Chapter 3

1358 Words
Georgina Czsharina’s POV Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa bwesit na lalaking ‘to! Naiinis ako sa pagiging mayabang niya. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Sugar, tapos ngayon, gagawin pa akong tanga. Anong akala niya? Buti na lang at nakapwesto ako sa gilid, kung ‘di sana hindi ko malalaman na tataguan niya lang ako. Animal siya! “Hey! What’s wrong with you!?” gulat na sambit nito habang hawak ang namumulang mukha. Dinuro ko siya. “Hoy ikaw, kapag hindi ka aamin sa kasalanan mo sa pinsan ko, idedemanda kita! Idedemanda kita!” ulit ko pa. Nakita kong umayos siya at pinanlakihan niya ako ng mata, “how dare you to say that to me? Baka nakakalimutan mo, you’re stepping inside my company, my building, at pwede kitang ipakaladkad ngayon, ‘kaw na babae ka!” he stare me from my sight to my pair of sandals. Aba! Ibang klase talaga ‘to! “If you want to settle this, magkita na lang tayo sa husgado!” sigaw ko rito saka gigil na tiningnan siya sa mukha. Nagmartsa ako palabas sa may hallway nang biglang may mabangga ako na ginoo. “Aray!” “Oh, I’m sorry…” paumanhin ng ginoo sa akin, nang mag-angat ako ng mukha ay nagulat ako nang makita ko si ninong Aurelio. “Sharina? Ikaw ba ‘yan?” “Ninong?” Agad niya akong inalalayan. “What brought you here? Bakit humahangos ka?” “Uhm, may pinuntahan lang po ako,” sabi ko rito. Nakabuntot sa akin ang sekretarya ni Austin na tila gustong pagtakpan ang ginawa ni Austin. “Ah, hello sir, uhm, may kuwan po kasi…” sabat ng babaeng nagngangalang Annie. “Anong nangyayari, Annie? May alam ka ba?” tanong ni ninong sa babae. “Ah, kasi po…Mr. President, si Austin…” “Ninong, nabuntis po ni Austin ang pinsan ko!” diretsong sambit ko rito. Nagulat ito at hindi makapaniwala sa narinig. If I am right, ito ang panganay na anak niya. At may malaking tiwala ito sa anak. Little he didn’t know, may mabahong ugali ang anak niya. “Are you sure hija?” “I am really sure, ninong.” Sabi ko pa rito. Doo’y sumulpot na lang bigla si Austin saka mabilis na pumagitna sa amin. He even grabbed my hand and pull me away to his father. “Come here, you woman!” “Austin! Stop it!” dagundong na boses ng kaniyang ama kaya natigilan din ito sa ginagawa. Wala siyang nagawa kung ‘di humarap dito at bitawan ako. “Ano ang ginagawa mo, Austin?” dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Dinuro nito ang ulo ni Austin at galit na nagsalita. “I can’t believe you did these…you are so irresponsible!” diin nito saka galit na tinitigan si Austin. “Papa, hindi ko…” “Shut up! Nakakahiya ka sa pamilyang Abejuela! Dapat ay panagutan mo ang pinsan ni Sharina!” “Pero, hindi ko po…” “Tumahimik ka!” ulit pa ng matanda saka hinarap ako. “Hija, sabihan mo ang pinsan mo na mamanhikan kami sa kanila sa lalong madaling panahon. Ako na ang bahala sa anak ko.” “Pero, Papa…hindi ko siya mahal, hindi ko mahal kung sinumang pinsan ang sinasabi ng babaeng ‘yan!” “It’s final, Austin. Wala sa pamilya natin ang nang-didisgrasya ng babae, be a man!” sabi pa ng papa ni Austin na noo’y hindi pa rin humuhupa ang galit. Hinila ako papalayo ni ninong mula sa anak niya saka hinatid sa aking kotse na nandoon sa parking lot. “I will fix this, hija. Huwag kayong mag-alala.” Sabi ni ninong na noo’y nagpaalam at bumalik na. Doo’y napagdesisyonan ko ring puntahan si dad sa kompanya namin. Gusto ko ring malaman niyang wala na si mom sa bahay. Medyo humupa rin ang pag-aalala ko sa oras na iyon para kay Sugar. Nasa daanan ko habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Hindi ko sinasadyang mabangga ang isang ginang. “Oh my god!” natutop ko ang sariling bibig. Malakas kasi ang pagkakabangga ko, dahilan para tumalsik ang ginang sa semento. Mabilis na nagkumpolan ang mga tao at pinalabas ako sa kotse. Dahan-dahan akong lumabas at doo’y nakita ang kalagayan ng ginang, nawalan ito ng malay. “Dalhin mo sa hospital!” “Bilisan mo!” “Gumawa ka ng paraan!” iyon ang mga naririnig ko sa mga taong nakasaksi sa nangyari. “Ah, tulongan n’yo po ako! Please, buhatin n’yo po s’ya, dadalhin ko po s’ya sa hospital…” sabi ko sa mga kalalakihang nandoon. Mabilis naman nilang binuhat ang ginang at pinasok sa likuran ng kotse, sa backseat. Pinahiga nila ito at siniguradong okey ang ulo nito. Agad akong nagpatakbo ng kotse at dumiretso sa hospital, kung hindi naman talaga ako lapitin ng disgrasya at kamalasan ay hindi ko ito mararanasan lahat sa iisang araw! Napahawak ako sa sariling ulo, sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. “Oh my god!” Sambit ko. Pero hindi pa ako nakakarating sa hospital ay may nagsalita sa likuran ko, at may matalim itong bagay na idiniin sa leeg ko. “Huminto ka, hold-up ‘to! Akin na ang mga pera mo, akin na ang mga alahas mo! Cellphone mo! Dali! Pati susi! Huwag na huwag kang sisigaw kung ‘di itatarak ko 'to sa leeg mo!” gulat akong huminto sa ginagawa, inapakan ko rin ang brake at pumarada sa gilid ng daan. Saktong walang mga bahay doon at walang mga tao. Wala akong mahingan ng tulong! “Please h’wag mo akong saktan, I will give you all you want…” sabi ko habang hinuhubad ang kwintas, relo, bracelet, singsing, at ang mobile phone ko. Pati ang luxury bag ko ay hindi rin pinalagpas ng bwesit na magnanakaw. Ang panghuli ay ang susi ng kotse ko. Nang masiguradong nasa kaniya na ang lahat ay inutusan niya akong bumaba. “Baba ka! Dali.” Sabi pa niya saka sumuot sa harapan at noo’y kinuha ang pwesto ko sa driving seat. Nang makababa ako sa labas ay nangingig ang buong sistema ko. Nang mapatakbo na nito ang kotse ay wala akong nagawa kung ‘di sumigaw ng saklolo. “Ahhh! Saklolo! Kinuha ang sasakyan ko!” umiiyak na sambit ko na noo’y napaluhod sa malamig na semento. Wala akong dala sa oras na iyon. Ni singkong kusing ay wala ako. Hindi ko alam kung paano ako makauwi at makapunta sa address ng company namin dahil wala namang dumadaan doon na kotse o anumang bihekulo. “s**t talaga! Nakakainis!” padyak ko pa dahil sa inis. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon ngayon, at bakit bumuhos ang lahat ng kamalasan sa akin. Simula kanina sa paglayas ni mommy, nang malaman kong buntis si Sugar, sa pagtataboy sa akin ng bwesit na Austin, at ang pag-trap sa akin ng bwesit na manggagantsong babae na ‘yon! Nagpa-as-if pa itong nabangga ko para lang ma-carnapped ang kotse ko, hindi pa nakontento at nilimas pa ang mga gamit ko! Oh! my f*****g Christ! “Ba’t naman kasi…eh! Nakakainis!” sambit ko habang nagsisimulang maglakad sa mahabang highway na nandoon. Buti na lang at hindi mainit, pero nag-aalala ako dahil baka umulan, nakita ko kasi ang kalangitan na medyo madilim na. “Naman oh! Quota na ako lord! H’wag mo nang ituloy ‘yan!” duro ko sa kalangitan. Para akong sira sa oras na iyon. Pero ewan ko lang ba’t kumulog bigla. “Naman, hindi ka naman mabiro! Lord naman e!” naiiyak na sambit ko, na noo’y binilisan ang paglalakad, naghahanap ako ng masisilungan in case bubuhos na ang ulan, dahil nafe-feel ko nang unti-unti nang pumapatak ang butil ng tubig mula sa itaas. Hanggang sa nakita ko ang isang waiting shed. Hindi ako tuluyang nabasa pero dahil na rin sa pinagsamang pawis, at ambon ay nabasa rin ang aking blouse. Naupo ako sa isang bench na nandoon at tiningnan ang mahabang kalye. Wala talagang bahay ang nandoon. Maraming palayan ang nandoon at mga iilang puno. Oh my God! Hindi ko na alam ang susunod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD