Chapter Sixty Five

1737 Words

"ANG SARAP DITO." Mula sa pagtingala sa mga bituin sa kalangitan ay lumingon sa akin si Kael at matamis na ngumiti. Nakatukod ang mga palad nito sa malapad na barandilya sa terasa ng cabin, paharap sa dagat. Kapwa na kami nakapaligo, matapos naming maghapunan sa isa sa mga seafoods restaurant sa loob ng resort. Inilapag ko sa tabi nito ang isang mug na hawak ko na naglalaman ng umuusok na kape para dito. Kaagad namang umayos ng tayo ang lalaki at dinampot iyon saka marahang sumimsim mula roon. Pagkatapos ay muling inilapag at muling tumanaw sa karagatan. Tinungo ko naman ang rocking chair sa tabi nito at maingat na naupo roon. Inilapag ko rin sa malapit naman sa akin ang sarili kong mug, na hot chocolate naman ang laman. Itinaas ko ang mga paa ko pinag-krus ang mga binti saka niyakap a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD