Chapter 06

1212 Words
Chapter 06 ISANG TINIG ang gumising sa diwa ni Agatha. Naririnig niyang may sinasabi ang tinig na iyon, but she keep ignoring dahil inaantok pa siya. Pagkatapos ay mga yabag siyang naririnig. Saglit siyang nakiramdam sa paligid. Naramdaman niyang nakahinto ang bus. She slowly opened her eyes. Napaungol siya dahil sa pagkasilaw sa liwanag. Maliwang ang ilaw sa loob ng bus at nakikita niyang nagsibabaan ang mga ilang pasahero sa bus. Napakurap–kurap siya. Nasa Nueva Ecija na kaya kami? tanong niya sa kanyang sarili. Nasaan na kaya kami? Muli niyang narinig ang nagsalita kanina. Ang konduktor ang nakita niya noong tuluyan siyang nagising. At doon niya lang napagtanto na hanggang ngayon yakap–yakap parin siya ng estranghero. Sa gulat niya ay bigla siyang napadistansiya sa lalaki naging dahilan upang magising ito. Kagaya din niya tulog na tulog ang lalaki habang yakap–yakap nila ang isa't–isa. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng mamukhaan ang lalaki at ganoon din ang lalaking nakatulala na lang. Abot tenga ang mga ngiti sa labi ni Agatha sa hindi inaasahan. Bumilis ang t***k ng puso niya na muling makita ang binata. "Luke!" Bulalas niya at wala sa sariling mling niyakap ang binata sa sobrang saya at tuwa. "A–Agatha?" Bulalas din nito. At nagtama ang mga mata nila. Hindi rin makapaniwala ang binata na makita ang dalaga. Pakiramdam nilang dalawa tila huminto ang mundo nila pareho. As they were left in the place where everything was surreal. At tanging pintig na lamang ng puso niya ang tunog na naririnig niya. Kumalas mula sa pagkakayakap si Agatha sa lalaki. "Hi," bati niya sa binata. Kitang–kita niya ang unti–unting pagguhit ng ngiti sa labi nito, pati ang mga mata nito ay nagningning sa galak. "Kumusta kana?" He asked still smiling. Hindi pa rin siya nakasagot, sa halip ay nakatitig sa binata. Now, Agatha , meet the man of his life. At sigurado na siya rito na she felt something different on him. Mas lumawak ang mga ngiti niya nang makitang nakatulala pa rin siya. Alam na alam ng lalaking ito kung paano gamitin ang kanyang karisma patungo sa puso niya. "A–Agatha! I'm sorry, baka iniisip mong sinamantala kita kagabi. I'm so...sorry for that, naingayan ako kagabi kaya I offered my shoulder..." Mabilis niyang tinakpan ng kanyang hintuturo ang labi ni Luke. "It's okay lang, I want too. No need to explain, Luke." Nakangiting sabi niya sa binata tila na–a–amuse sa paliwanag. "Taga Neuva Ecija ka?" tanong niya. Umiling si Luke. "Hindi, dapat sa batangas kami pupunta ngayon sa isang gig pero hindi natuloy. Tamang–tama at inimbetahan nang mayor ang kaibigan kong si Victor na kumanta sa pistahan nila. Kaya sumama ako bilang guitarist." Namilog ang mga mata niya sa tuwa. "Oh?" Tumango–tango naman si Luke. "Saan kaba, pupunta at nakabus ka?" Bahagyang lumungkot ang mukha ng dalaga. "Anywhere! Gusto ko lang makahinga kahit sandali lang, Luke," aniya sa mahinang tinig. "Ha?" aniyang kumunot ang noo. "Gusto mo bang sumama sa akin? Kung gusto mo sumama ka sa akin, maglibot–libot dito sa lungsod ng Nueva Ecija." Marahan siyang ngumiti kay Luke. "Yeah, sure!" Tango rin ang itinugon ni Luke sa kanya. Nangislap ang mga mata ni Agatha. Ikinatuwa niya ng labis ang suhestiyon ni Luke. Sunod–sunod na pagtango ang sinagot niya sa binata. Habang nagpapatuloy ang biyahe ng bus, napagtanto nina Agatha at Luke na lalo silang nagiging malapit sa isa't isa habang sila'y nag-uusap. Nagbahagi sila ng mga kuwento tungkol sa kanilang buhay, mga pangarap, at mga hangarin. Sa bawat sandaling lumilipas, mas lumalim ang kanilang pagkakakilanlan. Biglang huminto ang bus, at ipinaalam ng drayber na kanilang narating na ang kanilang patutunguhan. Nagpalitan ng mga nagugulat na tingin si Agatha at Luke bago nila maunawaan na sila ay dumating sa bayan kung saan gaganapin ang gig nila Luke. Sa tuwa, nagpasya silang maglibot sa bayan nang magkasama. Hawak-kamay silang naglakad sa mga kalyeng puno ng kasaysayan, nagmamangha sa mga lumang gusali at magandang tanawin. Sa kanilang paglalakbay, nakasalamuha nila ang mga mababait na mamamayan na bumati sa kanila ng may ngiti sa labi. Habang ang araw ay pinalitan ng takipsilim, natagpuan nina Agatha at Luke ang kanilang sarili na nakaupo sa tabi ng dagat, kung nasaan ang resort na kanilang paglagian ng isang gabi. Isang sandaling kapayapaan at katahimikan, at naramdaman nila sa kanilang mga puso na mayroon silang natagpuan na espesyal sa isa't isa. Sa pakiramdam ng lubos na kaligayahan, sila'y magkakalapit para sa isang magaan na halik. Hindi nila maiwasang dalawa ang magkatinginan at magkahiyaan. "Paano ka natutong tumugtog ng instrumento, Luke?" pagpukaw ni Agatha sa biglaang katahimikan nilang dalawa. "Actually, walang nagturo sa akin. Natutunan ko lang din sa pagtambay–tambay sa gilid ng kalsada." Natawa ang dalaga at nangunot ang noo. "Paano 'yun?" "Gusto mo turuan kita?" marahan na tumango ang dalaga. "Ganito." Inilipat ni Luke sa mga kamay ni Agatha ang hawak na gitara at inikot ang mga braso mula sa likuran nito para gabayan ang mga daliri nito sa kuwerdas. Saglit na natigilan ang binata nang mapansin ang sobrang lapit nila ng dalaga. Nasasamyo niya ang natural na bango ng dalaga, pakiramdam ni Luke may mainit na apoy na gumapang sa buo niyang katawan. Dagli niyang pinawi sa isip ang kakaibang sensasyon na nararamdaman sa dalaga. Napalunok siya at pinilit ang sarili na magconcentrate sa pagtuturo rito. Luke guided Agatha's fingers on the guitar strings, they began to pluck away, slowly finding a rhythm together. In those moments, their focus wasn't solely on the music; it was also on each other. Agatha felt a sense of warmth as Luke's hands gently guided hers, teaching her the basics of playing the guitar. She couldn't help but smile as she felt the strings beneath her fingertips, creating melodies in harmony with Luke's guidance. Binantayan ni Luke ang pagliwanag sa mukha ni Agatha habang siya'y nagtuturo, naglalaro ang kasiyahan sa kanyang mga mata habang siya'y nagtutugtog ng gitara, ang mga mata niya'y kumikislap ng kasiyahan sa tuwing siya'y tinuturuan. Habang patuloy silang nagtutugtog, ang kanilang halakhak ay bumabalot sa hangin, nakikiisa sa musika sa ganap na harmonya. Sa bawat akordeng kanilang pinagharian, mas lumalim ang kanilang samahan, pinalalakas ang koneksyon na kanilang pinagkakaisahan.Habang hinahawakan ni Agatha ang gitara, nagtangka siya na gayahin ang mga galaw ni Luke. Sa simula, medyo nag-aalangan siya, ngunit dahil sa pagtuturo ni Luke, unti-unting naging komportable si Agatha sa pagtugtog. "Ang galing mo, Agatha! Mukhang natural kang maggitara," sabi ni Luke habang pinapalakpak ang kanyang mga kamay. "Kaya pala't kayang-kaya mo itong gawin," sabay ngiti ni Agatha, na napapaligiran ng kasiyahan sa kanyang mata. "Subukan natin 'yung susunod na parte ng kanta," sabi ni Luke, na agad na itinuro ang susunod na bahagi sa gitara. Tumango si Agatha at sinundan ang mga hakbang ni Luke. Habang nagpatuloy sila sa pagtugtog, ang kanilang tawanan at masasayang boses ay naglalaro sa hangin, nagbibigay-buhay sa kanilang musikal na pakikisalamuha. Sa gitna ng kanilang kasiyahan na dalawa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na sumilong silang dalawa ay nagawa pa nilang sumayaw sa gitna ng ulan at maligo sa dagat. Para silang mga batang nagtampisaw sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD