Chapter 6

2103 Words
Ken Kararating lang ni Ken, hinatid niya ang kanyang mommy sa airport. May emergency raw sa kompanya kaya nagmamadaling lumipad papuntang Hongkong. Hindi na bumalik sa pagtulog si Ken, hinintay niya magising ang kapatid dahil ngayong araw aalis sila papuntang probinsiya. Nakahand na ang kanilang mga gamit tatlo o apat na araw sila magbaksyon doon sa hacienda. Habang hinihintay na magising si Rayleen umupo muna ito sa sala, panay ang sipat ni Ken sa pambisig na relo. Napakamot siya sa kanyang panga, ito ang unang beses na magkasama sila ni Rayleen. Parang may kung anong nagwawala sa loob ng kanyang t’yan, kinikilig siya. Mag alas singko na nang umaga ngunit hindi parin bumaba si Rayleen. Nakapagluto na rin ng breakfast si Manang Rosita, ngunit wala parin ang dalaga. “ Manang Rosita, ikaw na po ang bahala dito baka next week pa kami uuwi. Kung may maghahanap po sa akin huwag n'yo pong sabihin kung nasaan ako.” Ani Ken sa seryosong boses, natawa naman ang matanda sabay tango. “ Mang Isko, handa na po ba ang lahat? Wala na bang nakalimutan?” Pinasok muna ni Mang Isko sa loob ng sasakyan ang bag na dadalhin nila bago hinarap ang amo. “ Kompleto na, Sir p'widi na tayong umalis.” Ani Mang Isko na sinabayan pa ng ngiti. Napa-angat ang tingin ni Ken sa mataas na hagdan, nakahinga ito ng maluwang dahil sa wakas bumaba na rin ang kanyang hinihintay. Lihim na napamura sa isipan ang binata dahil sa sout ng kapatid. “ Good morning Kuya Ken!” Bati ng dalaga. “ Good morning, inomin mo muna ito para mainitan ang t'yan mo.” Sabay abot ni Ken sa isang cup na chocolate. “ Thank you kuya!” Pasalamat ng dalaga, dumiritso na si Rayleen sa loob ng sasakyan habang hawak ang cup. Nakasunod naman si Ken sa likuran ng dalaga at lihim na nakangiti. “Kuya, si mommy? Hindi ba sasama sa atin?” Gulat na tanong ng dalaga. Inabot ni Ken kay Rayleen ang note na iniwan ng mommy nila. Agad naman kinuha ni Rayleen ang note at binasa ito, napangiti ang dalaga. Kung makabilin ang Ina akala mo mga sanggol pa ang dalawa. “ Si Mommy talaga ginawa na naman akong baby!" Ani Rayleen na nakasimangot. Habang nasa biyahe nakamasid naman si Ken sa kapatid, hindi mapigilan ng binata ang mapangiti, umaapaw ang saya sa kanyang puso. Nakasimangot parin ang dalaga, kaya ‘di na napigilan ni Ken ang matawa. “ Ang daya mo kuya hindi mo man lang ako ginising, sana naka pagpaalam ako kay mommy.” Ani Rayleen sa malungkot na boses. “ Don't worry dalawa o tatlong araw lang si mommy don.” Alo ni Ken sa kapatid. Naka upo ang magkapatid sa likod at masaya nilang pinagmamasdan ang tahimik na daan. Exited ng makita ng dalawa ang hacienda, lalo na ang kabayong pagmamay ari ni Ken. Limang oras ang biyahe bago marating ang probins'ya. Alas sais na nang umaga kaya maliwanag na sa labas. Hindi naramdaman nina Ken at Rayleen ang antok, dahil panay kuha ng litrato ng dalaga. “ Kuya, smile!” Sabay click camera. “ Bunso are you okay? Kahit alam ni Ken na okay ang kapatid nagtanong pa ito. “ Opo kuya!” “ Mang Isko, marami na pala ang nag bago dito sa probins'ya, semintado na ang daan at malinis pa.” “ Kuya ang ganda po ng view sa labas!” Ani Rayleen at inilabas pa ang kanyang ulo. Eksaktong alas d'yes nang umag dumating na sila sa Hacienda. Agad naman silang sinalubong ni Josifena ang asawa ni Mang Isko. “ Maganda araw po senyorito!” Ang magalang na bati ni Lando, si Lando ang nag iisang anak nina Mang Isko at Aling Josifena. “Mano po Tay!” Saglit lang napatingin si Lando sa gawi ni Rayleen at umalis rin. “ Ang bilis ng panahon, parang kailan lang totoy pa si Lando.” Nakangiting wika ni Ken sa matanda. “Kaya nga Sir, natatakot nga ako dahil araw-araw ibang babae ang bumibisita dito.” Biro ni Mang Lando. “ Tatay naman nakakahiya po kay senyorito Ken!” Maktol ni Lando, nagtawanan lang ang tatlong lalaki at mabilis na pumasok ng mansion. “ Senyorita Rayleen pumasok muna kayo para makapag almusal.” Wika ni Aling Josifina. “ Salamat, susunod po ako Aling Josifina!” Nang makapasok silang lahat binalikan ni Ken si Rayleen. “ Bakit nandito ka pa sa labas? Let's go inside huwag mong paghintayin ang pagkain.” Ani Ken sa mababang boses kararating lang nila ngunit naiinis na ang binata. “ Sorry kuya!” Pagdating nila sa dining nagulat pa silang dalawa, sobrang dami kasi ng pagkain na hinanda ni Aling Josifina. “ Sabay-sabay na po tayo para masaya!” Ani Ken nakatayo lang kasi ang mag asawa sa gilid nila, kahit tudo tanggi ang mag asawa ay napa upo rin sa pamimilit ni Kendrick. “ Lando sumabay ka na!” Wala na rin nagawa si Lando kundi umupo. “Salamat po Senyorito, kumain kayo nang mabuti senyorita masarap ang hinandang pagkain ni Nanay.” Proud na sabi ni Lando sa kaharap. Nakikinig lang si Ken sa usapan nila panay naman ang ngiti ni Rayleen na para bang nakakita ito ng modelo. Hindi rin nagpatalo sa kakisigan si Lando kahit sabihin na lumaki ito sa proben’sy ay talaga naman alaga ang katawan nito. Kitang kita ni Ken ang malalagkit na titig ni Lando sa kapatid nitong si Rayleen, napakuyom pa ng kamao ang binata. “ Manang mana ka talaga sa mommy mo.” Puri ni Aling Josifina sa dalaga, kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ni Rayleen. Tinapos na ni Ken ang kanyang pagkain hindi maganda ang mood ng binata. Si Rayleen ang sintro ng usapan at hindi pabor kay Ken ang mga naririnig. Akma aalis na si Ken ng biglang nagsalita si Mang Isko. “ Miles tulongan mo si Sir Ken, ipasok sa k'uwarto ang mga gamit niya.” Mabilis naman tumalima si Miles at nagmamadali itong sumunod kay Kendrick. Pamangkin ni Mang Isko si Miles kaya simula bata pa ito narito na siya sa poder nila. Agad naman umakyat si Ken at dumiritso ito sa kanyang silid, ramdaman ng binata ang pagsunod ni Miles sa likuran niya. Pagdating sa k'uwarto umupo si Ken sa malaking kama at pinagmamasdan ang bawat kilos ni Miles. Pag bukas ni Ken sa bintana, agad pumasok ang malamig na simoy ng hangin na nag mula sa labas. Napapikit pa ang binata dinama ang sariwang hangin. “Iba talaga kapag fresh air!” Kausap ni Ken sa sarili. Hindi napansin ni Ken nakatayo na sa harapan niya si Miles. “ Senyorito may kailangan pa ba kayo?” Yumuko pa si Miles para makita ang cleavage nito. “ You can leave now, thank you.” Ang walang buhay na wika ni Kendrick. Napairap naman si Miles matagal na niya itong pinaghandaan ang maka-usap ang binata. Ngunit parang hindi naman intresado sa kanya, inis itong lumabas ng silid at napakuyom ng sariling kamao. Nang makalabas si Miles, puno ng galit ang puso niya kay Kendrick. Ilang minuto ang lumipas mahihinang katok ang nag pagising sa diwa ng binata. “ Kuya p'widi ba akong pumasok?” Malambing na boses ni Rayleen mula sa labas, agad naman bumangon ang binata at binuksan ang pinto. “ Tapos ka na palang kumain?” Naiinis parin si Ken, hindi ito tumingin kay Rayleen bagkus ay nag kunwaring busy. “ Opo, tawagan mo ako kapag may kailangan ka, magbibihis lang ako.” Tango lang ang sagot ni Ken sa kapatid. Nang makalabas na si Rayleen, bumaba ulit si Kendrick. Pagdating ni Ken sa saka nasalubong niya si Aling Josifina. “ Hijo, kanina ka pa hinahanap ni Isko manganganak na si Whity.” Masayang balita nang matanda. Agad umalis si Ken at tinungo ang kuwadra, napangiti pa siya dahil sa saya. Ilang lang ay tanaw na nito si Mang Isko, Lando at Miles. “ Uncle, ako na po ang bahala kay Whity!” Masayang sabi ng dalaga. Napatingin si Ken kay Miles. “ Marunong ka mag pa anak ng kabayo?” Mangha nitong sabi kay Miles, tudo ngiti naman ang dalaga sabay tango pa. “ Huwag ka mag-alala alam ni Miles ang gagawin niya.” Tinapik pa ni Mang Isko ang balikat ng binata. Hindi alam ni Ken na marunong na pala magpa anak si Miles nang mga hayop kaya lihim itong namangha, dati sina Mang Isko at Lando ang gumagawa nito. “ Wow! Ate Miles ang galing mo talaga.” Puri ni Lando sa dalaga. Matapos mailabas ni Miles ang anak ni Whitey naghubad na ito ng gloves. Inabot ni Miles ang towel na nasa likod niya para ipunas sa basa nitong leeg. Lihim na sinusundan ni Ken nang tingin si Miles na panay ang ngiti. Napapasulyap rin ito sa gawi ni Kendrick, sinasdya pa ni Miles ibaba ang maluwang nitong t-shirt para mas makita ang malaki nitong dibdib. Napapailing na lang si Ken, sa kakaibang kilos ni Miles, ngunit baliwala lang kay Kendrick dahil malaki ang respito ng binata kay Mang Isko at Aling Josifina. Tumayo na si Ken, tinungo ng binata ang kanyang opisina, lahat ng trabahdor nakayuko tanda nang pag bigay galang sa kanilang amo. “ Magandang araw senyorito Ken!” Masayang bati mg lahat. Tango lang ang sagot ng binata bago pumasok sa opisina. Masaya akong makita kayo ulit, sana lahat kayo ay malakas.” Masaya si Ken, dahil hindi parin nagbabago ang kalakaran nang kanyang mga tauhan. Mas lalong gumanda ang buong Hacienda, sa susunod na linggo mag harvest sila ng mangga, kaya nag handa ang lahat. “ Welcome home dude sabay akay ni Windell kay Ken, bakit 'di ka nagpasabi na pupunta ka pala dito?” Pagtatampo ng pinsan, sabay lapag ng bottled water sa mesa. Natawa naman si Ken, hanggang ngayon wala parin pagbabago ang pinsan madaldal parin. “ Actually kasama ko si Rayleen iniwan ko lang sa mansion, bukas ipapasyal ko sa buong Hacienda.” Habang nag-uusap sina Wendell at Kendick bigla naman nag kagulo ang mga taohan sa labas. “ Senyorito Ken, narito po si senyorita Rayleen!” Hingal na sabi ni Lando. Napatayo si Ken dahil sa narinig, nagmamadaling lumabas at ganun na lang ang kanyang pagkagulat nang dumugin ng mga taohan nila ang dalaga. “ Fvck! What happend?” Napa mura ang binata dahil, pinag kakagulohan ang kapaitid niya. “ Rayleen?” Sabay-sabay silang napalingon kay Ken na ngayon madilim ang mukha at parang gusto nang pumatay ng tao. Natatawa naman si Windell sa itsura ni Ken na ngayon nakasunod sa likod. “ Kuya?” Tumakbo si Rayleen, sinalubong niya si Kendrick. “ Bakit mo ako iniwan? Hindi ka man lang nagpaalam na a-alis ka.” Nagtatampong wika ng dalaga. Nakayakap nang mahigpit si Rayleen sa baywang ng kuya niya at sabay halik sa kanyang pisngi. Parang sasabog naman ang dibdib ni Ken sobrang bilis ng t***k, bawat pintig nang puso ng binata ay parang kakapusin siya ng hangin. Hawak ni Ken ang kamay ng dalaga at pumasok na sila ng opisina. “ Wala ka nang ibang damit?” Hindi mapigilan ni Ken ang pagtaas ng boses si Rayleen, naiinis siya sa suot nito. Nanatili naman nakatayo si Rayleen sa isang tabi at nakatingin ito kay Ken. “ Wala tayo sa bahay para mag sout ka ng short, hindi mo ba nakikita maraming kalalakihan ang nagtatrabaho dito?” Napa hilamos si Ken sa sarili nitong mukha, inabot ang malaking jacket at pina suot sa kapatid. “ Isuot mo ‘yan kung ayaw mong pag piyestahan ka sa labas.” Napasimangot ang dalaga, alam naman nang mga tauhan sa hacienda na anak ng yumaong si Don Marko ang dalaga. Paano nasabi ng binata na pag piyestahan ang kapatid? Masyado silang masaya ng makita ang dalaga kaya nag group picture sila. Gusto ng maiyak ni Rayleen, dahil galit na naman ang kuya niya. Matapos pagalitan ni Ken ang dalaga binuksan niya ang pinto, kanina pa kasi kumakatok si Wendell sa labas. “ Let,'s go dude, nakahanda na ang pananghalian.” Napangiti si Windell nang makita si Rayleen na nakatayo sa isang sulok. Alam ni Windell na walang balak ipakilala ni Ken si Rayleen. “ Hi! Rayleen..” Ngumiti si Windell sa dalaga sabay pasada sa buong katawan, napailing siya sa itsura ng dalaga. Halos ‘di na makita ang dalaga sa laki ng jacket na pinasout ni Ken dito. “ Dude lalamig na ang pagkain!” Hawak ni Kendrick ang kamay ng dalaga, tinungo ang malaking kubo. “Bunso huwag na 'wag kang a-alis sa tabi ko?” “ Opo kuya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD