Chapter Six

2303 Words
PAGKATAPOS NG ARAW na iyon ay mas lalo akong nag-ingat na mapag-isa kasama ang amo kong lalaki. Madalas ko pa rin itong mahuli na nakatingin sa dibdib ko. Kung minsan naman ay malilingunan ko na lamang ito na hinahagod ako ng malisyosong tingin sa likuran ko habang pinatutulog ko, o karga ang kanilang anak. Sa lahat ng iyon ay hindi ako kumibo. Pulos iwas na lang ang ginagawa ko. Katulad nga ng sinabi noong nakilala ko sa simbahan, ay tiyak na hindi rin naman ako paniniwalaan ng amo kong babae kung sakali at magsumbong ako. Baka katulad noong naunang kasambahay ay pagbintangan lang din ako nito na nilalandi ko ang asawa niya. Or worse, makatikim na naman ako ng pananakit mula rito. Pero buo na ang pasya ko. Pagkatapos ng isang buwan ay aalis na ako sa bahay na ito. Tatapusin ko na lang ang pagseserbisyo para sa nauna na nilang ibinayad sa akin, na hindi ko na maaari pang ibalik sa kanila. Kung magtatagal pa ako sa bahay na ito ay baka tuluyan na akong magawan ng hindi maganda ng amo kong lalaki. At hindi ko na hihintayin pa ang araw na iyon. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho rito sa Maynila. Kung talagang wala ay babalik na lang ako sa bayan namin sa Milagros, at doon na lang ako muling susubok na maghanap ng trabaho. Sa ngayon ay kailangan ko na lang munang tiisin ang pagka-manyak ng amo kong lalaki, at sama naman ng ugali ng amo kong babae. Ilang araw na lang naman. MAY pag-asam na nakatingin ako sa malaking kalendaryo na nakadkit sa pader na aking maliit na silid. Isang araw na lamang at makakabuno na ako rito ng isang buwan. Ang ibig sabihin niyon ay makakaalis na ako sa bahay na ito. Naisilid ko na sa bag ko ang lahat ng gamit ko. Iyong mga dala ko rin noong nagpunta ako rito. Ang tangi na lamang naiiwan sa aking cabinet ay ang isang pares ng blouse at maong pants na siya kong ipamamalit sa unipormeng suot ko bukas, bago ako umalis. Huminga ako ng malalim at tumayo na. Umaga na naman, at simula na naman ng bagong araw para sa akin. Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko mula pa kaninang pagkagising ko. Pero siyempre ay hindi ko naman iyon pwedeng sabihin sa mga amo ko. Iniligo ko na lang. Mawawala rin 'to. Paglabas ko ng silid ay dumeretso na ako sa kusina. Nagtimpla lang ako ng kape na paminsan-minsan ay hinihigop ko habang nagluluto ng almusal para sa aking mga amo. Mga bandang alas-siyete ay gising na ang alaga ko kaya't kailangan ko nang magmadali. Gayon pa man, ay hindi pa rin naman ako nagpapakasiguro. Nasa harap ko ang tablet na nakakonekta sa CCTV sa silid nito upang matiyak na mahimbing pa nga ang tulog nito. Buong gabi ko iyong katabi sa aking pagtulog sa pangamba na magising ito sa kalagitnaan ng gabi. Ang mag-asawang amo ko ay bago mag-alas siyete naman bababa para kumain ng almusal. Maaga silang umaalis sapagkat inihahatid pa ng amo kong lalaki ang asawa nito sa trabaho bago ito pumasok sa sarili nitong opisina. Pagkatapos kong magluto ay inihain ko na ang mga iyon sa mesa. Mayroon na ring dalawang umuusok na kape sa hapag para sa mag-asawa. Nang sumapit na ang alas siyete at hindi pa rin bumababa ang mga ito ay nagtaka na ako. Panay na rin ang tingin ko sa tablet sapagkat ano mang oras nga ay magigising na ang alaga ko. Nais pa naman ng amo kong babae na nasa harapan nila ako palagi kapag kumakain sila para daw kapag may iuutos ang mga ito ay naroon lang ako sa malapit. Maya-maya pa ay bumaba na ang amo kong babae. Nakabihis na ito ng pang-opisina. Gahol ang mga kilos nito at halatang nagmamadali. Dinampot lang nito ang tasa ng kape at sumimsim ng kaunti. Ni hindi na nga nito nakuha pang maupo sa hapag-kainan. Takang-taka naman ako kung bakit wala pa, at hindi pa bumababa ang asawa nito. Na nasagot nang magsalita ang amo kong babae. "Hindi na ako kakain, male-late ako kapag kumain pa ako." Kapagkuwan, ay nag-angat ito ng tingin sa akin. "Iyong Sir mo, dalhan mo ng pagkain sa kwarto. Masama raw ang pakiramdam niya at hindi siya papasok. May iniwan akong gamot sa lamesita, ipainom mo sa kanya pagkatapos kumain." Walang imik na alanganin lang akong tumango rito. Hindi pa man nauubos ang tinimpla kong kape ay nagpasya na itong umalis. Baka raw marami nang tao sa sakayan at mahirapan pa siya sa pag-commute. Maulan pa naman ngayong araw. Kaya't siguradong doble pa ang hirap nito sa pagbiyahe. "Aalis na ako, ha. Call me kung anu't ano man ang mangyari sa Sir mo. Saka si Kaycee ha, alagaan mong mabuti. Huwag kang tatanga-tanga." Bilin pa nito sa akin bago umalis. Hindi na lamang ako kumibo at pilit na lamang nilunok ang masakit na salitang natanggap ko mula rito. Isang araw na lang naman. Nang makaalis na ito at mawala na sa paningin ko ay napahinga na lamang ako ng malalim. Nilingon ko ang alaga ko sa tablet na natutulog pa rin. Katulad ng bilin ng amo kong babae ay kumuha ako ng tray at naglagay ng pagkain sa plato para sa amo kong lalaki. Dadalhan ko ito ng pagkain sa taas. Panalangin ko na lamang ay mataas nga ang lagnat nito at halos nagdedeliryo na para hindi na nito makuha pang bumangon at gawan ako ng kalokohan. Paiinumin ko naman siya ng gamot. Pero sana ay mamayang hapon na bumuti ang pakiramdam niya kapag narito na sa bahay ang asawa niya para makasiguradong ligtas na ako. Kahit na sabihin na may sakit ito ay natatakot pa rin ako rito. Lalaki pa rin ito at higit na mas malakas kaysa sa akin. Kayang-kaya pa rin ako nitong gawan ng masam kung nanaisin nito. Nang mailagay ko na ang lahat ng klase ng pagkaing iniluto ko sa isang plato at maikarga sa tray ay binitbit ko na iyon upang iakyat sa itaas. Kailangan ko nang mapakain ang amo ko bago pa man magising ang alaga ko. Pag-akyat ko ay dumeretso na kaagad ako sa silid ng mga ito. Sandali ko munang ibinaba ang tray na hawak ko sa maliit ngunit mataas na mesa, malapit sa pinto ng silid upang mapihit ang seradura. Huminga muna ako ng malalim upang puksain ang kabang unti-unti nang gumagapang sa dibdib ko bago ako mahinang kumatok ng tatlong ulit. Wala akong narinig na sagot mula sa loob. Ilang sandali pa akong naghintay. Inulit ko pa ang katok ngunit wala talaga. Baka tulog. E, di mas maganda. Mas mapapadali ang buhay ko. Ilalapag ko lang ito sa lamesa doon at lalabas na ako. Sasabihin ko na lang na nagising na kasi ang alaga ko kaya iniwan ko na lamang doon ang pagkain niya. Dahan-dahan ay pinihit ko ang seradura ng pintuan. Ingat na ingat ako na makagawa ng kahit na katiting na ingay at baka magising nga ang amo ko. Pagbukas ko ng silid ay sinalubong kaagad ako na malamig na hangin na nanggagaling sa airconditioner sa loob ng silid. Nauna kong isinilip ang ulo ko sa loob. Madilim. Halos ay wala akong maaninag. Nakababa pa ang naglalakihang mga kurtina kaya't hindi magawang makapasok ng liwanag mula sa bintana. Bukod pa sa talaga namang medyo madilim pa sa labas, gawa nga ng pag-ulan. Nakiramdam muna ako sandali. Wala akong naririnig kahit na katiting na pagkilos sa loob. Baka nga tulog pa ito at masama ang pakiramdam. Good. Dahan-dahan, at maingat na maingat kong unti-unting binuksan ang pintuan upang makapasok ako. Binalikan ko ang tray sa pinagpatungan ko niyon at binitbit na iyon papasok ng kwarto. Talagang madilim. Halos ay maaninag ko na lamang ang ibabaw ng kama. Kakaunti lang din ang liwanag na nanggagaling sa hallway, sa labas ng pintuan sapagkat hindi naman sa mismong tapat ng pinto nakatapat ang ilaw doon. Nang masanay na ang mga mata ko sa dilim ay nakita ko ang mesa na pagbababaan ko ng pagkain. Doon na kaagad ako dumeretso at saka inilapag doon ang hawak kong tray. Pagkatapos ay binalingan ko ang bedside table kung saan sinabi ng amo kong babae na iniwan niya ang gamot. Dahil nga nasanay na ang mga mata ko sa dilim ay madali ko na lamang iyong nakita. Dinampot ko iyon at inilagay din sa tray kasama ang mga pagkain upang hindi na maghanap mamaya ang amo kong lalaki kapag iinumin niya na iyon. Awtomatikong napatingin ako sa kama nang makarinig ako ng tila nahihirapang pag-ungol mula roon. May maliliit na paggalaw akong nakikita ngunit hindi nga iyon malinaw sa paningin ko dahil ka kakatiting na liwanag. Pinaningkit ko pa ang mga mata ko at bahagyang lumapit upang makita ko ito ng mabuti. Impit akong napatili at nanlaki ang mga mata ko nang may matigas na kamay na marahas na humatak sa akin kaya't pabagsak akong napahiga sa ibabaw ng kama. Nagkukumahog na akmang babangon ako nang kaagad akong kubabawan ng malaking katawan ng amo kong lalaki at hawakan sa ibabaw ng aking ulo ang dalawa kong kamay. Abot-abot ang kilabot na naramdaman ko sa buo kong katawan nang maramdaman kong wala itong kahit na isang saplot sa katawan. Ang matigas na p*********i nito ay bumubundol na ngayon sa harapan ko. Sa mismong tapat ng pagkabavae ko! Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makapanlaban ngunit sadyang malakas ito. Kahit anong piglas ko ay hindi ko maalis ang kapit nito sa dalawa kong kamay. "S-sir... p-parang a-awa mo na... 'w-wag po..." umaagos na ang luha sa mga matang pagmamaka-awa ko rito. Nararamdaman ko na ang isang kamay nito sa hita ko. Humahagod na paitaas. Ang bibig naman ay pilit na hinuhuli ng halik ang mga labi ko. Nagpapakawala na rin ito ng mahihinang pag-ulos kaya't mas dama ko na ang matigas na pagkaIaIaki nito sa harap ko. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamadaman ko sa mga oras na ito. Pinagsama-samang takot, galit, awa sa sarili... idagdag pa ang pandidiri na nararamdaman ko dahil sa ginagawa nito sa akin. "Sandali lang tayo. Pagbigyan mo na ako..." parang nauulol na pabulong na sabi nito sa akin. "Bitiwan n'yo na po ako..." "Huwag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo. Hindi ka na masasaktan ng asawa ko kapag pumayag kang maging kabit ko. Kung gusto mo, ililipat kita ng bahay. Iyon ang magiging love nest nating dalawa." Anas nito sa tainga ko habang inuulaol ako ng halik doon. Diring-diri ako sa bawat pagdampi ng mga labi at dila nito sa balat ko. Parang gusto ko ring masuka sa mga pinagsasasabi nito sa akin. Hindi pa ako nababaliw para pumayag sa gusto nito. Ilang sandali akong hindi gumalaw. Inipon ko ang lahat ng lakas na mayroon ako. Hindi ako maaaring panghinaan ng loob sa pagkakataong ito. "Hayaan... papayag ka rin pala, pinatagal mo pa." Narinig kong bulong pa nito. Patuloy pa rin ang paghalik sa akin. Ngayon ay nasa leeg ko na ang mga labi nito. Unti-unti ay naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng kapit nito sa mga kamay ko. Inakala marahil talaga na hindi na ako tumututol sa nais nito. Nang tuluyan na nitong binitiwan ang mga kamay ko at kinubkob ang isang dibdib ko ay saka ako nakakuha ng pagkakataon na makakilos ng maayos. Hinawakan ko ito sa dalawang balikat at ubod lakas kong tinuhod ang tigas na tigas na pagkaIaIaki nito. "Argh!" Namilipit ito sa sakit. Sinamantala ko naman iyon upang maitulak ito at mapaalis sa ibabaw ko. "Tarantada kang babae ka!" Namimilipit pa ring mura nito sa akin. "Halika rito at tuturuan kita ng leksyon!" Wala akong inaksayang sandali. Kaagad akong nakababa ng kama at nakatakbo palabas ng silid. Kailangan kong makalayo rito nang husto bago pa ito makabawi sa sakit ng ginawa kong panunuhod dito. Paglabas ko ng gate ay sinalubong ako ng malakas na ulan. Sumigid ang lamig sa buo kong katawan ngunit hindi ko iyon ininda. Kumaripas ako ng takbo papalayo sa bahay na iyon. Nang hindi ko na natatanaw ang bahay ay saka ako tumigil. Naupo muna ako sa may kalakihang bato sa tapat ng malaking bahay at hinabol ko ang paghinga ko. Palingon-lingon pa rin ako sa pinanggalingan ko, sa takot na masundan ako ng amo kong lalaki. Dahil sa lakas ng ulan ay halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Nagpalinga-linga ako at napapaisip kung saan ako pupunta. Hindi naman ako makakauwi sa amin dahil wala naman akong dala ni singko sa bulsa. Kung hihintayin ko naman ang amo kong babae upang sabihin dito ang nangyari at makuha ko ang mga gamit ko, baka baligtarin pa ako ng amo kong lalaki at hindi rin ako paniwalaan ng asawa nito. Ngayon ako biglang parang pinanghinaan ng loob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at saan ako pupunta. Nanginginig na ako sa lamig at gutom na rin dahil wala pa naman talaga akong kinain sa almusal. Huwag nang idagdag pang kanina pa masama ang pakiramdam ko. Mas dumoble pa iyon ngayon. Luminga-linga pa ako. Ni wala akong makitang tao sa daan, dahil na nga rin sa lakas ng ulan. Wala man lang akong makita na maaari kong mahingan ng tulong. Sumandal ako sa pader sa likod ko at niyakap ko ang dalawa kong mga binti. Dasal ko na lang ay hindi ako masundan ng amo ko rito. Sa estado ko ngayon, wala na akong lakas pa para lumaban dito. Sa ganoong posisyon ay unti-unting namigat ang talukap ng aking mga mata. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na napaglabanan ang labis na panghihina. Tila unti-unting tinatangay ang kamalayan ko. Hanggang sa tuluyan na ngang pumikit ang mga mata ko. "Diyos ko, kayo na po sana ang bahala sa akin." Iyon ang usal ko bago ako unti-unting nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD