Chapter Fifty Six

2611 Words

KALALABAS KO PA LANG NG CR NANG makarinig ako ng mahihinang pagkatok. Kunot ang noong tumingin ako sa gawi ng pintuan nang sundan iyon ng mahinang pagtawag ng pangalan ko. Napahinga ako ng malalim na tinungo ang pintuan. "Hi." Abot hanggang tainga ang ngiting salubong sa akin ni Kael pagkabukas ko pa lang ng pintuan. Umunat ito ng tayo mula sa pagkaka-uklo habang nakadikit ang tainga sa pintuan ng aking silid. Ang isang braso nito ang nakatukod sa mismong pinto, habang nakakapit ang kamay sa hamba. Kamuntik pa nga itong matumba nang bumukas ang pintuan. Kinunutan ko ito ng noo. "May kailangan ka?" Kaagad namang nanulis ang nguso nito at napailing-iling sa tanong ko. "Grabe, ang cold." Bahagya akong natawa. "Baliw." Iningusan lang ako nito. "Bakit nga?" Natatawa pa ring tanong ko rit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD