"'PA, MAG-IINGAT KA, HA. HUWAG KANG PASAWAY." Katulad nang unang beses na paalis ako, ay tigmak ang mga luha kong bilin kay Papa. Ang kaibahan lang, ay may malay si Papa ngayon habang nagsasalita ako. Noon kasing unang beses akong umalis, mas pinili kong mahimbing itong natutulog nang magpaalam ako. Panigurado kasi na hindi ito papayag kung sakali at malalaman nito ang plano ko. "Makikinig ka palagi kay Nurse Maggie, ha. Iinumin mo po yung mga gamot mo. S-saka..." suminghot-singhot pa ako. At nang hindi pa rin magluwag ang ilong ko ay kumuha ako ng tissue sa hospital bedside table ni Papa at suminga roon. Saka ako muling nagpatuloy. "S-saka, huwag kang mag-aalala sa akin, ha. Huwag kang masyado mag-iisip ng kung anu-ano. Okay lang po ako sa Maynila, 'Pa. Inaalagaan naman po akong mabuti