Austin’s POV
“I can’t do that, papa!” sigaw ko sa aking papa na noo’y pinipilit ang nais niyang mangyari.
“Anong gusto mong mangyari? Hayaang lumaki ang bata na walang kinikilalang ama?”
“Hindi ko anak ang batang pinagbubuntis ng sinasabi mong babae, papa. I make sure that I am using condoms, hindi ko mabubuntis ang mga babaeng ginagalaw ko!”
“How sure you are? Austin?”
“I am sure, papa!”
“Don’t fool me about that words, hijo. I’ve been there, kung gan’on pala…hindi ko rin sana nabuo ang mga kapatid mo? Hindi sana mabubuo sina Aquil at Raine. Huh? Sumagot ka! Ginawa mo ‘yon kasi gusto mo rin!” sambit ni papa sa akin.
Natahimik ako sa sinabi niya. Iba kasi ang ina nina Aquil at Raine. Anak niya ako sa unang asawa niya. Ang narinig ko mula sa mga yaya ko dati, nabuntis lang umano ni papa ang mama ko kaya nito pinakasalan, kaya noong mamatay din ito nang ipanganak ako ay minabuti niyang magkaroon ulit ng ikalawang asawa, iyon ang inay nina Aquil at Raine. Narinig ko nga noon, ang totoong mahal ni papa ay ang inay nina Aquil at Raine, pero dahil hindi nga sila pareho ng estado noon, ang mama ko ang pina-asawa ng mga lolo’t lola ko kay papa. Sa madaling salita, isa lang akong anak niya, wala sa plano na anak niya…
“Oh, ba’t tumahimik ka?” sabi pa nito. Hindi pa siya natatapos sa oras na iyon.
“I will go now, papa. Aalis muna ako!” sabi ko saka mabilis na tinulikuran siya.
“Hindi pa tayo tapos, Austin!”
“Saka na tayo mag-usap papa, kung kalmado ka na…” wala na akong pinalampas na oras at umalis na sa kompanya. Bumaba ako sa parking lot at agad na sumakay sa kotse. Gusto kong pumunta muna sa hang-out place namin nina Magnus, Peruvian, Vittos at Aries. Doon muna ako maglalagi, ayoko munang umuwi sa Hacienda Monticillo.
Malayo ang tingin ko sa daan sa mga oras na iyon habang binabagtas ang tahimik, payapa at mala-probinsyang daan papunta doon, tanging palayan at punong-kahoy lang ang nakikita ko. Sakto rin at malapit nang mag-alas-kwatro, doon na rin ako maghahapunan sa hang-out-place.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng daan ay nabigla ako nang makita ang babaeng naglalakad sa gilid ng daan.
‘White lady yata ‘to?’ sambit ng utak ko. Nakalugay kasi ang mahaba nitong buhok habang may suot itong puti na blouse at puting kulay na jeans. Wala ito sa huwisyo habang naglalakad.
‘Naka-drugs ‘ata ‘to?’ sabi ko pa sa sarili dahil para itong zombie kung maglakad.
Dinahan-dahan ko ang takbo ng kotse saka nilampasan ito nang bahagya.
Pero nang makita ko ang repleksyon ng mukha nito sa salamin ay napahinto ako.
“Tangena, si Georgina ‘yon ah?” at hindi nga ako nagkamali dahil agad itong tumakbo papunta sa may driver’s side ng kotse at pinaulanan ako ng pagpag sa bintana. Naka-angat kasi ang bintana kaya siguradong hindi niya ako nakikita sa loob.
“Sir, Sir, please help, can I ride your car?” pag-e-english pa nito.
‘Sosyal na mag-hits-ng-kotse? Pambihira!’ natawa ako kay Georgina. Kaya naisipan kong hindi siya pagbuksan. Dinahan-dahan kong umpisahan ang pagpapatakbo ng kotse kaya nakita kong nataranta ito.
“Sir!”
“Sir! Please wait!”
“Help!” Iyon ang sunod-sunod na sambit nito habang kinakalampag ang bintana ko.
Pero dahil nga sa sama ng loob ko kanina, naisip kong magpatuloy. Bahala siya kung wala siyang masakyan. Nga pala, bakit wala ang kotse niya? May amats yata ang utak ng babaeng ‘to, binalak bang sumugod sa kompanya namin nang naglalakad? Pambihira.
Nang bumilis ang takbo ko ay unti-unti ko nang iniwan ang nasabing babae. Nahinto na rin ito sa pagtakbo at pagsunod. Napangisi ako habang tanaw ang paghangos niya sa bandang iyon.
“Buti nga sa’yo,” mahinang sambit ko rito. Pero hindi ko inaasahan ang nasaksihan. Nakita ko kasing nahimatay ito sa sahig.
Nagdalawang-isip akong bumalik, pero dahil may konsensya ako, at alam kong kaibigan ‘yon ni Romary ay wala akong choice kung ‘di balikan siya.
‘Kainis!’ iyon ang sambit ko saka mabilis na tinulungan si Georgina.
Binuhat ko siya saka pinapasok sa back seat. Kung minamalas naman oh, imbes gusto kong mapag-isa ngayon, mayroon pang sumabit na stranger.
Stranger na may disaster!
Panay singhap ako that time dahil naiinis ako sa mukha niya. Payapa itong natutulog habang nakasandal sa back-seat. Nakita kong medyo basa ang damit niya, at pawisan din ang braso. Medyo may mantsa din ang suot niyang pants, at tila nawawala rin ang sandals niya. Napansin kong wala na ang kagamitan nito. Hindi rin ako sigurado na may dala itong sasakyan kanina. Naisip ko tuloy na may nangyaring hindi maganda rito kaya ganito ang hitsura ng babaeng ito.
I just continue driving, patungo na ako sa hang-out place ng barkada. Wala akong choice kung ‘di isabay na lang doon si Georgina. Doon ko na lang ito bibigyang ng masusuot, since hindi pa ito nagkakamaalay. Hindi ko rin kasi alam ang address nito.
Mayamaya, nakarating na ako doon at agad na nag-park. I straight ahead to assist Georgina, as we go inside the building. May kwarto ako doon, kaya naisip kong doon na lang siya pahigain at nang makapaghinga na rin ito nang mabuti.
Naghanap ako ng mga damit pambabae doon. Buti na lang at may nakita akong mga damit, hindi ko alam kung kay Vanna ba ‘yon o sa mga babaeng kaulayaw ni Peruvian.
Nang mailagay si Georgina ay agad ko siyang pinunasan. Inangat ko ang damit niya para sana ilagay ang tuyong blouse, pero hindi ko inaasahan na bigla itong magkamalay.
“Hayop ka!” sigaw nito sa akin saka pinagsasampal ang mukha ko. Umiwas ako at sumalag sa mga sampal niya.
“Teka. Teka nga!”
“Hayop! Ni-rape mo ako!”
“Hoy?! Anong pinagsasabi mo?!”
“Ginahasa mo ako!” sigaw ulit niya. Nanlaki ang mata ko. ‘Anong pinagsasabi nito?’
“You raped me!” ulit pa niya. Dahil nga sa init ng ulo ko ay hindi ko napigilang kumubabaw sa kaniya at takpan ang bibig niya.
Nahinto ito sa pagtalak.
“Kapag sinabi kong tumahimik ka, tumahimik ka…” sa mahina kong boses. Gadangkal na lang ang distansya namin sa isa’t isa. Nakatingin ako sa mga mata niya, gayundin siya na walang magawa dahil sa bigat ko.
“Hindi kita ginahasa, hindi kita ni-rape, nakita kita sa daan at nahimatay ka, kaya dinala kita rito sa hang-out place ko. I was trying to undress you, dahil basang-basa ang damit mo, baka mapulmunya ka. May mga tuyong damit ako. Kaya…h’wag kang mag-assume na gagalawin kita, wala sa taste ko ang gaya mo. Lalo na ang sinasabi mong pinsan. I always make sure to be safe. Tandaan mo ‘yan.”
Nang dumistansya na ako ay hindi na ito nag-ingay. Nanatili lang itong nakatitig sa akin.
Naghihintay kung may sasabihin pa ako.
“Nga pala, sino ba ‘yang Sugar na sinasabi mo? Hindi ko na kasi maalala ang mga babaeng naikama ko…” diretsong sambit ko rito.
“Sugar Abujuela, nakasama mo raw siya sa isang outreach program sa Marikina…” sambit nito. Muli kong inalala ang sinasabi nitong detalye. Wala akong matandaan na ako ang pumunta doon, dahil hindi naman ako pumunta sa outreach. May pinakiusapan lang ako na mag-proxy sa akin doon. Kaya imposibleng ako ang nakabuntis sa sinasabi nitong pinsan.
I shake my head. “Hindi ako nakapunta sa Outreach, nagpunta ako sa Paris that time, may pinapunta lang ako doon.” Pagkaklaro ko pa rito.
Gaya ko, nakita ko siyang napaisip at tila hindi makapaniwala sa narinig.
“Pero ang sabi kasi sa akin ni Sugar, ikaw ang…”
“It’s a misunderstanding. Just tell her, if ako ang nakabuntis sa kaniya, she can check my passport logs, doon n’yo makikitang nasa Paris ako noong Outreach sa Marikina. And if the two of you wants to file a case. Well, I’ll make sure that you’ll lose.” Sabi ko rito sa seryosong boses.