Chapter Sixty Two

2217 Words

NAPAIGTAD AKO NANG MARAMDAMAN ko ang kamay ng katabi ko sa likod ng baywang ko. Iniangat pa nito ng bahagya ang ladlaran ng blouse na suot ko upang madama ang mismong balat ko. Humaplos iyon doon, hanggang sa makarating sa gilid ng katawan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at may maliit na ngiti sa gilid ng mga iyon na nilingon ko ito. Sinalubong ako ng nakasimangot na mukha ni Kael. "Saya mo 'no?" Kanina pa ito nakasimangot, pagdating pa lang. Ang akala kasi nito ay may mga kasama akong lalaki, noong sinabi ko rito sa text na lalabas ako ngayong gabi. Inisip daw nito na lalaki si Rich, na siya kong binanggit na kasama ko, sa text ko rito. Mahina ko lang itong tinawanan. Tawang kaagad na napalis nang maramdaman ko ang kamay nito na gumagapang paakyat sa sikmura ko. Kinipit ko ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD