Chapter Sixty Three

1818 Words

NANG MAGISING AKO AY NAKAHIGA NA AKO sa malambot na kama. Nasa tabi ko na rin si Kael. Mahigpit na nakayakap sa akin mula sa likod at mahimbing na natutulog. Inilinga-linga ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Nangunot ang noo ko nang mapansing hindi iyon pamilyar sa akin. Hindi ito ang silid na ipinagamit ko sa kanya sa bahay namin. At lalong hindi ito ang aking silid. Nagtataka pa ring pilit kong nilingon si Kael sa likuran ko. Pinilit kong kumilos paharap dito. "Hmm..." ungol nito, bagaman nanatiling nakapikit ang mga mata. Bahagya pang nalukot ang mukha nito at nag-ingit na parang isang batang naistorbo sa mahimbing na pagtulog. Sandali lang lumuwag ang kapit nito sa akin. Nang makaharap na ako ay muli akong hinapit at ibinaon ang mukha sa leeg ko. Nanlaki pa ang mga mata ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD