Chapter 02

1610 Words
Chapter 02 DALA MARAHIL ng sama–samang emosyon na na nararamdaman ay hindi namamalayan ni Agatha na napapabilis na ang takbo ng kanyang sasakyan. Gusto na niyang maiparating sa kanyang ama ang pagtataksil ni Vincent, dahil dito she felt relief. Dahil sa pagmamadali hindi napansin ni Agatha ang paparating na sasakyan. Tanging ang nakakasilaw na ilaw at isang nakakabinging mahabang busina ang huli niyang namalayan. Nag–aabang naman ng masasakyan si Luke para pumasok sa kanyang trabaho sa Makati nang masaksihan niya ang aksidente. Si Luke ay agad na lumapit sa babaeng naaksidente, hindi nag–atubiling tumulong sa kanya. Habang hinihintay ang tulong, sinubukan niyang alamin kung may malubhang pinsala ang babae at kung may maaari siyang gawin para sa babae. "Ibaba natin siya!" Sigaw ni Luke sa mga nakapaligid na bystander na nakasilip sa kotse. Natitigan ni Luke ang babaeng walang malay na nakasubsob sa kanyang manibela. Hindi niya mapigilan ang sarili na 'wag mapahanga sa taglay nitong ganda pero agad iwinaglit sa isip ang bagay na iyon. Matapos masuri ang katawan ng babae at makitang walang seryosong pinsala, dinala niya ito malapit sa sidewalk at maingat na inihiga. Ayaw niyang maghintay ng anumang masamang mangyari lalo na't umuusok na ang sasakyan ng babae. "Heto ang bag niya, baka may pwedeng tawagan upang mapuntahan siya rito," sabi ng isang bystander. Agad na kinuha ni Luke ang bag at hinalungkat ang loob para hanapin ang wallet ng babae na p'wedeng tawagan. Sa paghahalungkat niya nakita niya ang I.D. nito. "Agatha Kate Hayes..." bulong niya sa pangalan ng walang malay na magandang dalaga. Isa itong intern Doctor sa St. Lukes dito rin sa Makati. Muling napatitig si Luke sa magandang mukha nito. "Ka ano–ano niya ang mga Hayes?" Tumaas ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Agatha. Sa madilim na bahagi ng utak niya ay naramdaman ni Agatha ang masuyong haplos sa pisngi niya habang unti–unting bumalik ang kanyang malay. Dumilat siya nang dahan–dahan, na parang galing sa isang mahimbing na pagtulog. Nang buksan ni Agatha ang kanyang mga mata, unti–unti niyang naramdaman ang bigat sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng kirot sa ulo at sa kanyang tagiliran mula sa nangyaring aksidente. Nakita niya si Luke na nagmamasid sa kanya, may halong pag–aalala sa kanyang mga mata. Huminga nang malalim si Agatha. "Saan ako? At sino ka?" Nauutal niyang tanong. "Nasa tabi ka lang ng kalsada. Naaksidente ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?" Malumanay na tanong ni Luke. "Ako nga pala si Luke." Sa nanghihinang pakiramdam ay pinilit niyang umupo, inalalayan na lamang siya ni Luke. "Thanks, Luke! Medyo masakit pa ang ulo ko, pero okay lang ako." "Walang anuman. Nagtawag na ako ng ambulansya para madala ka sa ospital at macheck kang mabuti." She smiled faintly. Hindi niya matingnan sa mga mata ang lalaki. Hindi niya maunawaan ang kakaibang damdamin niya rito. Isa lamang itong estranghero pero she felt strange about him. "Maraming salamat sa tulong mo. Hindi ko alam kung anong nangyari kung wala ka." Suddenly she felt dizzy. Ipinikit niya kanyang mga mata para maibsan ang hilo niya. "Dito lang ako, hindi kita iiwan hangga't dumating ang ambulansya," pang–aalo nito sa kanya. Marahan na tumango si Agatha. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng kaligtasan sa tabi ng lalaki. "Nandiyan na ang ambulansiya, magsitabi kayo!" Sigaw ng isang lalaki na dumulog sa aksidente. Nagsatabi ang mga taong nakikiasyuso sa aksidente. Lumapit ang ambulansiya at mabilis na bumaba ang mga medics at agad na tinugon ang pangangailangan ni Agatha. "Luke..." mahinang tawag ng dalaga. "Stay." Tumango si Luke ay nanatili sa tabi niya, nagbigay ng suporta hanggang sa makasakay si Agatha sa ambulansiya. Matapos maisakay si Agatha sa ambulansiya, nagpasya si Luke na samahan ang dalaga hanggang sa maihatid ito sa ospital. Sa loob ng ambulansiya, nagtulungan sina Luke at ang mga paramedic upang siguraduhing komportable si Agatha habang dala sa ospital. Sa bawat sandaling lumipas, naramramdaman ni Agatha ang pag–aalaga at suporta na ipinapakita ni Luke sa kanya. "Luke..." anas ng nakapikit na si Agatha. "Ssh...h'wag kang mag–alala, Agatha. Nandito ako para sa'yo, hindi kita iiwan hanggang makarating tayo sa ospital," bulong ng binata. Kahit nakapikit si Agatha ay nagawa parin niyang ngumiti. "Salamat, Luke. Hindi ko alam kung paano ko matatapos ang araw na ito kung wala ka." Wala sa sariling mahigpit na hinawakan ni Luke ang kamay nito. "Walang anuman. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan mo, at nandito ako para tulungan ka." Matapos marinig ang mga sinabi ni Luke ay napayapa ang kanyang kalooban. Ramdam niya ang magaspang na palad nito na hindi bumibitiw sa kamay niya at walang humpay na masusuyong sabi nang ikakabuti niya. Nang makarating sa ospital, sinamahan ni Luke si Agatha sa emergency room at nagpakilala bilang tagabantay nito. Habang naghihintay sa pamilya ni Agatha, hindi siya umalis sa tabi ng babae. Maraming test ang ginawa ng mga doktor para kay Agatha hanggang sa matapos. Nanatili si Luke sa tabi niya. Hindi namalayan ni Luke na nakaidlip pala siya sa upuan sa loob ng private room ni Agatha dahil sa pagod. Nagamit niya muna ang kinita niya sa pamamasada kahapon, para lang makakuha ng private room para sa dalaga. May nurse nang kumontak sa pamilya ni Agatha. Hinihintayin niya lang makapunta rito bago siya uuwi. Sana'y pupunta siya ngayon sa Hayes Steel Corporation para mag-apply bilang engineer. Pagkalipas ng anim na taon, natapos din niya ang kursong engineering sa pamamagitan ng pagiging working student. Walang ibang inaasahan si Luke kundi ang sarili niya lang, tapos siya pa ang breadwinner ng pamilya. Tatlo silang magkakapatid, lahat sila panganay. Ang mga ama nila ay iba-iba ang lahi, pero ayon sa kwento ng kanilang Lola, ang tatay niyang Amerikano ang mayaman. Isa daw itong engineer na may ginawang proyekto sa Angeles, Pampanga. Naging customer ng kanyang ina at siya ang naging bunga. Subalit iniwan daw ito ng kanyang ina dahil mayroon itong pamilya sa Amerika. Subalit binigay niya ang apelyido kay Luke. Naging mahirap ang buhay ni Luke. Tanging ang pangarap niya at pamilya ang pinaghuhugutan niya ng kanyang inspirasyon. Nakaraang buwan nga lang ay nakapasa siya sa board exam. Dapat ngayon ay interview niya sa Hayes Steel Company, pero sa nangyari ngayong araw, hindi na siya matutuloy. Makikiusap na lang siyang muli sa HR na kilala niya roon na ireschedule siya, sana lang pumayag ito. May tumapik–tapik sa balikat niya kaya siya nagising. "Excuse me?" Isang boses babae ang nagpagising sa kanya. "Who are you? What are you doing in my daughter's room?" Mabilis na bumangon si Luke mula sa upuan at agad na nagpakilala sa babae. Inilahad niya ang kanyang kamay pero tinitigan lang ito ng babae na hawig kay Agatha. Napayuko si Luke nang hindi ito tanggapin ng babae nang may pumasok na lalaki at niya siya makapaniwala sa nakita. Nakikita niya ang lalaki sa billboard sa edsa. Walang iba kundi si Vaughn Hayes the CEO of Hayes Steel Company. Nakaramdam bigla ng panliliit si Luke. Ang babaeng tinulungan niya ay anak ni Vaughn Hayes. Si Agatha ang panganay na anak nito at ang isang anak nito ay si Knox Lawrence Hayes. Napatingin si Vaughn sa binata. "Who are you? Ikaw, ba ang tinutukoy ng mga pulis na tumulong sa anak ko?" Baling niya sa akin. He nodded. "Yes, sir! Sakto pong papasok ako—" "Magkano?" Putol ni Vaughn sasabihin niya. Nangungunot ang noo ni Luke at mababakas ang gulat roon. "Wala pong bayad ang pagtulong ko sa anak ninyo?" Binuksan nang babae ang loob ng kanyang bag at may kinuhang nakasobre. Inabot niya kay Luke ang sobrang tila makapal ang loob. Wala sa sariling tinanggap ang sobre na may laman na tig–isang libong piso, pasasalamat daw para sa ginawa niyang kabayanihan na ginawa niya kay Agatha at inaasahan nila na hindi na siya magpapakita pa. "Pasensiya na po, hindi ko matatanggap. Ang pagtulong ko po sa anak ninyo ay bukal sa aking kalooban." Pagtatanggol ni Luke sa sarili, pakiramdam niya naiinsulto siya sa inasal ng mga magulang ni Agatha. Mga mata pobre pala ang mga ito, maling–mali siya sa mga balitang naririnig niya. Nang biglang pumasok si Vincent. "Tanggapin muna, boy , sayang din 'yan. Malaking tulong para sa iyo," may sarkastikong sabi nito kay Luke na abot hanggang tenga ang ngiti. Nakipagsukatan siya ng tingin sa lalaking kapapasok lang, medyo maangas ang dating nito. Kung ang pinagbabasehan nito ay ang kahirapan niya sa buhay na akala nang lalaking ito ay matatapalan ng pera, p'wes nagkakamali siya. Kung wala lang siya sa loob ng silid ni Agatha baka nasapak na niya ang lalaki. Sinulyap ni Luke ang natutulog na si Agatha. Maiksing oras niya lang kasama ang dalaga pero aaminin niyang may kakaiba siyang narararamdaman para rito, alam niyang may connection silang dalawa. Ang babaeng kagaya ni Agatha ay dapat inaalagaan, pinoproteksyunan at lalo sa lahat minamahal. "Salamat na lang sa pera ninyo, Ma'am and Sir , pero hindi ko matatanggap. Total andito na rin po kayo, ako po ay aalis na. Kayo lang po ang hinihintay kong dumating," mahabang saad ni Luke na may paggalang sa kanyang tinig. "Are you sure about it, boy?" Tanong nito na sinamahan pa ng pagtataas ng kilay at nakakainsultong ngiti. He gritted his teeth, labis–labis ang pasensiya niya sa lalaki. Aalis na siya bago pa maubos ang kanyang pasensiya sa lalaki at masuntok na talaga niya ito. "Mawalang–galang na po," baling niya sa mga magulang ni Agatha. "Aalis na po ako." Tumalikod na si Luke at lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD