Chapter Twenty Two

2220 Words

PAGBABA NAMIN ni Nickos ay naroon na at naghihintay sa ibaba si Sir Rafael. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa, habang hawak ang cellphone nito at may kung anong pinanonood mula roon. Para itong bata na bigla na lamang bumubunghalit ng tawa sa mga eksena sa palabas. Lihim na lamang akong napapa-iling. Wala ba talagang normal sa mga anak ng Senyor at Senyora? Iyong isa, pabago-bago ng mood. Mula sa pagsusungit, hanggang sa mas masungit pang estado. Kung minsan naman ay biglang kung anu-ano ang pinagsasasabi. Ito namang isa, nasobrahan sa pagka-masiyahin Tumatawa na ng mag-isa. At hindi lang basta tawa... halakhak talaga. Ang pagkaka-alam ko ay mayroon pa ang mga itong isa pang kapatid. Babae naman. Hindi ko pa iyon personal na nakikita. Nakita ko lang sa mga family pictures at ilang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD