bc

Austin: Wanted Not So Perfect Husband

book_age18+
438
FOLLOW
1.4K
READ
HE
opposites attract
powerful
mafia
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Austin Monticillo had all the luxury in life. Money, fame, power, perfect family and of course, women he constantly changes depending on his moods. He is a total womanizer. Alam niya iyon, matapos makapag-graduate ay agad niyang pinamahalaan ang kanilang kompanya.  But, out of nowhere, ay may isang Georgina Czsharina Abejuela ang maghahabol sa kaniya dahil naanakan daw niya ang pinsan nito. He f*****g don't know about it, hindi niya kilala ang sinasabi nitong pinsan, at mas lalong wala sa taste niya ang babae.  Dahil sa isang kasunduan, ay inalok ni Austin ang babaeng si Georgina ng pera para matahimik ito, pero hindi 'yun tinanggap nito, she refuses the money.  "Trabaho! Iyon ang kailangan ko!" that word makes his heart rolled out of beat.  Dahil ang totoo, nagustuhan niya ang pagiging arisgada, bulyawera at pagiging matapang nito. He even admires her dahil tumayo itong ina sa batang inabandona ng pinsan niya. Naging single-parent ito sa bata, he didn't saw it coming na magkakaroon pala siya ng bagong figure, at 'yun ay ang maging ama sa batang napamahal na rin sa kaniya. Magiging perfect pa rin kaya ang pagiging daddy figure niya kung may isang epal na darating para balikan si Georgina Czsharina?  Sino ito?  Ito ang businessman model boyfriend nito na muntikan nang maging fiancé ni Czsharina, si Garret. Mayaman din ito, mas gwapo sa kaniya at hindi hamak na may kinabukasan si Czsharina rito.  What would he do to claim her as his? May magagawa ba ang gaya niyang Austin Monticillo lang?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Georgina Czsharina's POV "Mommy, tama na po, please! Huwag ka pong umalis. Mom, makinig ka sa akin, please!" awat ko kay mommy na noo'y nag-iimpake sa kaniyang mga luxury dress. "I hate this life, Georgina! Gusto ko nang umalis sa impyernong ito. Ayoko na!" "Mom, please. Huwag mo kaming iwan ni dad, please mom." Niyakap ko ang likuran niya. Pero nanatili siyang matigas at tuloy-tuloy lang sa pag-iimpake ng iba pa niyang gamit. Umiiyak ako sa oras na iyon dahil ayaw kong maghiwalay sina mommy at daddy. Ako nga lang ang anak nila pero hindi sila magkasundo na dalawa. Lumaki ako sa marangya at enggrandeng pamilya. Mayaman kami, mayaman si dad, may kompanya kami ng iba't ibang consulting services at industrial material companies. May negosyo rin si mommy sa fashion industry at pareho silang abala sa pagpapalago ng mga iyon. Pero sa edad kong twenty-one years old, hindi ko sila mahagilap para mabuo kahit isang beses man lang. Hindi ko alam kung nabuo ba talaga ako dahil sa pagmamahal o hindi. At ngayon nga'y mas lumala na ang lahat. Daddy wants to file annulment to mom, ganito rin ito, dahil, sabi ni mom sa akin last time, malapit na raw maubos ang kompanyang naipundar ni daddy. Nilulustay nito ang mga pera sa casino. Aminado ako na sugarol si dad, mahilig itong maglagi sa casino at madalas iyon din ang malaking rason sa pag-aaway nila mommy. I can't control them anymore. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin. Muli akong umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam sa mascara ko na nanlalagkit sa aking pisngi. Tanaw ko ang pag-alis ni mommy sa pintuan ng mansyon namin. Ni hindi ito lumingon sa akin. Ang sabi lang niya'y, matatag akong babae, kakayanin ko raw lahat, naniniwala siyang maiintidihan ko raw ang mga desisyon nila. But to my inner heart, I don't know how to start to understand them. Hindi ko alam ang gagawin sa oras na iyon. I am now alone in this mansion. Wala si dad, wala na rin si mommy, at alam kong sa susunod na linggo, o sa susunod na buwan, ang mga kompanya na rin ang mawawala sa akin. I don't even know how to put things all together, I don't have any business ethics or proper training for our company. Wala akong alam. Umiyak ulit ako saka nanghihinang tumayo. I pick up my phone and call Sugar, my only cousin who listen to my chained melo-drama life. "Yes, Georgy?" Bungad nito sa kabilang linya. "Sugar, umalis na si mommy. Iniwan na niya kami ni dad." Sabi ko habang nagpupunas ng luha. Hindi ito kumibo sa kabilang linya. "Sugar? Still there?" Tumikhim ito saka nagsalita. "I'm sorry to hear that, cous, pero kasi...mayroon din akong sasabihin sa'yo." Natigilan ako saka nakinig. Hindi ganoon ang tono ng boses ni Sugar kapag sa mga ganitong oras, madalas ito ang mas bubly sa aming dalawa, but I feel strange this time. I guess may problema ito. "Cous, I have a problem." Sabi nito. Hindi nga ako nagkamali. Nahulaan ko agad ang tono niya. "Ano 'yon, cous?" "Cous, I'm pregnant." "What?" Bulalas ko habang takip ang sariling bibig. Sa lahat ng mga pag-uusap namin na dalawa, ngayon lang ako nabigla nang ganito. Wala sa pagkatao ni Sugar na mabuntis dahil dinaig pa nito ang pagiging Maria Clara sa pagiging pino nito at mayuming dilag. Mas nakikita ko pa nga sa sarili ko na ako ang magiging disgrasyada sa amin dahil ako ang mas warshock sa aming dalawa. "My god, paano na 'yan? Hindi ba next year, ga-graduate ka na?" Sabi ko pa. "Oo nga e, hindi ko alam ang gagawin, cous. Natatakot ako na malaman nila mommy, baka palayasin nila ako. Inaasahan nilang ako ang magha-handle ng company sa Germany." Mahabang paliwanag nito. "Paano 'yan?" problemadong tanong ko. "Uhm, cous, paano kaya kung ipalaglag ko na lang?" "Hoy! Huwag mong gawin 'yan! Ano ka ba!" "Ano ang gagawin ko?" "Uhm, pwede ka rito sa bahay. Dito ka muna habang nagbubuntis ka. Dad won't know your situation, palagi 'yong wala." "Sigurado ka ba?" "Oo, pero teka nga lang...sino ba ang ama n'yan?" Hindi muna ito sumagot. Halatang nag-iisip kung sasabihin ba niya o hindi. "Eh kasi..." "Ano? Sabihin mo na..." "Si...Austin." "Sinong Austin?" "Si Austin Monticillo, 'yong ex ni Romary." Napahinto ako saka gulat na tumayo. "What? Si Austin? Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I mean, hindi ako makapaniwala na pinatulan siya ng babaerong si Austin na 'yon! Oo kilala ko si Austin, kilala rin ito noon sa campus, and, kaibigan ko rin si Romary na mismong naging Ex-girlfriend nito. "I can't believe it, my goodness!" Bulalas ko pa saka muling nagtanong sa kabilang linya. "Saan ba kayo nagkita? And, bakit kayo nagkita?" Medyo nalilitong tanong ko rito. "Sa outreach kasi 'yon, doon sa Marikina." "What? Outreach? Active ba siya sa church? Hindi ko yata alam..." ngumuso ako saka nag-crossed arms habang hawak pa rin ang phone. If I know, Austin is a jerk. Pati ba naman sa simbahan, hindi pa rin niya mapigilan na maging womanizer, at biniktima pa talaga ang pinsan ko! "Don't worry, ako ang bahala sa'yo," sambit ko sa pinsan ko that time. I know kung saan matatagpuan ang bwesit na lalaking 'yon. Pupuntahan ko 'to, para malaman niya ang ginawa niya. Makakatikim talaga s'ya sa akin, sa lahat ng ayaw ko, inaagrabyado ang mga mahal ko sa buhay, at isa na roon ang nag-iisa kong pinsan. "Hey, Georgy, anong binabalak mo?" "Nothing, kailangan ko lang siyang turuan ng leksyon!" "Huy, ano ba! Teka lang!" hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Sugar dahil pinatay ko na ang phone ko. Naghanda ako sa oras na iyon para puntahan si Austin sa kompanya nito. Alam ko ang address ng kompanya nito. I won't take such problem to occur again in my family, quota na ako sa lahat ng problema, kaya gusto kong maitama ang lahat. Nagmamadali akong lumabas sa mansyon. Nabungaran ko ang dalawa naming kasambahay na sina nanay Nena at anak nitong 'sing edad ko lang, si Lorna. "Senyorita, saan ka po pupunta?" Nag-aalalang tanong ng mga ito. "Don't worry, manang, hindi ako lalayas gaya ni mommy, may pupuntahan lang po ako saglit." "Ah, sige po senyorita. Mag-iingat po kayo." Si Lorna ang sumagot. "Kayo muna ang bahala sa bahay. Saglit lang ako. Kung darating si dad, sabihin n'yong wala na si mom. He can do whatever he wants now..." Sabi ko sa kanila. Actually, hindi naman talaga ako close kay dad. Mas close ako kay mommy, pero madalas itong wala sa mansyon, sina nanay Nena na ang naging nanay-nanayan ko buong buhay ko. Pinaharurot ko ang kotse saka dumiretso sa address ni Austin. Wala na sa isip ko ang mangyayari that time, ang gusto ko lang ngayon, ang masapak ang bwesit na lalaking 'yon!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.7K
bc

His Obsession

read
79.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook