Chapter 04

2152 Words
Chapter 04 "PARE, ano ang nangyari at hindi ka nakarating sa interview mo kahapon? Bakit hindi ka rin pumasok kagabi rito sa bar? Ako na ang sumalo sa shift mo kahit naninigas na ang mga daliri ko sa kakatipa sa gitara at pinagtakpan rin kita kay manager. Tapos kanina nagkasalubong kami ni Roda sa daan, tinatanong ako sa upa ng apartment 'nung bungangerang kasera ninyo. Akala ko ba binayaran mo na 'yon?" Usisa ng kaibigan at kabanda na si Victor nang marating niya ang pinapasukan na club. Nagsasideline siya rito bilang guitarist kapag gabi. Sa umaga naman, namamasada siya ng tricycle kahit papano may dagdag siyang kita para pangtustos nila sa araw-araw nilang pangangailangan. "Pasensiya na, Pare, alam mo naman kung saan napunta ang pera, di ba?" hingi ng paumanhin niya. "Oo nga pala. Hindi ka pa ba, binayaran sa perang ginamit mo sa ospital?" Umiling lang si Luke bilang tugon kay Victor. Paano ba niya sasabihin sa kaibigan na hindi niya tinanggap ang perang binibigay sa kanya bilang kabayaran sa pagtulong niya kay Agatha. Hindi rin naiintindihan ni Luke ang sarili, kung bakit tila iba ang dating ni Agatha sa kanya. Ngunit hindi siya umaasam na kahit ano pa rito lalo na ang bayaran ang ginawang kabutihan sa dalaga. Ang kaso, ang tirahan naman nila ngayon ang problema. Kilala pa naman niya si Roda hindi titigil ang matandang babae sa kabubunganga. Nagsasawa na rin siya sa kabobola rito. "Gagawa ako ng paraan para mabayaran si Roda at mamaya kakausapin ko si Stella para muli niya akong tulungan maka-line up muli ng interview sa Hayes Steel Company," sabi niya sa kaibigan kahit alam niya sa kanyang kalooban na medyo alanganin siya roon. "May raket ako sa Lemery, Batangas, baka gusto mong sumama? Sayang ito, Pare, pwede mo nang pandagdag pambayad sa inuupahan ninyo. Bakit, kasi inaasa mo lahat? Samantala ang Nanay mo, pa-tong-itong-it lang," may bahid na inis sa tinig ni Victor. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Luke at saglit na napapa-isip. "Oo na, hayaan mo na ang ina ko. Kahit ganoon naman iyon basta ang importante bago pumunta sa tong-it. Naglilinis muna ng bahay at nagluluto." Nakangising saad niya sa kaibigan. "Mas maganda na sigurong iyon ang libangan niya kaysa manlalaki na naman siya," may bahid na konting lungkot ang tinig niya. Tinapik siya sa balikat ni Victor. "Iyon lang. Sama ka sa akin bukas sa Lemery para pang-paswerte iyang kapogian mo. Para sumaya ang mga tingle ng mga babaeng bisita sa bridal shower na iyon. Gusto noong nag-organize may pabandang epekto," ani Victor. Mahinang ngumiti si Luke. "Oo na, oo na," pagtataboy niya sa kaibigan. Kailangan pa niyang magbihis para sa trabaho niya ngayong gabi. Sana magawi ngayong gabi si Stella sa club na pinagtatrabahuan niya para muli niyang mapakiusapan ito. Kailangan niyang makakuha ng maayos na trabaho. Narinig niya mula sa dalaga na ang Hayes Company ay nagpapadala ng mga magagaling na engineer sa ibang bansa sa mga proyektong hawak nito at gusto niya mapabilang roon. Ang dami niyang gastusin sa bahay nila lalo na ang pag-aaral ng dalawang kapatid niya at maintenance ng gamot ng kanyang Lola. Napapakamot sa ulong walang makati si Luke. Pakiramdam niya madali siyang tumanda sa dami ng kanyang obligasyon sa buhay. Kahit pagkakaroon ngayon ng girlfriend ay hindi na niya naatupag dahil naisip niyang dagdag gastos lang ang babae. Subalit hindi maiwasan na may mga babaeng nagpapansin sa kanya. Hindi naman mapagkakaila na gwapo siyang lalaki at matangkad. Habang abala siya sa pagbubutones ng kanyang polo ay nilapitan siya ng seksing babae na halos lantad na ang buong kaluluwa sa suot nito. Ito ay si Ingrid ang laging star of the night sa bar. In demand kung baga, paborito ng mga customer dahil maganda at ubod ng sexy ang babae. Minsan niya itong naging karelasyon pero hindi sila nagtagal at nakipaghiwalay siya sa babae. Dahil hindi ito makontento sa kanya dahil siguro kulang siya sa financial. Kung sa s*x lang masasabi niyang naiibigay niya ang 100 percent niya. Maraming bagay siyang hindi maibigay sa babae kaya sa tuwing may mayaman itong customer ay sumasama at narinig din niya na mismong ang boss nila ay hawak rin ang babae kaya pinili niyang kumalas sa babae pero minsan itong si Ingrid ang lapit nang lapit sa kanya. Nilingon niya ang babaeng halatang nagpapansin na naman. Ilang beses na itong humiling sa kanya na lumabas sila, para daw pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan, ngunit ilang beses na rin niyang tinanggihan ang dalaga. Ayaw na ni Luke ang komplikadong relasyon. "Sige na Luke, labas naman tayo pagkatapos ng shift mo mamaya. Namiss na kita, ang tagal na simula noong huli tayong lumakad. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss kita, handa akong lumuhod muli para sa'yo, Luke," malambing na sabi nito sa binata. Natawa naman si Luke sa sinabi niya. Oo naman, lumuluhod ang babae. Pero hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng mga customer niya. Tinanggap niya noon si Ingrid kahit sa kabila ng trabaho nito basta ang usapan hanggang pa-table–table lang pero hindi iyon sinunod ng dalaga. Naubusan na rin siya ng pasensiya. "Pasensiya na, marami akong gagawin pagkatapos ng aking shift mamaya," tanggi niya. Umismid naman ang dalaga. "Gusto parin kita, Luke. Wala akong ibang lalaki na hinahangad kundi ikaw lang. Kahit maraming lalaking dumaan sa buhay ko, ikaw parin ang pinakagusto ko. Sana intindihin mo na lang pareho lang naman tayong dalawa," tila nagtatampong anas nito at malanding kinagat ang pang-ibabang labi. "Ayoko ng gulo, Ingrid, hindi na tayo pwede. Kay boss Aki ka na lang, maibibigay niya lahat ng mga gusto mo at matutulungan ka niya sa buhay mo. Ako, wala akong maibibigay na karangyaan sa'yo. Ang t**i ko, hindi nakakapagbigay ng pera sa'yo kundi nagpapasarap lang. Walang pinagkaiba sa t**i ni boss Aki. Sa kanya, hindi ka lang masasarapan, magkakapera ka pa. Ipagpapalit mo ba 'yon?" Marahan siyang hinampas sa balikat ni Ingrid. "Mas masarap ang t**i mo at mas malaki. Kumpara kay Aki, hindi nga tumitirik ang mga mata ko sa liit, kakainis. Iba pa rin ang sa iyo, Luke, napapatirik ang mga mata ko sa sarap at napapasigaw ako sa labis na sarap. Ayaw mo bang paligayahin ako, kasi ako gustong–gusto kitang paligayahin muli," naghahamon ang tinig ng dalaga. Imbes na mainis ay dinaan ni Luke sa tawa ang lahat. "May girlfriend na ako, Ingrid," saad niya na ang rumehistro sa kanyang balintataw ay ang maamong mukha ni Agatha. Kung may gusto man siyang babae ngayon, kahit malabo ang lahat sa kanilang dalawa, ay wala siyang ibang gugustuhin kundi si Agatha. Napailing ang binata sa sandaling naisip ang mga sinabi niya. Parang kay daling lumabas sa bibig ang mga katagang iyon na walang halong pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Actually, gumaan ang kalooban niya sa kasinungalingan na iyon. "Hindi naman natin sasabihin sa kanya. Sige, na Luke ngayong gabi lang, iparanas mong muli sa akin ang sumigaw," pagpupumilit ni Ingrid sa kanya. Napabuntong–hininga si Luke sa pagpapasensiya sa babae. "Hindi na p'wede, nagbago na ako. Ang nangyari sa atin noon ay matagal ko nang tinatapos, Ingrid. Kung pinakinggan mo sana ako noon, baka hanggang ngayon ay tayo pa rin. Nasilaw ka sa mga materyal na bagay na hindi ko maibigay sa'yo," maanghang na pahayag niya sa dalaga na ngayon ay nakasimangot na sa kanya. "Kakainis ka! Mas maganda at sexy ba sa akin ang pinalit mo? Mas magaling ba siya sa kama? Lumuhod at lumulunok din ba?" nagtatampong tanong nito. "Mas higit pa, Ingrid , dahil hindi lang s*x kundi mas higit pa," tinuro niya ang dibdib ng dalaga, "...kasama ang puso," aniya na may vindiction ang tinig ni Luke, sabay talikod. Alam ni Luke na nasasaktan niya ang kalooban ni Ingrid, ngunit tama lang ang ginawa niyang pagsisinungaling para tigilan siya nito. Kailangan niyang maging magaspang ang ugali rito para kusa ng lumayo sa kanya ang dalaga. Inaamin niyang minahal niya si Ingrid, tinanggap niya kung anong klaseng trabaho mayroon ito. Subalit, hindi ito makontento lalo na noong pinatulan ang boss nila. Ayaw niyang magkagulo lalo pa't napapansin niyang laging masama ang tingin sa kanya ni Aki. Gwapo naman ang boss nila pero hindi ito katangkaran na gaya niya, mapera lang ito kaya mabango sa mga babae. Isa pa maari siyang mawalan ng trabaho o kaya ipatumba ng boss nila kapag nalaman na kinatalo niya ito. Pumasok sa isip niya bigla ang maamong mukha ni Agatha at hindi niya maawat ang sarili na mapangiti. Napapailing na lang ang lalaki. Isa pa, pakiramdam niya hindi siya karapat–dapat kahit na sa pakikipagkaibigan man lang sila ni Agatha. Isa itong Hayes samantalang siya ay laki sa hirap pero hindi niya kinakahiya iyon. Proud siya kung ano ang pinagmulan niya kahit sa kabila ng reputasyon ng kanyang ina na kung sino–sinong lalaki lang ang kinakarelasyon. Kaya, hinahayaan niyang magsugal kaysa manlalaki pero alam ni Luke na mali parin iyon. Minsan, kasi may naririnig siyang pinapambayad ng ina ang katawan sa mga lalaking natatalo siya sa sugal. Minsan na siyang nakipagsuntukan dahil sa tsismis. Pakiramdam niya pahiyang–pahiya siya noon, lumayas siya at sa bahay nila pero hindi rin niya natiis at umuwi rin siya dahil sa mga kapatid niya at ang kanyang Lola. Nangako ang ina na magbabago pero sawang–sawa na siya sa mga pangako nito, dahil paulit–ulit na ginagawa. "Luke, ipinatatawag ka ni Boss," sabi ni Victor sa pagitan ng kanyang mga iniisip. Inilapag niya ang bitbit na acoustic guitar at umakyat sa ikalawang palapag ng club na kinaroroonan ng opisina ng kanilang boss. Kakatok pa lang sana siya nang mapagbuksan siya ni Ingrid. Nakakaloko ang mga ngiting sumilay sa labi nito, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba baka may sinabi ito sa boss nila. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang mangyayari sa kanya ngayong gabi. "Kung nakinig ka lang sa pakiusap ko kanina, Luke, wala nang rason para manatili kapa rito. Isang gabi lang ang gusto ko, pinagdadamot mo pa," bulong sa kanya ni Ingrid sa matigas na tono. Isang matalim na titig ang binigay ni Luke kay Ingrid. Sa mga lumabas na mga kataga sa bibig nito ay alam na niya ang mangyayari. Kung bakit siya pinatawag ng kanilang boss, pinapasok siya nito. Lumihis siya dahil nakaharang sa pinto si Ingrid na animo'y pagaari niya ang daan kung makaharang. No doubt, kung bakit malakas ang loob nito. Kunsabagay, ano ang laban niya sa babae pagdating sa trabaho nila. Malakas ito dahil parausan ni Aki. "Hindi kana magtatrabaho ngayong gabi, Luke. Tinatanggal na kita sa trabaho mo," salubong sa kanya ng kanyang boss. Tama nga si Luke sa iniisip niya. Mawawalan siya ng trabaho ngayong gabi dahil kay Ingrid pero susubukan niyang makiusap rito. "Hindi mo lang ba ako pagbibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, boss?" apela niya. Umiling ang may edad ng lalaki. Kung tutuusin parang Tiyuhin na nila si Aki. "Pasensiya kana, Luke. Mas mahalaga ang pakiusap ni Ingrid sa akin kaysa siya ang umalis sa club ko," sabi nito sa kanya matapos tapunan ng tingin ang babaeng nakatayo sa pinto na abot tenga ang nakakalokong ngiti sa labi. Nagpakawala ng malalim na buntong–hininga si Luke at nakikita niya ang panghihinayang sa mata ng kanyang boss. Naramdaman niyang nag–aalangan din itong pakawalan siya dahil siguro tinamaan ang boss niya kay Ingrid kaya mas sinusunod niya ito. May dinukot ang kanyang boss na tarheta mula sa kanyang bulsa at inabot sa kanya. Kinuha niya at tiningnan ang nakasulat rito. "Matalino ka Luke, hindi habang buhay dito ka sa club ko sayang ang natapos mo. Pinsan ko ang nasa tarheta, magaling na engineer. Matutulungan ka niyang maipasok sa Hayes Steel Company tulad na laging binabanggit sa akin ni Victor. Isa yan sa mga interviewer, pinalakad ko na ang papel mo para ipasok ka sa kompanya. Mas karapat–dapat ka roon." Paliwanag nito sa kanya. Nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Buong akala niya kung ano–ano na ang sinasabi ni Trixie rito. Hindi naman pala siya tinatanggal sa trabaho bagkus tinutulungan siya ni Aki, hindi na niya kailangang kausapin si Stella. "Yes, boss..." nasisiyahang sagot niya rito. "Maraming Salamat!" Tinapik–tapik siya nito sa balikat. "Sige na," may inabot pa itong sobre sa kanya. "Huling sahod mo na 'yan," nakangiting dagdag nito. Hindi naman makapaniwala si Luke sa naging turan ng kanyang boss. Mas maganda na rin siguro na umalis siya sa club para makaiwas sa tukso na nagkalat sa loob ng club. Isang bagay ang pinapasalamat niya sa kanyang boss dahil mabait ito sa kanya at gusto rin nitong mabago ang buhay niya. Isang nagpapasalamat na ngiti ang iginawad niya sa kanyang boss nang tanggapin ang huling sahod niya, dahil kailangan niya rin ito. Lumabas siya sa opisina na may kasamang pag–asang matutupad ang simpleng pangarap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD