Chapter 4

1851 Words
Ken Kanina pa tinatawagan ni Ken si Rayleen ngunit hindi ito sumasagot. Kalahating oras na rin itong naghintay sa labas ng kanyang paaralan, pero walang Rayleen na lumabas. Hindi nakatiis ang binata nagtanong na ito sa guard, mabuti na lang nagsabi ng totoo si Manong Guard. Mag kasama raw sila ni Charles at kanina pa raw sila nakalabas. Biglang umakyat ang dugo ni Ken sa narinig, mabilis itong pinaharurot ang sasakyan nagmamadaling tinungo ang coffe shop na malapit lang din sa paaralan. “Kasama na naman niya ang mokong na ‘yon?” Inis na hinampas ni Ken ang manubela ng kanyang sasakyan. Hindi mapakali si Kendrick isa pa wala itong tiwala sa lalaking ‘yon. Malayo pa nakita ni Ken na magkasama nga ang dalawa, magkatabi at masayang nagtatawanan. Hawak pa ni Charles ang kamay ni Rayleen, hinayaan naman ng dalaga kaya mas lalong umusok ang ilong ni Kendrick. Hindi lumabas ng sasakyan si Ken pinagmamasdan niya ang dalawa. Gustong sugurin ng binata si Charles at ipamukha dito na hindi niya p'widing hawakan ang kamay ni Rayleen. “Nasaan kaya ang cellphone niya? Hindi ba niya naririnig ang tawag ko?” Sa inis ni Ken bumaba ito ng sasakyan at bumusina ng napakalakas, napalingo ang dalawa sa gawi niya. Mabilis binawi ni Rayleen ang kamay niya na hawak ni Charles. Tumayo ang dalaga at nagmamadaling lumabas. Masama ang ipinukol na titig ni Ken dito, mas lalong kinabahan ang dalaga. Nang makalapit ito kay Ken walang imik itong binuksan ang pinto. Agad naman sumakay ang binata, pagka upo sa driver set malakas na hinampas ni Ken ang manubela. Napatalon si Rayleen sa takot, walang pakialam si Ken kung iiyak ito. “Alam mo ba kung anong oras ako naghintay sa'yo? Sana sinabi mo na may ka date ka? Para hindi naman ako magmukhang tanga doon sa labas ng building mo. Rayleen tapos na ang usapan natin kanina, anong hindi mo naintindihan doon sa sinabi ko?” Nanginig si Ken sa galit. “Bakit kasama mo si Charles? Anong ginagawa ninyo sa loob ng cafeteria? Uminom ng kape o naghawakan ng kamay. Rayleen sabihin mo nga sa akin,matagal n’yo na bang ginagawa ito ni Charles?” Sumabog na ang galit si Ken. Hahampasin sana ulit niya ang manubela ng pigilin ni Rayleen ang kamay nito. “Please kuya tama na po, ako na lang ang saktan mo. Wala kaming ginagawang masama ni Charles kaibigan ko siya sana naman po respitohin mo ako bilang tao.” Pinahid ni Rayleen ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. “F**CK!.. Stop it Rayleen?” Ayaw ni Ken makita na umiiyak ito kaya na tauhan siya. “Alam mo ba na bawal sa'yo ang sumama sa ibang lalaki? Sino nagbigay permiso para makipaglandi ka? Itigil mo ‘yan kung ayaw mong malintikan sa akin,hindi ka nag iisip maraming masasamang tao ngayon ikaw napakadali sa’yo ang sumama sa ibang lalaki. Boyfriend mo na ba siya? Tell me the truth,anong relasyon ninyo ni Charles?” Namula ang buong mukha ni Ken. “I'm sorry po. Classmate ko si Charles wala kaming relasyon, dahil magkaibigan lang kami. Mabait po siya. Kuya kong gusto ko po siya noon pa, dahil matagal ko ng manliligaw si Charles. Malandi ba ang tawag doon? Wala na ba akong karapatang sumaya? Bakit po kayo nagagawa ninyo ang gusto n’yo? Hindi ko kayo maintindihan ang init ng dugo mo sa akin, wala na akong ginawang tama sa paningin mo.” Hilam sa luha ang mukha ni Rayleen, halos ‘di na ito makahinga. Sa dami ng masasakit na salita na natanggap niya mula kay Ken ngayon lang niya nailabas ang sama ng loob sa binata. “Rayleen hindi mo ako maintindihan dahil wala kang pakiramdam. Wala talagang tama sa ginawa mo, ilang beses ko bang sabihin sa'yo na hindi na tayo mga bata.” Gigil na gigil si Ken, habang nakatulala sa kawalan ang dalaga. “Can you please stop crying? Baka isipin na naman ni mommy inaway kita.” Pinatay muna ni Ken ang makina, sandaling natahimik ang buong paligid ang hikbi ni Rayleen lang ang maririnig. “Sorry, ayoko lang naman na may ibang lalaki ang hahawak d'yan sa kamay mo.” Pag-amin ni Ken ‘di nito matiis ang pag hikbi ni Rayleen. “Shh.. Tama na ‘yan alam mo naman love na love ka ni kuya diba? Ayaw kong masaktan ka ginagaw ko ito para sa’yo. Lumamlam ang mata ng binata agad pinunasan ni Ken ang mukha ni Rayleen at niyakap ito ng mahigpit. Ramadan ni Ken ang kalabog ng dibdib nila sa isat isa. “Mangako ka sa akin na huwag mo nang uulitin ito, ayaw kong mapahamak ka. Rayleen bata ka pa, gusto kong mag aral ka muna, huwag kang magmamadali alam kung may nakalaan para sa’yo. Ang makahulogan na sad ni Ken, napa angat ang ulo ni Rayleen at tinitigan siya. “” “Sorry kuya pangako ‘di ko na uulitin.” Nagsimula ng magmaneho ang binata nakamasid ito sa dalaga. Hindi namalayan ng dalawa nakarating na sila sa mansion, gabi na kaya tahimik ang paligid. “Kumain muna tayo bago ka umakyat.” Sabay na silang tumulak papuntang dining area. “Good evening po Manang Tessa.” Nakangiti si Rayleen sa matandang babae. “Umupo na kayo para makakain, nagluto ako ng paborito ninyo.” “Thank you po manang.” Ani Ken sabay hila ng upuan para maka upo si Rayleen. “Kaka akyat lang ng mommy ninyo pagod daw siya kaya nauna ng matulog.” Tumango lang si Ken sa matanda. Nagsimula ng kumain ang dalawa, tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig sa hapag kainan. Pagkatapos kumain sabay na silang umakyat para puntahan ang Ina. Napangiti ang dalawa ng makita ang Ina, naka buka ang dalawang kamay nito. “Bakit ngayon lang kayo? Na miss kayo ni mommy.” Malamabing na wika ng Ginang, sabay- sabay niyakap ng dalawa ang Ina. “I’m sorry mommy nalate po kami.” Si Ken na ayaw bumitaw ng yakap sa Ina. “Mommy dito po ako matutulog, gusto kong tumabi sa’yo.” Ngumiti ang Ina sabay suklay sa mahabang buhok ni Rayleen. Napatingin si Ken sa mukha ni Rayleen, nakita niya sa mga mata nito ang lungkot. “I miss you mommy.” Ang mahinang sabi ni Rayleen, kahit nakapikit ito ‘di nakaligatas kay Kendrick ang pagtakas ng kanyang luha, nakaramdam si Ken ng kirot. “Siguro nga nasaktan siya sa mga sinabi ko kani kanina lang.” “I miss you too princess.” Iniwan na ni Ken ang dalawa. “Mahal na mahal namin si mommy para sa kanya baby pa kami ni Rayleen.” Pagkatapos maligo humiga na si Ken sa kama, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mukhang alam na ni Ken kung anong kailangan no Bakz. “Napatawag ka?” Walang gana nitong sagot. Humagalpak ng tawa si Bakz sa kabilang linya. “Na miss kita busy ka ba? Puntahan mo naman ako dito wala akong kausap?” Si Ken naman ngayon ang humalakhak. “Nasaan pala ang asawa mo? At ako na naman ang trip mo ngayon.” Napangiti si Ken. “Come on Kendrick gusto kong mag inuman tayo, I'm so bored.” Ani Bakz na nag maka awa. “Hay,iwan ko sa’yo tupakin ka talaga. “Okay fine, papunta na ako.” Pag suko ni Ken, ramdam niya may problema ang kaibigan. Mabilis nagbihis si Kendrick, at nagmamadaling pumasok sa silid ni Rayleen. Sa dalaga na ito magpaalam ayaw niya istobihin ang Ina. Nakabukas naman ang pintuan ni Rayleen kaya pumasok ito ng ‘di kumakatok. Napahinto si Ken sa paglalakad may kausap ang dalaga, nakatayo si Ken sa hamba ng pinto kaya rinig niya ang usapan nila. Napatulala si Keen, nakatapis ng tuwalya ang basang katawan ni Rayleen. Kumuyom ang kamao ng binata, naiinis ito kay Rayleen. “Bakit kausap mo si Charles? Akala ko tulog ka na?” Halata sa boses ni Ken ang galit. “K-kuya kanina ka pa diyan?” Sabay takip ng dalaga sa nakalantad nitong balikat. “Yeah!” Hindi nakaimik si Rayleen. Umigting naman ang panga ni Kendrick. “Anong pinag-usapan ninyo ni Charles?” Lumapit ito sa dalaga tinitigan niya ito ng diritso sa mata. Tumayo ang balahibo ni Ken dahil naamoy nito ang mabangong sabon at shampoo na ginamit ni Rayleen. “Kuya, may kailangan ka ba?” Umiwas ito ng tingin. “Kuya hapon po ang pasok ko bukas huwag mo na akong ihatid, baka kasi busy ka saka may group project kami, kailangan kong pumunta sa bahay ng classmate ko.” Matalim na nakatitig si Kendrick kay Rayleen. “No!” Napasigaw ang binata. “Hindi p'widi, I mean hindi ka p'widing pumunta sa bahay ng classmate mo, malaki ang bahay natin sabihin mo sa kanila dito na sila gagawa ng project para hindi ka na umalis ng bahay.” Biglang umaliwalas ang mukha ni Rayleen, lumapit ito kay Ken at niyakap ng mahigpit. “Kuya Ken, p'widi po ba dito sa bahay?" Hindi makapaniwalang tanong nito kay Ken. Tumango si Ken, hindi alam ng binata kung tatanggalin ba niya ang kamay ni Rayleen na nakayakap sa katawan nito . “Yeah puwidi, kasama ba si Charles sa group project ninyo?” Tumango si Rayleen. “Siya po ang leader namin.” Nakayuko ito hindi makatingin kay Kendrick. “Matulog kana tama na ang pakikipag-usap sa phone.” Mabilis umalis si Ken,samantalang si Rayleen naiwan na nagtataka sa kilos ni Kendrick ngayon. “Tingnan lang natin kung hindi ka magtanda sa gagawin ko sa'yo,hindi ako papayag na makuha mo ang loob ni Rayleen.” Pagbabanta ng binata, mabuti na lang na-alala ni Ken ang dalawang ina-anak, makulit pa naman ang dalawang iyon, siguradong magtatanong sila ng pasalubong. Dumaan muna si Ken sa isang sikat na mall, bumili ito ng baril-barilan ito kasi ang paborito ng dalawa . Nang marating ni Ken ang bahay ni Bakz agad itong pumasok, sumalubong agad siya ng dalawa. Nakangiti si Flame mukhang inaabangan niya ang pagdating ni Ken, kinuha ni Flmae ang dalang paper bag nito. “Wow sa akin ba ito Ninong Ken? Thank you po.”Tango lang ang naisagot ni Ken, nagtatalon naman sa tuwa ang dalawa. Maya-maya kumapit si Flame sa kay Ken.” Ninong ikaw na lang po ang gagawin kong model, ayaw kasi ni Dadd e.” Nagkatinginan sina Bakz at Kendrick, ngiting-ngiti naman ang daddy ni Flame. “Masaya ka? Dahil ako ang napag tripan nang mga anak mo? Sinasabi ko na nga ba?” Tawang-tawa si Bakz ng kulayan ni Cody ang kuko ni Ken, napakamot sa batok ang binata. “Kong alam ko lang na ganito hindi na ako pumunta dito.” Bulong ni Ken kay Bakz. Masaya si Cody sa ginagawa niya, iba’t ibang kulay ang pinahid niya sa kuko ni Ken. “Ninong tapos na po, bagay na bagay pala sa'yo.” Nakangiti si Flame habang si Kendrick pinipigilang mainis kay Bakz. “God sumakit ang ulo ko.” Nakangiti si Ken kay Cody, at ginawaran ito ng halik sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD