang bango nito, bangong napaka natural at lalaking–lalaki ang amoy and clean. Her face rested on his solid but warm chest...and she really felt good.
Hindi na rin nagsalita ang lalaki. Ang mga braso nitong yumakap sa kanya ay nanatili lamang sa kung saan itong bahagi pumaikot. Walang senyales ng kapamahamakan mula sa lalaki kundi kaligtasan. Unti–unti siyang napapanatag hanggang kusa na siyang kumilos at lalong sumiksik pa sa katawan nito.
"Luke" she murmured silently.
And later on, nakaramdam na siya ng antok.