"HAVE YOU EVER had a boyfriend, before?" Mula sa screen ng malaking tv sa harapan namin ay sandali kong nilingon si Sir Kael. Huminga ako ng malalim at saka marahang umiling. Ibinalik ko ang tingin ko sa pinanonood namin kahit wala naman talaga roon ang isip ko. "Wala pa kasi sa isip ko 'yang mga bagay na 'yan noong nag-aaral pa ako." Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang maalala ko ang nakaraan ko. "Maagang nawala ang mama ko, kaya ang papa ko na lang ang mag-isang nagpalaki sa akin. Ang goal ko noon, makatapos ng pag-aaral. Nakakahiya naman kay Papa kung habang mag-isa niya akong itinataguyod, tapos ako puro pakikipag-boyfriend lang ang inaatupag, 'di ba?" Umarko ang gilid ng mga labi ni Sir Kael at tumango-tango. "Hmm... tama. Tama, naman." Inirapan ko ito na tinawana