Nagmamadali sa paghakbang si Kierra palabas sa restaurant na pinagtratrabahuhan niya bilang waitress. Tatlong taon na siyang nagtratrabaho dito, ngunit ngayon ay ang huling araw niya sa trabaho. Mabigat man sa loob niya ay kasama ito sa napagkasunduan ng kanyang pamilya, dahil pagkatapos ng kasal ay kailangan niyang tumira kasama si Damien! Alas kwatro na ng hapon at alas sais ang sinabi ng kanyang ama na kasal niya kay Damien. Bitbit ang malaking paper bag na ibinigay ng kanyang kapatid na si Celine para gamitin niya ngayong araw ay nagmamadali siyang humakbang para lumapit sa pinara niyang tricycle. Ngunit bago pa man siya makapalit dito ay may itim na kotse na biglang tumigil sa kanyang harapan. Kasabay ng pagbaba ng dalawang lalaki nakasuot ng itim na suit. Agad siyang hinawakan sa braso ng mga ito at sapilitang ipasok sa loob ng sasakyan.
"T-teka! Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Kierra, ngunit nanatili lang tahimik ang dalawang lalaki at mabilis ang kilos nila na sumakay din sa kotse. Ni wala man lang naglakas loob na tumulong sa kanya kahit maraming tao na naroon sa labas at nakakita sa sapilitang pagtangay sa kanya ng dalawang lalaki.
Hindi na rin niya nagawa pang makalabas dahil agad rin na inilock ng driver ang pinto ng kotse. Napuno ng takot ang dibdib ni Kierra, ano ng mangyayari sa kanya kapag hindi siya nakarating sa kasal nila ni Damien! Paano na ang kanyang inay? Mga alalahanin na bumabagabag sa kanyang isip.
"Saan nyo ako dadalhin?" Sigaw ni Kierra, ngunit nagmistulang bingi ang mga ito, ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Maya maya ay tumunog ang cellphone ng isa na nagmamadali naman nitong sinagot.
"Yes boss! Were on our way!" Seryosong sagot ng lalaki na isa sa mga tumangay sa kanya.
"Sa mansyon na daw natin siya dalhin!" Baling nito sa kasama na siyang nagdridrive ng sasakyan. Marahan naman itong tumango habang patuloy sa pagdrive.
Kinakabahan man ay pilit pa ring pinanatili ni kierra ang pagiging kalmado. Kailangan niyang makaisip paraan para makapunta sa kasal niya!
"Please, pakawalan nyo na po ako… kasal ko ngayon at kailangan matuloy ang kasal namin!" Pakiusap ni kierra. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki, ngunit walang salita ng lumabas sa kanilang bibig nila.
Impit na napaiyak na lamang si kierra dahil sa pag aalala sa kalagayan ng ina! Kung hindi siya makakasal ngayon kay Damien ay siguradong manganganib ang buhay ng nanay niya. Ngunit natigilan ang dalaga ng pumasok ang sinasakyan nila sa malaking gate. Awang ang mga labi niya habang nakatanaw sa malapalasyong bahay na unti unting bumubungad sa kanyang harapan.
Nang huminto ang sinasakyan nila ay mabilis na bumaba ang dalawang lalaki at binuksan ang pintuan kung saan siya nakaupo.
Napipilitan namang bumaba si kierra sa sasakyan, ngunit ang balak sana niya na pagtakbo palayo ay natigil ng makita ang ibang kasama nito na nakakalat sa buong paligid habang may hilang mga malalaking aso! Bigla siyang natakot at nagalala para sa kanyang sarili dahil mukhang hindi siya mabubuhay kapag pinilit niyang makatakas sa lugar na kinalalagyan niya ngayon.
"Ano bang kailangan nyo sa akin! Pera? Wala akong pera! Mukha ba akong may pera para kidnapin nyo ha!" Singhal ni kierra sa dalawa.
"Ano ba! Pakawalan nyo na ako! Wala kayong mapapala sa akin!" Patuloy ng dalawa, ngunit hindi siya pinansin ng mga ito. Bagkus ay hinila siya sa braso at pinlit pinapapasok sa loob ng bahay. Nagpumiglas siya kaya inis siyang binalingan ng isa.
"Bilin ng boss namin na kapag naging matigas ang ulo mo ay hahayaan ka naming lapain ng mga alaga niyang aso! Sige ka ilang araw pa naman niya yan hindi pinakain!" Seryosong baling sa kanya ng lalaki. Sa narinig ay parang nagtayuan ang mga balahibo ni Kierra sa takot. Kaya bigla siyang natahimik at nawala ang pagmamatigas niya. Napilitan siyang sumunod sa mga lalaki papasok sa loob ng malaking mansyon.
May takot man sa puso niya ay hindi pa rin niya mapigilang humanga sa gandang pagkakayari at pagkakaayos ng bahay. Makikita sa mga kagamitan at palamuti nito na hindi basta bastang tao ang nakatira dito.
Ngunit sino ba ang boss ng mga ito? At anong kailangan sa kanya? Tanong niya sa isip habang marahang naglalakad kasunod sa dalawang lalaki na tumangay sa kanya.
Wala ng nagawa si kierra ng ipasok siya ng mga ito sa isang kwarto at agad inilock. Pakapa siyang naglakad dahil madilim ang buong silid at wala siyang maaninag ni katiting na liwanag. Ngunit halos mapatili siya sa gulat ng may marinig na boses.
"Open the light Sahara!" Utos ng isang tinig na animoy boses robot. Agad namang lumiwanag ang paligid at tumabad sa kanya ang malawak na silid na animoy kwarto ng isang prinsesa. Ngayon pa lang nakapasok si Kierra sa ganitong kwarto kaya talagang bakas sa mukha niya ang pagkamangha. Sa malaprinsesang kama ay nakita niya ang isang napakagandang puting gown na animoy pangkasal.
Bahagya pa siyang napatalon sa gulat ng muling magsalita ang malarobot na boses na hindi matukoy ng dalaga kung saan nagmumula.
"Put that damn dress on woman and fix yourself! You just have fifteen minutes or else you will get punished!" Ngunit ng hindi parin siya kumikilos ay biglang umalinagwngaw ang nakakabinging tunog na animoy serena ng ambulansya. Napatakip na lamang si Kierra sa kanyang magkabilang tenga! Dahil kulob ang buong silid ay parang binibiak ang kanyang ulo sa sakit dahil sa lakas ng tunog nito.
"Okay! Okay! Tama na please…" sigaw ng dalaga habang dinadampot ang nakalatag na gown sa kama.
Napipilitan niyang hinubad ang mga suot niyang blouse at jeans, habang iginagala ang paningin sa paligid, ngunit wala siyang makitang camera sa bawat sulok ng silid. Mabilis niyang inayos ang sarili gamit ang mga make up na nakalatag sa vanity table. Marunong naman siyang mag ayos ng sarili dahil sa klase ng trabaho niya ay kailangan niya laging humarap na maganda at presentable sa mga customer. Kumpleto ang mga gamit na naroon mula sa make up at mga pang ayos ng buhok, na puro branded pa at hindi basta basta ang mga presyo! Napapabuntong hininga na lamang si Kierra habang inaayosan ang mukha. Pakiramdam niya kasi ay sobra sobra naman itong nangyayari sa kanya! Idagdag pa ang tatlong set ng alahas na nakalatag din sa gitna ng kama. Alam ni Kierra na hindi biro ang halaga ng mga alahas na ito. Kaya lalo siyang naguluhan kung ano ba itong nangyayari sa kanya. Ngunit ng mapagmasdan niya ang sarili ay bigla ring may pumasok na ideya sa isip niya. Now shes standing infront of a mirror wearin the most gorgeous wedding gown! Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na makakapagsuot siya ng ganito!
Hindi kaya si Damien Harisson din ang may pakana nito? Tanong niya sa isip. Ngunit bakit hindi na lang niya sabihin ng maayos at dinaan pa sa ganito! Sa isip ni Kierra. Natigil ang pag iisip ni Kierra ng marinig ang sunod sunod na katok sa pinto kasabay ng pagbukas nito. Nakita niyang muli ang dalawang lalaking tumangay sa kanya kanina.
"Magsisimula na ang kasal in ten minutes! Kailangan nyo na pong magmadali!" Sabi ng isa, bagamat may bumabagabag pa rin sa isip ni Kierra ay nakahinga na siya ng maluwag ng makumpirma na si Damien nga ang may pakana nito. Dahil wala naman siyang ibang lalaking nakatakdang pakakasalan kundi ito lamang. Hindi na siya tumutol pa at kusang loob nang sumama ang dalaga sa dalawang lalaki.
Para ito sa nanay mo kierra! Sigaw ng isip niya habang binabagtas ang hallway na patungo sa garden. Kung saan daw gaganapin ang kasal. Madilim na ang paligid ngunit dahil sa mga palamuting ilaw ay nagliwanag ang buong bulwagan.
Puno ng pagkamangha ang mukha ni Kierra habang nakatingin sa paligid! Kahit hindi pa niya nakikita ang kabuuan dahil kasalukuyan siyang nakatayo sa parang tent at nag aantay ng hudyat kung kelan siya maaring lumabas.
She might say that, this is her dream wedding! Ayos na sana kung ang lalaking pakakasalan niya ay ang lalaki ring pinapangarap niya! Although wala pa naman siyang pinapangarap na lalaki dahil hindi pa niya naranasan ang magmahal o humanga man lang sa isang lalaki! Kaya madalas siyang lokohin ng bestfriend niyang si Tanya na baka tibo daw siya!
Natatawa na lang na napapailing si Kierra ng maalala ang kanyang kaibigan! Well hindi naman talaga siya tibo, marahil ay hindi pa niya talaga nakikilala ang lalaking para sa kanya! At ngayon ay malabo na talaga mangyari yun! Dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki! Sa lalaking ni hindi niya kilala at hindi pa nakikita!
Kasabay ng pagtugtog ng musika na pangkasal ay ang paglakad ng mga sponsor sa kasal. Ngunit ng si Kierra na ang maglalakad ay biglang may bumalot na usok sa lalabasan nito. Kaya nagmistulan siyang isang engkantada na lumabas sa kagubatan dahil sa pagkakaayos ng venue.
Lahat ng mga mata ng naroon ay sa kanya natingin, idagdag pa ang mga camera na nagkikislapan sa bawat sulok. Daig pa niya ang kinakasal na celebrity! Nagulat pa si Kierra ng salubungin siya ng kanyang ama at ibigay sa kanya ang isang bugkos ng puting rosas. May parte sa puso ni Kierra ang nakaramdam ng kasiyahan dahil kahit paano ay hindi na siya kinakahiya ng kanyang ama at ngayon ay parang ipinakilala na rin siyang anak nito. Bagay na ipinagkait sa kanya ng maraming taon!
Nang igala niya angnpaningin sa paligid ay wala man lamang siyang kilala sa mga bisita na halatang mga kilala at may sinabi sa buhay! Napako ang tingin ni Kierra sa lalaking nakaupo sa wheelchair. Bagamat hindi niya nakikita ang mukha nito dahil natatakpan ng itim na maskara ay bakas naman sa katawan at pananamit ng lalaki ang estado nito sa buhay.
Habang papalapit at maikli ng paikli ang kanilang distansya ay lalong bumibilis ang t***k ng puso ni Kierra! Hindi niya matukoy kung natatakot ba siya o nag eexcite sa isiping kaharap na niya ngayon ang lalaking makakasama niya habang buhay.
Nang abutin nito ang kamay ni Kierra ay parang napaso ang dalaga na biglang binawi ang kamay dito! Pakiramdam niya ay may malakas na kuryente na naramdaman ang dalaga ng magtagpo ang kanilang mga palad. Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at muling kinuha ang kamay ng dalaga at hinila ito, dahilan para mapasubsob siya dito.
"Your mine now woman! Every inch of your body are mine, understand!" Mariing bulong nito sa tenga ni Kierra na naghatid naman ng kilabot sa dalaga. May parte sa isip niya na nagsasabing tumakbo na lang siya at huwag ng ituloy ang kasal! Ngunit sa isiping buhay ng kanyang ina ang nakasalalay ay pikit mata na lamang siyang naglakad kaagapay ang lalaking nakatakda niyang makasama habang buhay.