"HMMM... ANG BANGO, AH..." Malakas akong napasinghap nang mula sa likuran ay bigla na lamang may matitigas na mga bisig na pumaikot sa baywang ko. Mariin akong napapikit at napahigpit ang kapit sa tangan kong sandok. Kahit hindi ko ito lingunin ay kilalang-kilala ko ang may-ari ng baritonong tinig na iyon. Bukod pa sa dadalawa naman kaming tao sa bahay na ito. "A-ahm... S-sir, ma-malapit na pong maluto ito..." napautal pa ako sa pagsasalita nang singhot-singhutin nito ang parteng leeg ko. Ikiniling ko ang ulo ko bilang pamimigil dito sa ginagawa. Bahagya ko pa itong siniko sa sikmura upang palayuin nang kaunti sa likuran ko. "P-pwede po muna kayong pumasok ulit sa kwarto n'yo, at magpahinga. Tatawagin ko na lang po kayo kapag kakain na." Parang biglang-bigla ay nais kong nakaramdam ng