Chapter 07
PAGKATAPOS nilang naglunoy sa tubig dagat ay napagdesisyunan nilang umahon na sa tubig, at nagtungo sa cottage na occupied nila.
Sabay pa silang napatungo sa banyo at sa pintuan ay nagkabanggaan at nagkahiyaan pa sila.
"Ma una kana," sabi ni Luke sa kanya.
"No, you first. Makakapaghintay naman ako."
"May kasabihan tayo "Ladies First". Ma
una kana, Agatha."
"Sige," yumuko siya at tila nahihiya sa lalaki dahil ang totoo niyan, wala siyang damit na pamalit. "Luke..." mahina niyang tawag rito.
"Bakit?"
"Ah...Ano kasi...baka may extra shirt ka? Wala kasi akong dalang damit..." nahihiyang sabi niya rito.
Na amuse naman ang binata habang nakatitig sa dalaga. Hindi niya mapigil ang sarili na h'wag humanga sa babae. Kahit saang anggulo tingnan, napakaganda ni Agatha. Ang babaeng tila gumugulo sa isipan niya ngayon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang babae.
"Mayroon, tawagin mo ako kapag tapos ka ng maligo at ibibigay ko sayo," aniya.
"Salamat, Luke!" nakayukong pasasalamat ni Agatha at tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Nagpauna siyang maligo, pagkatapos niyang maligo ay agad niyang sinuot ang t–shirt ni Luke. Hindi maiwasan ni Agatha ang mapangiti pakiramdam niya, yakap–yakap niya si Luke at damang–dama niya ang amoy ng binata. Kahit nangibabaw ang amoy fabric conditioner sa damit nito.
Nang matapos siyang magbihis ay lumabas na siya sa banyo. Ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay natapilok siya. Hindi napansin nang dalaga ang nakaharang na traveling bag sa dinadaanan niya. Napasubsob siya sa matipunong didbib ni Luke na kasalukuyang walang suot na pantaas na damit.
Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Tila naging isang malakas na dagundong ang tunog na nilikha ng pagpintig niyon. Nanlamig ang buong katawan niya habang ang isang kamay ni Luke ay nakapalupot sa bewang niya upang hindi siya matumba.
Hindi agad nakapagsalita si Agatha. At hindi niya namalayang nasa mga balikat ni Luke ang mga kamay niya. Naramdaman niya ang mainit na katawan ng binata sa kanyang mga kamay. Ang init na tila pumapaso sa kanya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na tila ba may pagnanais siyang paglandasin ang mga kamay niya sa mamasa–masa nitong balat ay ewan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang epekto ni Luke sa kanya.
Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahan–dahan niyang itinaas ang kanyang mga mata mula sa didbib nito patungo sa leeg at kitang–kita niya ang pagtaas baba ng adams apple ni Luke, and It's looks very sexy at sunod–sunod siyang napalunok roon. Muling umangat ang mga mata niya at nagkasalubong ang mga mata nila ni Luke. Napansin niyang may kakaiba sa mga mata ni Luke na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
Mabilis na kumalas si Agatha kay Luke.
"Sorry..." mahinang sambit ni Luke, saka pumasok sa loob ng banyo.
Nakaramdam siya ng panghihinyang dahil may tila gusto si Agatha na gawin ni Luke sa kanya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam nang kakaibang init sa kanyang init towards sa isang lalaki.
Naupo siya sa gilid ng higaan. Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na si Luke.
Paglabas ni Luke mula sa banyo, nakita niya si Agatha na nakaupo sa gilid ng higaan, tila nag-iisip. Hindi niya maikakaila ang kakaibang tensyon na umiiral sa pagitan nila matapos ang nangyaring aksidente sa labas ng banyo kanin.
"Okay ka lang, Agatha," simula ni Luke, "Kumusta ka? Hindi ka ba nasaktan?"
Umiling si Agatha, "Hindi naman. Salamat sa pag-alalay mo kanina."
Ngunit ramdam ni Luke ang hindi pagkakasiguro sa boses ni Agatha.
"Naiintindihan ko kung may naramdaman kang kakaiba kanina. Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang may... kakaiba."
Tumingin si Agatha sa kanya, "Oo nga, Luke. Parang may kakaiba... hindi ko rin maipaliwanag."
Napaisip si Luke, "Siguro dahil sa aksidente kanina, pero hindi naman ito magiging big deal, di ba? Magkaibigan lang naman tayo."
Ngumiti si Agatha, "Oo nga, magkaibigan lang."
Ngunit kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi niya maalis sa isip niya ang mga pangyayari kanina at bakit parang may kudlit na sakit sa puso niya ang sinabi ni Luke na magkaibigan lang sila. May kakaiba sa pakiramdam ni Agatha, at tila hindi na lang ito simpleng pagkakaibigan.
Napagdesisyunan ni Agatha na huwag nang pansinin ang kakaibang tensyon na iyon at ituon sa ibang bagay ang atensyon niya.
"Ano, gusto mong kainib?" tanong ni Luke, pilit na binabago ang usapan.
Tumango si Agatha, "Kahit na ano, hindi naman ako mapili sa pagkain."
Ngumiti si Luke sa dalaga. Subalit sa loob ng puso ni Luke, alam niyang may kakaiba sa kanilang dalawa, at hindi niya alam kung paano niya ito haharapin. Hindi maintidihan ni Luke ang sarili at tila ba nakaramdam siya ng hiya sa dalaga.
"Dito ka lang, pupunta lang ako sa cottage nila Victor." Paalam ni Luke sa dalaga para iwasan saglit ang dalaga dahil may kung anong binuhay ang babae sa p*********i niya.
Naiwang mag–isa si Agatha. Humakbang siya patungo sa bintana, at hinawi ang kurtina nakita niya ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas tinitiyak niyang hindi na makapagperform sina Luke. Ang totoo niyan excited siyang panoorin sana ang binata.
Pagbalik ni Luke mula sa cottage ni Victor, dala-dala niya ang ilang pagkain na handa na nilang kainin. Nilapag niya sa mesa ang dalang tray na may mga pagkain. Lumapit siya kay Agatha na nakapanungaw sa bintana, at ngumiti nang makita siya ng dalaga.
"Kumain muna tayo, narito na ang ating hapunan baka kasi nagugutom ka na," sabi ni Luke.
"Wow, mukhang masarap ito," sagot ni Agatha, tuwang-tuwa sa mga dala ni Luke.
"Pasensiya na at 'yan lang ang available na pagkain rito sa resort," paliwanag ni Luke, "Sana magustuhan mo."
Tumango si Agatha, "No, problem! Siguradong magugustuhan ko 'yan. Salamat, Luke."
Nagsimula silang kumain, at sa bawat kagat, tila nagiging mas masaya ang kanilang pag-uusap. Naramdaman ni Luke ang pagiging komportable ni Agatha sa kanyang kumpanya, at tila ba'y naglaho ang mga alinlangan niya sa dalaga. Bukod sa maganda, mabait din ang dalaga sa kanya. At walang nakikitang kaartehan si Luke sa dalaga kundi ang paghanga ang isa sa mga nararamdaman niya para sa dalaga.
"Ang sarap nito, Luke. Maraming salamat." sabi ni Agatha habang masaya sa kanyang pagkain.
Ngumiti si Luke, "Walang anuman. Masaya ako na nagustuhan mo."
Habang nagtatapos sila sa kanilang pagkain, napansin ni Luke ang kakaibang ngiti sa labi ni Agatha, at tila ba'y nagbago ang kanyang pananaw sa kanilang pagkakaibigan.
Pagkatapos nilang kumain ay may dumating na alak sa kanilang cottage na pinadala ni Victor. Hindi p'wede abalahin ni Luke ang kaibigan at dalawa pa dahil may mga kasama ring mga babae kaya napagkamalan rin silang couple na dalawa. Hindi sila p'wedeng magpraktis dahil sa lakas ng ulan sa labas.
"Ilan kayong magkakapatid, Luke?" Tanong niya sa binata, at sumalampak sa tabi nito. Isinandala ng likuran sa gilid na kama.
"Tatlo, ako ang panganay. Ikaw?"
The sudden huskiness of his voice was caress. At nagsisitayuan ang pino niyang balahibo sa buong katawan. Lumapat ang braso ni Luke sa braso niya. Skin to skin. She feel the heat, at hindi iyon maintindihan ni Agatha. Kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon sa lalaki.
Tumikhim si Luke at bahagyang inilayo ng konti ang kanyang katawan sa dalaga. Kahit siya ay tila napapaso sa tuwing maglalapat ang balat niya. Hindi niya maintindihan kung baka dahil sa konting alak na nainom niya.
"Cheers!" Itinaas niya ang hawak na bote ng beer. Ganoon din ang ginawa ni Agatha. "For our new found friendship."
"For our friendship," pagsunod niya, pero hindi maintindihan ni Agatha kung bakit parang tinututolan ng puso niya ang salitang friendship.
Saka nila pinagpingki ang mga bote nila at tinungga ang laman niyon.
Samantalang nakalimutan ni Agatha ang problema niya at ganoon rin si Luke. Ang malaking responsibilidad na pasan niya sa kanyang balikat. Natutuwa siyang kausap ang dalaga. Hindi naman pala maarte ang babae, akala niya noon dahil isa itong Hayes ay maarte na. Kung anu–ano na ang ikinukuwento nila. At biglang ipinukos ni Luke ang usapan sa dalaga.
"Mabuti at kasya sa'yo ang tshirt ko. Pasensiya kana at hindi iyan mamahalin. Binili ko lang sa mga nakasabit sa tiangge," anito habang nakatitig sa kabuoan niya, which made her feel a little bit uneasy and nervous. Dinala niya sa bibig ang hawak na bote, at tinungga iyon. Pakiramdam niya namula ng husto ang kanyang pisngi sa sinabi ni Luke.
"T–talaga?" alanganin niyang sabi na may kimi ang ngiting reaksiyon niya. "Wala namang problema sa akin kung mura lang. Ang bango nga, ei?" She giggled, at inamoy–amoy muli ang t–shirt nito.
Natuwa naman si Luke sa nakitang reaksiyon sa mukha ni Agatha. He was amused watching her, ang ganda kasi ng dalaga at hindi niya mapigil ang sarili na humanga roon.
"How old are you, Agatha? Siguro ang dami mong manliligaw?"
Natawa siya. "Twenty four na ako. Kung manliligaw may iilan din..." kinagat niya ang pang–ibabang labi hindi niya masabi kay Luke na naka–arrange marriage siya. Ayaw niyang masira ang gabing kasama ang binata.
Luke laughed softly at humarap sa dalaga. Tumaas ang kamay niya patungo sa pisngi ng dalawa at marahang hinaplos iyon. Malakas na napasinghap si Agatha.
"Sa ganda mong 'iyan? Iilan lang ang manliligaw mo? Alam mo bang napakaganda mo, Agatha?" namumungay ang mga mata na ni Luke dahil siguro sa alak na nainom niya.
"Ang sarap naman pakinggan ng mga sinabi mo, Luke..." sabi nito habang sinasalubong ang mga mata ni Luke na nakatitig sa kanya. "Hindi purkit maganda marami na agad manliligaw."
"Hindi ako nagbibiro, sobrang ganda mo. May boyfriend ka na ba?"
Natigilan siya sa tanong na iyon ni Luke. Paano ba niya sasabihin ang totoo? Na wala siyang karapatan na magkaka–boyfriend.
"Medyo tipsy na ako, Luke," pag–iiba niya sa uspan.
Bumitiw si Luke sa paghaplos sa pisngi niya, at matipid na ngumiti. "Sige, matulog kana. Dito kana sa kama at ako sa sofa."
Tumango–tango siya rito. "Mukhang may bagyo," sabi niya.
"Siguro. Walang tigil ang ulan at palakas nang palakas ang hangin at buhos ng ulan. Siguro, may dahilan ang lahat kung ganito ang weather—"
"Dahilan na ano?" Putol niya sasabihin ni Luke.
Hindi agad sumagot si Luke. Kinuha nito ang isang unan, saka pumuwesto sa sofa na mga tatlong dipa ang layo mula sa kama.
"Tulog na ako. At kagaya mo mukhang tinamaan ako sa alak," anito. "Goodnight, Agatha. Masaya akong nakilala kita."
"Night," mahinang sagot niya na hindi niya alam kung nakaabit sa pandinig ni Luke. Tinitigan niya muna ang binata, hinintay niya ang kasagutan nito sa tanong niya kanina. Noong mapansin niyang tila nahihirapan si Luke sa hinihigaan.
Malaki ang kama at kasya silang dalawa pero mas pinili ni Luke ang mamaluktot sa maliit na sofa at wala pang kumot. Ang laking mama nito at halos hindi na magkasya. Napilitan siyang tumayo upang gisingin ang binata na magpalit sila ng p'westo.
"Luke...dito ka na lang sa kama at ako na lang diyan sa sofa," sabi niya. Nakapikit na ito at nakaunan ang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang ulo.
"Okay lang sa iyo?"
Nakangiting tumango siya. Bumangon si Luke at tinitigan siya.
"Magtabi na lang tayong dalawa. Hindi ko maatim na matulog ka dito sa sofa lagyan na lang natin ng barricade sa gitna. Don't worry harmless naman ako."
Natawa siya sa sinabi ni Luke. Mas gusto pa niyang 'wag itong maging harmless. Ewan ba niya at may tiwala siya kay Luke.
Naunang siyang nahiga sa kama at sumunod si Luke dahil dalawa lang unan ay wala silang naging barricade na dalawa.
Kundi pumuwesto na lang sila sa bawat gilid na hindi magdikit ang kanilang katawan. Kahit may distansiya sa pagitan nila naroroon pa rin ang sumisingaw na init mula sa kanilang mga katawan.
Tila may kuryente dumadaloy sa pagitan nila. Pareho silang nakatitig sa kisame. Walang nagsasalita, parehong walang umiimik. Pumikit siya at pinilit matulog.
Nang bigla niyang naramdaman ang mga labi ni Luke sa labi niya.