"SORRY NA, OKAY?" Mabilis ang mga kilos ko. Inilabas ko ang bag ko at ipinatong sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay binalingan ko ang cabinet ko at inilabas mula roon ang lahat ng mga gamit ko upang ipasok sa loob ng bag. Iyon lamang lahat ng damit at gamit na dala ko nang una akong dumating sa mansyon ng mga Da Silva. Wala akong dinala sa mga gamit na nanggaling sa kanya. Mabuti na lang at hindi ko pa nailalagay doon ang mga pinamili namin kanina. Nakahimpil pa ang lahat ng iyon sa paanan ng kama. Pagkatapos ng eksena namin kanina sa kusina ay mabilis akong tumakbo sa silid ko upang iligpit ang lahat ng gamit ko. Ang balak ko ay aalis na lamang ako sa bahay na ito. Maaring kailangang-kailangan ko nga ang trabahong ito dahil sa kalagayan ng papa ko, pero hindi naman ako makapapayag na gawi