"GOOD MORNING, Da Silva's!" Tila iisang ulo na sabay-sabay kaming naglingunan sa pinanggalingan ng malakas na tinig na iyon. Isa sa mga bibihirang mangyari ay sabay-sabay na nag-aalmusal ang pamilya ngayong umaga. Kadalasan kasi ay ang mag-amang Nickos at Sir Kael lang. Ang mag-asawa, kung hindi nasa ibang bansa ay maagang umaalis sapagakat mayroong maagang meeting, o lakad sa labas. Kaya't sa labas na ang mga ito nag-aalmusal. Ako naman ay nakakain na. Bago pa lamang magsibaba ang mga ito ay mabilisan na akong kumakain. Para pagkagising ng alaga ko ay ito na lamang ang aaakisasuhin ko. Mula sa pintuan ng komedor ay pumasok ang isang matangkad na lalaking malaki ang pagkakahawig kay Sir Kael. Kung pagtatabihin nga ang dalawa, iisipin mong kambal ang mga ito. Iyon lang ay mas maliwanag