Chapter 5

1937 Words
Rayleen Nalulungkot si Rayleen sa nangyayari lalo na sa relasyon nilang magkapatid. Sa tingin ng dalaga mas lalong lumala ang ugali ng kuya niya. Araw-araw mainit ang ulo sa kanya lagi rin siya sinisigawan ni Kendrick. Hindi malaman ng dalaga kung saan siya lulugar, napahinga si Rayleen nang malalim bumabalik sa isip niya ang mga masasakit na salita ni Ken. Sa kabila nang ginawa ni Ken sa dalaga umaasa parin si Rayleen na babalik sa dati ang lahat. Minsan napapatanong si Rayleen sa kanyang sarili. “ Saan ba ako nagkamali? Anong kasalanan ang nagawa ko kay kuya para tratohin niya ako ng ganito?” Ilang ulit mang isipin ng dalaga kung may nakaligtaan siyang mali, ngunit wala talaga itong naalala. Namis ni Rayleen ang bonding nila noong mga bata pa sila, akala niya hanggang sa paglaki magiging ganun parin ang sitwasyon nila ni Kendrick. Walang tigil ang luhang lumandas sa pisngi ng dalaga, naging emosyonal siya dahil hindi ito sanay sa sitwasyon nila ngayon. Nasaktan si Rayleen nang sobra dahil sa mga sinabi ni Kendrick, gayon pa man mahal na mahal parin ni Rayleen ang kuya niya. “ Anak are you alright?” Napatayo ng tuwid si Rayleen sabay pahid sa mukha nitong basang basa nang luha. Hindi namalayan ng dalaga nakalapit na pala ang mommy niya. “ I’m fine mommy may naalala lang po ako, naalala ko nong maliit pa kami ni kuya palagi kaming naglalaro dito.” Sabay turo ni Rayleen sa malawak na garden. Napangiti ang mommy niya. “ Anak, masaya ako dahil nandito na si Ken, lawakan mo ang pag- iisip mo, habaan mo pa ang pasen’sya para sa kuya mo.” Niyakap ni Rayleen nang mahigpit ang Ina. “ Kahit hindi mo sasabihin sa akin, alam ko ang nangyayari . Ayaw mo lang magsumbong, dahil mas pinili mo ang manahimik kaysa magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa kuya mo. Alam ko rin nagtataka ka sa pagbabago nang ugali ni Ken, maniwala ka anak mahal na mahal ka ni kuya.” Ang madamdaming wika ng Ina, pinunasan ni Donya Loida ang luhang lumandas sa pisngi ng anak. “ Palagi mong tatandaan kayo ang buhay ko, dapat kayo palagi ang magkakampi sa lahat ng bagay.” Napangiti si Rayleen, ang akala niya hindi malalaman ng Ina ang ginagawa ni Ken sa kanya. “ Away kapatid lang po ‘yon mommy, huwag po kayo mag alala lagi ko po hahabaan ang pasen’sya ko para kay kuya.” Magalang nitong wika. “ Stop crying, ang mabuti mong gawin tulongan mo ang kuya mo, para bumalik siya sa dati.” Malungkot na wika ni Mommy Loida. “ Don't worry naiintindihan ko si kuya.” Kayong dalawa lang ang mayroon ako malulungkot si mommy kapag nakikita kung nag-aaway kayo.” Ramdam ng dalaga ang malungkot na boses ng Ina. “ Mommy! Is there anything wrong?” Umiling ang mommy niya. “ Handa po akong makinig sa mga sasabihin mo. I'am your daughter share it to me Mom!” Niyakap ng Ina si Rayleen at pinugpugan ito ng halik sa noo. “ I love you Mommy!” Simula nang lumaki si Rayleen hindi niya nakita na ganito kalungkot ang mommy niya. Ngayon kompleto na sila bakit tila may mabigat itong problema. “ I'm sorry mommy kung pasaway po ako, promise hindi na po ako makulit.” Naisip ni Rayleen baka ito ang dahilan kung ba't malungkot ang kanyang pinakamamahal na Ina. “ Mom, let's go upstairs, magpahinga ka na.” Inalalayan ng dalaga ang mommy niya hanggang sa marating nila ang kanyang silid. “ Anak, puwidi mo na akong iwan magpahinga ka na, I'm okay, tatawagan kita kapag may kailangan ako.” Humalik muna ang dalaga bago tuloyang lumabas ng silid. Papasok na sana si Rayleen sa kanyang k'warto nang biglang tawagin siya ni Kendrick. Nahihiya itong lumingon sa likod kung saan nakatayo si Kendrick. Simula nong nakita ni Rayleen si Ken na nakipagtalik kay Maricar, nagbago ang tingin ng dalaga sa kuya niya. Hindi maitindihan ni Rayleen kung maiinis ba siya kay Ken o sa babae nito, winaglit ng dalaga ang pumasok sa isip niya. “ Nasaan si mommy?” Napatingin naman si Rayleen sa mata ng binata. Parang may malaki na naman itong kasalanan dahil sa uri ng titig nito sa kanya.. “ Nasa k'warto niya nagpapahinga na po.” Nagmamadaling pumasok si Ken sa silid ng Ina. Napahinga si Rayleen ng malalim bago pumasok sa kanyang silid. Inabot ni Rayleen ang kanyang cellphone, kanina pa pala tumatawag si Charles sa kanya. Agad itinago ng dalaga ang phone nito sa ilalim ng unan, ayaw niya ng away kaya hindi niya kakausapinsi Charles. May pasok naman sila bukas kaya doon na lang sa school niya kausapin si Charles. Natatakot si Rayleen baka mapagalitan siya ni Kendrick isa pa baka tutuhanin ng binata ang banta niya dito. Nakadapa si Rayleen sa kanyang malambot na kama pagod ang isip niya, gusto muna niyang magpahinga. “ Rayleen!” Sabay katok ng malakas mula sa labas ng pinto ng kanyang silid. Mabilis niyang tinungo ang pinto upang pagbuksan si Kendrick. “ Kuya? May kailangan ka?” Hindi nagsalita si Ken, bagkus ay pumasok ito sa loob ng kuwarto at umupo sa kama, napaiwas ng tingin ang dalaga. “ Ikaw ang kailangan ko, samahan mo ako may bibilhin tayo, don't worry about Mom nag paalam na ako.” Huminga nang malalim si Rayleen. “ Ngayon na ba tayo a-alis?” Sabay baling ng dalaga sa mukha ni Ken. Kung kanina nakakatakot ang mukha niya ngayon naman nakanunot ang noo nito. “ “ Yeah! Kaya magbihis ka na para maka alis na tayo.” Napairap naman ang dalaga sa hangin, “ Kuya, lumabas ka muna magbibihis lang ako.” Napangiti naman ang binata sabay iling. “ Bilisan mo hintayin kita sa sala.” Nang makalabas si Ken nagmamadaling nagbihis si Rayleen, mabuti na lang maaga siyang naligo kanina. Nagsuot ito ng dress na hanggang tuhod ang haba, at pinarisan niya ng flat sandal. Matapos magbihis humarap ito sa salamin, namangha si Rayleen sa kanyang sarili, dahil mas lalo itong gumanda. Inabot ang sling bag at nagmamadaling bumaba. Pagdating ni Rayleen sa sala nakatayo ang kuya niya, kumunot ang noo nito at bahagya pang nagulat ng makita ang ayos ni Rayleen. Napahilot si Ken sa bridge ng kanyang ilong, mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Ken, bago pina-andar ang sasakyan. Nakatuon naman ang mata ni Rayleen sa kalsada, minsan napapatingin ito sa gawi ni Kendrick. “ I'm sorry bunso!” Basag ni Ken sa katahimikan. Napa angat naman ng tingin si Rayleen kay Ken na ngayon busy sa pagmamaneho. “ Alam ko nagtatampo ka sa akin, pasens'ya ka na kay kuya.” Humarap si Rayleen kay Ken. “ Kuya hindi po ako nagtatampo sa'yo, kahit kailan hindi ko magagawa iyon.” Napalingon si Ken sa bunsong kapatid. “ Promise hindi ka galit kay kuya?” Niyakap ni Ken si Rayleen at hinalikan ang noo nito. “ Bakit naman po ako magagalit?” Napanguso ang dalaga, at tiningnan si Kendrick. “ Basta sundin mo lang ang gusto ni kuya para walang away.” Ani Kendrick. “ Kuya, hindi na ako makahinga.” Reklamo nito. napahigpit pala ang yakap ni Ken sa kanya. “ Oh! Sorry.” “ Kuya saan tayo papunta?” Ngayon lang kasi nakapunta si Rayleen sa lugar na ito. “ Bibili tayo ng feeds para sa mga alagang hayop doon sa probins'ya. Tumawag kasi si Lando, wala na raw pagkain ang mga hayop doon, saka manganganak na si Whity gusto ko siyang makita. Kumislap naman ang mga mata ni Rayleen nang marinig ang sinabi ni Ken. “ Wait.. Kuya, don't tell me na—!” Hindi na naituloy ni Rayleen ang sasabihin sana niya, dahil dinugtungan na ito ni Ken. “ Yes? Magbabaksyon tayo sa probens'ya, total wala ka nang pasok, so naisip ko na magandang bonding natin ito.” Masayang balita ni Ken sa kapatid. “ Really kuya?” Hindi na napigilan ni Rayleen ang sarili, tumingkayad ito at hinalikan sa pisngi si Kendrick. “ Thank you kuy. Alam mo ba matagal ko nang gustong pumunta sa probens'ya? I'm so excited.” Natutuwa nitong saad, pumalakpak pa ito na parang bata. “ Yes, makakapunta na ako sa Hacienda.” Sigaw ng dalaga, inilabas pa niya ang ulo sa bintana ng sasakyan at sumigaw-sigaw pa ng malakas. Matagal nang gusto ni Rayleen ang bumisita sa Hacienda, kaya lang palaging busy ang Ina. Napatitig si Kendrick sa mukha ni Rayleen, parang piniga ang puso ng binata, dahil ang babaw ng kaligayan ng bunsong kapatid. “ Oh, tama na iyan.” Saway ni Ken sa kanya, hanggang ngayon pa kasi nasa labas ang ulo at kamay niya. . “ You! Stay here in the car bababa lang ako saglit .” Seryosong wika ni Ken, napalabi si Rayleen nagbihis pa naman siya dahil akala niya sa mall sila pupunta. “ Hey, just wait me okay?” Untag ni Ken dito, bigla kasi itong tumahimik napatango si Rayleen at wala ng nagawa. Sabagay ano ba naman ang bibilhin niya kung bababa ito, baka pagtawanan pa siya dahil sa outfit niya ngayon. Hindi naman kasi niya alam na sa feed shop sila pupunta. Lumipas ang ilang minuto wala pa si Ken, naisip naman ni Rayleen buksan ang stereo para magpatugtug sa paborito nitong kanta. Sa pagmamadali nasagi ng dalaga ang nakapatong na wallet sa ibabaw ng stereo. Nagmamadali itong pinulot ni Rayleen, ngunit laking gulat niya dahil hindi pala wallet ‘yon kundi maliit na album. Mabilis itong yumuko para maabot ang wallet, akma sana niya itong bubuksan ng agawin ni Kendrick sa kamay niya ang album. “ Next time huwag mong paki-alaman ang mga gamit ko dito sa sasakyan.”Dumilim ang awra ni Kendrick. “ I'm sorry po, hindi ko naman sinasdya.” Hindi na nagsalita si Kendrick, tahimik nilang binabagtas ang daan pauwi. Napa-isip si Rayleen kung ba’t galit na galit si Ken. “ Ano kaya ang laman ng album na 'yon? Baka nga mahalaga kay kuya kaya ayaw niya ipagalaw.” Sa lalim nang iniisip ni Rayleen 'di niya namalayan nasa tapat na sila ng mansion. “ Bukas nang madaling araw aalis tayo, go upstair pack your things and take a rest.” Napatulala na si Rayleen habang pinagmamasdan ang likod ni Ken na papasok sa mansion, basta na lang siya iniwan sa loob ng sasakyan. Napahinga si Rayleen ng malalim, sa halip na sumunod ang dalaga nag pasya muna itong pumunta ng kusina. Malamig na siguro ang ginawa niyang manggo float, bago kasi ito nagpahinga kanina gumawa ng manggo float ang dalaga. Mahilig sa sweets si Kendrick lalo na siya, kaya kapag wala itong pasok sa pag ba-bake ibinihos ng dalaga oras niya. Pakanta-kanta pa ang dalaga, habang naghahanda ito ng snacks para sa mommy niya. “ I'm sure mommy like this.” Kahit maraming masasakit na salita ang natanggap ni Rayleen ngayong araw nakangiti parin ito. “ Rayleen, nasaan ang para sa akin? Si mommy lang ba ang bibigyan mo ng snacks?” Nagtatampong wika ni Ken. “ S'yempre 'di ko po makalimutan ang g'wapong kuya ko.” Nakangiting saad ni Rayleen, lihim na pinagmamasdan ni Kendrick ang bawat gawa ng dalaga. “ Kuya are you okay?” Nakatulala kasi si Kendrick hindi mawari ng dalaga kung anong iniisip niya. “ Ah.. Yes, ofcourse, I wan't coffee please.” Lihim na natawa ang dalaga. “ What? Are you sure?” “ Yeah! I’am sure, coffe and mango float.” “ Coffe and mango float? Ano kaya ang lasa non?” Napapailing si Ken, pati kasi siya nagulat sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD