Chapter 01

1682 Words
Chapter 01 Third Person POV WALANG tigil ang pagbuntong–hininga ni Agatha habang naghihintay sa reception area ng botique ng isang sikat na couturier para sa naka–schedule na fitting ng kanyang wedding gown. Dapat sana makaramdan ng kasiyahan ang puso niya dahil ikakasal na siya sa lalaking napili ng mga magulang niya. Ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, lungkot at pagkabahala lang ang nararamdaman niya. Wala kasi siyang nararamdaman para kay Vincent. Closed family friend nila ang mga magulang ni Vincent bukod roon kasosyo sa negosyo. Hindi niya lubos maisip na biglaang magkaroon ng surprise proposal sa kanya si Vincent na hindi niya natanggihan dahil sa pakiusap ng kanyang mga magulang. Ni hindi man lang tinanong ng mga ito kung gusto ba niyang pakasalan si Vincent basta binigla na lamang siya. Ang natatandaan niya lang ng gabing iyon ay nang bulungan siya ng kanyang Daddy Vaughn na h'wag tumanggi dahil daw si Vincent ang lalaking nababagay sa kanya. Natapos ang gabing iyon na wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa agos. Sa ngalan ng pagkakaibigan at negosyo kaya pinagkasundo silang ipakasal ni Vincent. Wala siyang masabi kay Vincent. Vincent is the epitome of a perfect husband. Isa sa mga pinakamagaling na Engineer sa company nila bukod roon gwapo ang binata pero hindi niya Mahal si Vincent. Lahat ng mga desisyon niya, hinayaan niyang panghimasukan ng mga magulang niya. Ultimo ang eskwelahang papasukan niya, patin ang kursong kinukuha niya. Gusto sana ni Agatha na maging Architect pero ayaw ng Daddy niya. Pati ang mga lalaking manliligaw sa kanya—lahat, kailangan aprubado ng mga magulang nito. At nagising na lamang siya isang umaga na hindi na siya ang may hawak sa buhay niya. Still, she didn't mind. Mahal na mahal ni Agatha ang mga magulang. Nakikita niya namang napapabuti siya kahit napaka manipulative ng mga ito sa personal niyang buhay. "Bakit hindi mo kasama si Mr. Salvador?" Pukaw sa pagmumuni–muni ni Agatha ng kaibigang designer. "Busy siya ngayon sa project ng kompanya, si Mommy at Tita Emily ang kasama ko, may pinuntahan lang saglit ang dalawa. Malapit na ang kasal kaya kailangan ng asikasuhin," sagot niya. Naupo si Felecity sa tabi ni Agatha. "Mukhang sila pa ang excited sa kasal. Ano naman ang isusuot ni Vincent sa kasal, eh , hindi naman siya nagpapasukat sa akin?" Anito, tila nagtatampo ang tono. Nagkibit ng mga balikat si Agatha. "Ang sabi naman ni Tita Emily, may susuotin na daw siya. Personal choice daw niya ang suit na iyon," natatawang saad niya. Kumislap ang mga mata ni Felecity. "Mas maganda paring sinama mo siya. Iba parin kapag nandito si Vincent," pangungulit nito. Benalewala lang ni Agatha ang napansin niyang pagkislap sa mga mata ni Felicity. "Mabuti nang hindi siya kasama para hindi niya makita kung gaano kaganda ang gown ko. Gusto ko siya ma–surprise sa araw ng kasal namin," kunwa'y na sabi niya. "Ang gwapo ni Vincent sayang at ikakasal na sayo," may panghihinayang sa tinig nito at kasamang may pakagat labi. Hindi na nagsalita pa si Agatha para matapos na ang pagsusukat sa wedding gown. Sa tuwing magtatanong si Felecity sa kanya ay puro paiwas ang sagot ni Agatha. Kung minsan ay talagang inililiko niya ang usapan kapag puro kay Vincent ang nagiging topic. Nahahalata niyang tila may nais ipakahulugan si Felicity. Lumabas na siya sa botique at tinungo ang nakaparada niyang sasakyan sa labas. Kinuha sa loob ng bag ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Mommy na sa bahay na lang sila magkita. Habang sakay sa kanyang kotse ay naisipan niyang tawagan si Vincent kung maari na sila ng dalawa ang pumunta sa simbahan. Mula nang mag–anunsiyo ito ng kasal nila tatlong beses lang itong sinamahan siya sa paglalakad ng kanilang kasal. Puro ang Mommy ng lalaki ang pinapasama sa kanya, laging abala sa negosyo si Vincent. Kung hindi lang dahil sa respeto sa mga magulang niya, hindi niya itutuloy ang kasal na ito. Kinuha niya ang cellphone sa bag at habang mabagal na nagmamaneho ay tinawagan niya ang mapapangasawa sa opisina niya mula sa sekretarya nito na kaka–alis lang daw ng lalaki. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan niya. Naisipan niyang puntahan ang Daddy niya at subukang makiusap na 'wag ng ituloy ang kasal kay Vincent. "Ang pagpapakasal kay Vincent ay pagsasayang lamang ng oras," usal niya sa kanyang sarili. Imbis sa company nila ang punta niya dinala siya ng kanyang sasakyan sa Condo Unit ni Vincent. Ipinarada niya ang sasakyan at matapos niyon ay nagtungo na siya sa loob ng building. Kinuha niya ang duplicate key sa loob ng kanyang bag nang maalala niyang binigyan pala siya ni Vincent ng susi. Natatawa na lang sa isip si Agatha nang maalala kung bakit siya binigyan ni Vincent ng duplicate key. May gustong mangyari ang binata na hindi pa niya kayang ibigay, siguro kapag kasal na sila. Maaring maibigay niya sa binata ang matagal na nitong inasam–asam sa kanya pero sa ngayon gusto niyang manatiling birhen hanggang sa maikasal sila. Pero nagtaka si Agatha at hindi nakakandado ang pinto ng unit ni Vincent. Biglang umahon ang kaba sa dibdib niya baka kung ano na ang nangyari sa lalaki. Pagkapasok niya'y nabigla siyang makitang nagkalat na mga damit sa sala. Nagtataka pa siya lalong makitang may mga damit ng babae, nakita pa niya pati panties at bra ay nakasabit sa kung saan–saan. Masama siyang kinutuban. Lumakad siya patungo sa silid ng binata. Ipinihit niya ang seradura ng pinto at iniawang iyon nang may marinig siyang umuungol. "Sige pa, Vincent , harder and faster. Ang sarap, sige pa. Ibaon mo, ang sarap ng mga ginagawa mo..." nasasarapang anas ng babae. Natutop ni Agatha ang kanyang bibig sa naririnig. Napako ang mga paa niya sa sahig at tila naumid ang kanyang dila sa nakita. Hindi niya inaasahan na sa ganitong tagpo niya makikita sa Vincent. Inaaming niyang hindi niya lubos na mahal si Vincent, mayroon parin siyang pinapangarap para sa kanilang dalawa. Na sana matutunan niyang mahalin ito pero malabo na mangyari iyon. Vincent was with another woman! Nakikipagtalik si Vincent sa ibang babae habang siya ay abala sa pag–aasikaso ng kanilang kasal. Sa bahagi ng isip niya'y natuwa siya sa nakita at may maidahilan na siya sa kanyang ama na tuluyang ng 'wag ituloy ang kasal. Napailing siya sa kanyang sarili na tila binubura sa isip ang mga nakita. Nang muling masulyapan ang dalawang pigurang nakahubad sa ibabaw ng kama ay naisipan niyang kunan ng mga larawan para may ebidensiya siyang nagtataksil sa kanya si Vincent. Dahan–dahan niyang kinuha ang cellphone sa bag. Subalit biglang itong tumunog. "Agatha?" Gulat na tawag ni Vincent sa kanya nang makita siya. Bumangon si Vincent sa kama para harapin siya. Halos manlaki ang mga mata ni Agatha nang mapagsino ang babaeng katalik nito. "Felecity?" Bulalas niya. Nakapagtataka lang, kasama niya lang ang babae kanina sa botique pero ganoon ito kabilis nakarating agad sa condo ni Vincent kaya pala ganoon na lamang ang pangingislap sa mga mata nito kapag napaguusapan nila ang binata. Napayuko si Felecity at hinila ang kumot upang ipangtakip sa hubad niyang katawan. Imbes na magalit ang maramdaman ni Agatha ay naiiling na lamang siyang natatawa sa tagpong nasaksihan niya. Sa pagkagulat ni Vincent sa biglaang pagsulpot ng mapapangasawa. Hindi nito alam kung ano ang uunahin subalit mas pinili niya ang maging kalmado. Kung pinagbibigyan lang siya ni Agatha ay hindi magagawa ang bagay na ito. "Agatha, Let me explain," sabi niya nang may tiwaling ngiti sa kanyang labi, at sinubukang lumapit kay Agatha. Umatras ang dalaga. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa mapapangasawa. "Walang dapat ipaliwanag, mas pabor sa akin ito para may maidahilan ako kay Daddy na 'wag ituloy ang kasal natin." Itinaas niya sa ere ang hawak na cellphone. "May ebidensiya ako na niloloko mo ako." Dagdag niyang sabi. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Vincent, hubo't–hubad itong mabilis na lumapit sa kanya. Biglang hinaklit ang braso niya at kulang na lang ibaon ni Vincent ang mga kuko niya sa braso ni Agatha. "Sa tingin mo, maniniwala sila sayo?" Sinubukan nitong agawin ang cellphone niya. Ngunit si Agatha ay hindi nagpapadala sa kanyang emosyon. "No, Vincent!" Sigaw niya, habang pilit na inilalayo ang hawak na cellphone pero ang totoo n'yan. Wala siyang nakuhang mga larawan. Naglaban ang dalawa sa pagkakaroon ng kontrol sa cellphone. Sa gitna ng kanilang pag–aagawan, tila ba nagiging malinaw sa paligid ang kasinungalingan at pagpapanggap na bumabalot sa kanilang relasyon. "Kung pinagbibigyan mo ako sa gusto ko, hindi mo ako makikitang may ibang babae," puno ng pait at poot ang tinig niya. Nanatili si Agatha na matatag sa kanyang panindigan. "Mas lalong hindi ka karapat–dapat sa nakikita ko ngayon," mariing sabi niya, masama siyang tumitig kay Felecity na ngayon ay nagawa pang ngumiti. "At ikaw naman babae ka? Nasaan, ang dignidad mo? Kaya pala kinukulit mo ako lagi about him dahil may milagro kayong ginagawa, nakakadiri ka. Wala kang kwentang kaibigan," sigaw niya sa babae ngunit tinawanan lang siya ni Felicity. Isang nakakamatay na tingin sa kanilang dalawa ang iniwan niya bago tumakbo palayo upang lumabas ng unit. She didn't know what kind of adrenalin she had at nagawa niyang tumakbo paalis sa condo unit ni Vincent. Lalong bumilis ang takbo niya nang marinig ang tinig ng humahabol na kasintahan. "Agatha, magusap tayo," tawag nito. Ngunit hindi siya nakinig. Imbes sa elevator ay pinili niyang dumaan sa hagdanan para hindi siya mahabol. Hindi alintana ang hingal dahil sa taas, mabilis siyang humakbang pababa. Isa lang ang nasa isip niya, ayaw niyang magpaabot kay Vincent at ayaw niyang makinig pa sa mga paliwanag nito. Ito na ang pagkakataong maka–ayaw siya sa kasal. "Agatha, wait!" sigaw nito. "Hayaan mo akong magpaliwanag. Believe me, ikaw ang mahal ko." Isang f**k you sign ang itinugon niya sa lalaki. At mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo, kailangan masabi niya ang totoo sa Daddy niya para wala ng dahilan na maikasal siya kay Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD