Chapter 03

1409 Words
Chapter 03 "PARE!" tawag sa kanya ni Vincent nang abutan siya nito sa exit. "Tanggapin mo na ang pera, kung kulang pa dadagdagan ko," aniya, sabay hagod ng tingin kay Luke. "Ayokong magkaroon ng utang na loob ang fiancée ko sa isang estrangherong kagaya mo," walang prenong sabi nito. "Sinabi ko na sa'yo kanina. Hindi ako nagpapabayad sa tulong na ginawa ko kay Agatha," matigas na turan nito. "Bukal sa kalooban ko ang ginawa kong tulong," dagdag pa niya. Hindi na niya hinintay kung ano pa ang sabihin ni Vincent. Sumisigaw ito hanggang sa paglabas niya pero wala siyang pakialam, kung ano man ang maging opinyon nito. Basta ipaglalaban niya kung ano ang tama sa tingin niya. Wala din siyang pakialam kung nabastos niya si Vincent sa ginawa niyang pagtalikod dahil wala siyang dapat ipaliwanag sa lalaki. Dahil alam niyang hindi sila magkakaintindihan na dalawa, at ayaw niyang mauwi sa kung saan ang hindi pagkakaunawaa, maganda na ang umiwas siya bago pa magkagulo. Bakit siya magpapakaipokrito sa harapan nito gayong alam niyang mayabang ang lalaki at mapagmataas. Hindi purkit lumaki siya sa hirap at isang hampaslupa ay lahat ng mga kabutihan na gagawin niya ay may kabayaran. Ang ipamukha sa kanya kanina na babayaran ang pagtulong niya kay Agatha ay isang napakalaking pang–iinsulto sa pagkatao niya. Lumaki man siya sa hirap pero hindi siya mukhang pera at pinakalaki siyang may prinsipyo. Siya ang taong may panindigan at isang salita. Nagpupuyos naman sa galit si Vincent nang magbalik siya sa private room ni Agatha. Hindi niya maintindihang kung bakit tila kumukulo ang dugo niya sa lalaking umalis kanina. Ibang–iba ang nararamdaman niyang inis sa lalaki parang isang treat sa atensiyon ni Agatha, tila magiging kaagaw niya sa dalaga. Bagay na hindi niya papayagan ang magkaroon ng kaagaw sa babae. Kung tutuusin, di mas–hamak na mataas ang posisyon niya sa buhay. Hindi kagaya sa lalaking nakita niya kanina na walang maibubuga. Walang pwedeng hahadlang sa mga plano niya at walang sisira sa nalalapit na kasal nila ni Agatha. Ang pagpapakasal nila ni Agatha ay siyang sulusyon sa problema nila, ang pera ng mga Hayes ang sasalba sa kompanya niya. Samantala, unti–unting bumabalik ang malay ni Agatha. Nasapo niya ang ulong sumasakit nang tuluyang maimulat ang mga mata ay agad niyang hinanap sa paligid ang binata. Naitukod niya ang dalawang siko sa higaan. "Luke..." mahina niyang tawag sa binata. Sabay namang napalingon ang mag–asawang; Vaughn at Elaine sa anak at tumabi si Elaine sa dalaga. Tumingin si Agatha sa kanyang ina sa nagtatanong na mga mata. "Where's Luke?" "Hush, Sweety...it will be al right." Malumanay na sabi ni Vaughn sa anak at hinaplos ang mahabang buhok nito. "Dad, siya ang tumulong sa akin. Nasaan na siya? Sabi ko sa kanya 'wag niya akong iwan dito." halos naghihisterya na sabi nito. "Umuwi na siya, Sweety," sabi ni Elaine. Naningkit ang mga mata ni Agatha nang makita si Vincent. Sa nag–aalalang mukha ay dahan–dahang lumapit si Vincent sa dalaga. Dinama nito ang pisngi ng kasintahan na sanhi ng malakas na pagtama ng mukha sa manibela. Iniwas ni Agatha ang kanyang mukha sa binata at isang nakakamatay na titig ang pinukol niya rito. "I'm sorry sa nangyari, babe," paumanhin ni Vincent. "I didn't meant that to happ—" "I don't want you here, Vincent," putol niya sa sasabihin ni Vincent wala siyang time makinig sa paliwanag nito. Napailing ang binata sa mga sinabi mula sa kasintahan. Hindi papadaig si Vincent sa mga sinasabi ni Agatha, hindi p'wedeng hiwalayan siya nito. Kapag, nagkataon masisira ang mga plano niya. Hindi niya inaasahan na darating ang dalaga sa unit niya kanina buong akala niya kasama ito ng kanyang ina dahil iyon ang sinabi ni Felecity bago sila nagkita sa condo niya. Si Felecity ang bed warmer niya at aaminin niyang hindi matanggihan kapag naghuhubad na sa harapan niya si Felecity. Bukod sa maganda ang hubog ng katawan nito napakagaling din nito sa kama. Pero ngayon nagkakaproblema siya. Hindi siya makakapayag na masisira ang relasyon niya sa dalaga kailangan matuloy ang kasal sa lalong madaling panahon. "Narinig mo ang sinabi ko, Vincent! Please, leave ayokong makita ka," pagsusumamo ng dalaga sa kanya. Umiling si Vincent. "No, I'm not going anywhere dito lang ako sa tabi mo, babe," pagmamatigas ni Vincent at sinubukang hawakan sa kamay ang dalaga pero winasiwas niya ito. Nagkatinginan naman ang mga magulang ni Agatha at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. "Please, Vincent! Umalis kana!" Bulyaw ni Agatha sa matigas na tono. Malakas na napabuntong–hininga si Vaughn sa kalituhan sa nangyayari sa dalawa. "Please, Vincent , dumalaw kana lang sa bahay. Kung may problema man kayong dalawa, pagusapan ninyo?" Malumanay na saad ni Vaughn. Tumaas ang dalawang kamay ni Vincent sa ere. "Okay, fine! I'll leave for the meantime pero hindi ako papayag na mawala ka sa akin, Agatha." He said with warning tone. "Akin ka lang," he said. Matalim na tumitig ang dalaga kay Vincent. "Walang kasal na magaganap, at 'wag ka na magpakita sa akin kahit kailan," galit na turan niya. "Hahayaan kita for now pero hindi ako papayag na mawala ka sa akin," sabi ni Vincent sabay labas ng silid. Mas lalong naguguluhan nagkatinginan ang mag–asawa sa galit na galit na anak si Elaine, nais sana nitong magtanong kung ano ang nangyayari at kung bakit pinagtatabuyan ng anak ang kanyang kasintahan. "Ano ang nangyayari, Agatha?" Takang tanong ni Vaughn nang makalabas na si Vincent sa kanyang silid. "Baka, p'wede pag usapan kung ano man ang naging problema ninyo," dagdag niya. Subalit hindi kumibo si Agatha mas pinili niya ang manahimik dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo. Dahil alam niyang hindi siya paniniwalaan ng mga ito. Kailangan niyang makakuha ng sapat ne ebedinsiya para mapatunayang isang taksil si Vincent. "Kung may problema kayo, Agatha. Pag–usapan ninyo, ayoko ng kahihiyan," babala ni Vaughn. "Where's Luke?" Muli niyang tanong nang maalala ang binatang nagligtas sa kanya. Ang lalaking taga–pagligtas niya. "Umuwi na siya. Hindi niya tinanggap ang perang gusto sana naming ibigay sa kanya. Kapalit sa tulong na ginawa niya sa'yo," paliwanag ni Elaine sa kanyang anak. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "What? Bakit kailangan ninyong gawin ang bagay na iyon. Why?" Tumaas ang tinig niya sa inis sa mga magulang niya. Umalma naman si Vaughn sa pagtaas ng boses ng kanyang anak. "H'wag mo kaming pinagtataasan ng boses, Agatha? Gusto lang naming sukatin ang motibo ng lalaking iyon sa pagtulong sayo. Sa panahon ngayon lahat may kapalit na kwarta ang tulong na binibigay," galit na sabi niya sa dalaga. "Your father is right, sweety! Malay ba natin kaya ka niya tinulungan dahil gustong magka–pera?" Sinang–ayunan naman ni Elaine ang sinabi ng kanyang asawa. Na mas lalong nagpainit sa ulo ni Agatha. She took a deep breath. "Ramdan ko, he's a good man," depensa niya at muling nahiga. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit kay Vincent at sa mga magulang niya. Nararamdaman ni Agatha na mabuting tao si Luke unlikely kay Vincent na makasarili, mayabang at masama ang ugali. Bakit, hindi nakikita ng mga magulang niya 'yon? Ang kapintasan ni Luke. Imbes na makipagtalo siya sa mga ito ay pinili niyang manahimik at mag–isip kung paano siya makaka–alis sa sitwasyon niya. Mas gusto pa niyang ipikit ang mga mata at isipin ang lalaking tumulong sa kanya kanina. Hindi maintindihan ni Agatha ang kanyang nararamdaman para sa lalaki. Mabilis napanatag ang kalooban niya kay Luke. Iyong tipong gusto niyang ipagkatiwala ang buong buhay niya rito, pakiramdam niya ligtas siya sa mga bisig ni Luke. "Gusto kong umuwi na sa bahay at doon na magpahinga," walang kagana–ganang sabi niya sa kanyang ina. Lumambot ang mukha ni Elaine sa anak. Nakaramdam siya na tila inuusig ng kanyang konsensiya sa pagpaalis sa lalaking sumagip sa buhay ng kanyang anak. "Kung iyan ang gusto mo. Ipapaayos ko sa assistant ko ang billings para makauwi ka," hinawakan niya ang kamay ng anak at marahang pinisil ang palad nito. "For now, magpahinga ka muna, anak." Umayos ang dalaga sa paghiga. Si Luke ang laman ng kanyang isip. Kailan kaya niya muling makita ang binata hanggang sa igupo siya muli ng antok. "Luke..." sabi niya sa kanyang isip. "Makikita pa kaya kitang muli. Why, I want to see you again? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD