Chapter Eighteen

2218 Words

"HI." Mula sa mga laruang letra sa harapan ko ay nag-angat ako ng tingin sa may-ari ng baritonong tinig na iyon. Sumalubong sa aking paningin ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa pagitan ng bente singko hanggang trenta anyos ang edad. Nakangiti ito habang nakatunghay sa akin. Bahagya kong ikinunot ang noo ko. "Bakit po?" "Pwedeng maupo?" Tanong nito na itinuro ang upuan sa tabi ko. Natitigilang nilingon ko muna ang upuan na itinuro nito bago ibinalik ang tingin dito at mahinang tumango. "S-sige po." Medyo iniusod ko pa ang inuupuan ko upang bigyan ito ng mas malaki pang espasyo. Ang laki kasi nitong tao. Hindi nga ito bagay sa silid na kinaroroonan namin ngayon. Wala rin naman sa hitsura nito ang mukhang may-asawa at anak na. Sa ayos at tindig nito ay mukhang binata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD