Naiinip na si Abby kakahintay kay Sarah, Ngayon kasi ay may trabaho sila sa CASA. Siya muna ang pansamantalang pumalit sa kanyang ina dahil sa wakas ay nakinig na ito sa tatay niya na magpahinga muna. Maaga palang ay gagayak na dapat siya papunta doon ngunit ang kanyang kaibigan ay nag full make up pa yata dahil natagalan. Alas 3 medya mamayang hapon ay kailangan niyang magpaalam dahil papasok pa siya sa skwela. Mabuti nalang at hindi nag conflict ang schedule niya sa pag aaral at may panahon pa siyang maglinis at magtrabaho sa mansion o CASA.
Kanina pa siya pabalik-balik ng tingin sa daan sakaling makita at mamataan ang kaibigan na patungo na dito. Mag aalas sais na ng umaga at kailangan pa niyang magluto ng agahan para sa amo nila.
"Sorry best, medyo natagalan ako kasi nagka-lagnat si bunso eh, ayaw magpaiwan. Mabuti nalang at dumating na si tatay." ani sarah na halatang nagmamadali papunta sa kanya dahil hindi man lang nito nagawang magsuklay. Basta nalang nitong itinali ang buhok sa likod.
Nakonsensya naman agad si Abby dahil akala niya nag make up pa ito. May kapatid kasi si Sarah na seven years old at wala na itong nanay kaya ito ang tumatayong ina sa kapatid nito.
"Sana hindi ka nalang muna sumama best. Baka hanapin ka ni junjun." Tukoy niya sa kapatid nitong bunso.
"Ay, okay na best. Nasa bahay na si tatay tsaka sayang din kasi ang sweldo, pambili na din nang gamot ni Junjun 'yon." Tugon naman nito.
"Oo nga naman. Halika na, at baka nagalit na yong amo natin." Sabay hila niya sa braso ng kaibigan at malalaki ang kanilang hakbang na naglakad patungo sa mansion.
Pagkarating ay agad silang naghiwalay ni Sarah at inatupag ang mga dapat na gawin. Dumeretso siya sa kusina at magluluto siya ng agahan para sa senyorito. Mabuti nalang at mukhang hindi pa ito gising dahil wala siyang nakitang tao pagdating nila.
Kasalukuyan siyang nag pi-prito nang biglang may nagbukas ng refrigerator malapit sa kanya. Hindi niya napansin na sumulpot ang amo sa kusina dahil busy siya sa pagluluto. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito o tatahimik nalang. Mabuti at ito na ang unang nagsalita.
"Goodmorning." Baritono at malalim ang boses nitong sabi.
"G-goodmorning senyorito." aniya na hindi ito tinitingnan. Nagkunwari siyang busy sa itlog na niluluto kahit ang totoo ay wala naman doon ang kanyang atensyon.
Hindi din siya makatingin sa lalaki dahil wala itong pang itaas na damit. Mukhang galing ito sa labas dahil pawisan ito. Nag jogging o nag gym siguro ang amo ng maaga. Gayunpaman ay amoy na amoy niya ang pabango ng amo na nanunuot sa kanyang ilong.
"Poor eggs." bigla nitong sabi pagkatapos nitong ibaba ang bote ng tubig na iniinom nito kanina.
Na fucos ang tingin niya sa itlog na kanina pa pala niya niluto at nasunog na iyon nang hindi niya namamalayan. Bigla niyang nabitawan ang sandok at akmang hahawakan ang off nang stove ngunit ang kawali ang nahawakan niya kaya ayon at napaso pa ang kanyang kamay dahilan para dumaing siya.
"Aray!" aniya nang maramdaman ang init ng kawali.
Mabilis naman ang kilos ng amo at ito na mismo ang nagpatay ng kalan bago siya hinawakan sa kamay at hinila patungo sa gripong may malakas na agos ng tubig.
"Why did you hold the pan? You know that it's freaking hot." Anito na nagsalubong ang dalawang kilay.
"H-hindi ko po sinasadya. Papatayin ko sana yong kalan." mahina niyang sabi habang nakatingin sa daliri niyang may paso.
Hindi naman iyon malaki ngunit alam niyang bukas ay mag iiba ang kulay niyon. Sinenyasan siya nang senyoritong maupo sa isang silya.
"Stay there." maikli nitong sabi bago lumabas ng kusina. Hindi nagbilang ng minuto ay agad itong nakabalik at may dala nang ointment.
Nakatingin lang siya sa amo nilang seryoso ang mukha habang nilalagyan ng ointment ang daliri niya. Hindi niya alam na concern pala ito sa mga katulong. Kahit sobrang suplado nito at masungit ay may itinatago pala itong bait sa katawan.
"You're always so out of your mind that you get flustered quickly, Just be careful next time." anito. Tumayo na din ito at iniwan siya sa kusina pagkatapos nitong sabihin iyon.
Napanganga nalang si Abby. Hindi siya makapaniwalang sinabihan siya ng amo na palagi siyang wala sa sarili. Napapadyak siya sa sahig at sinabunutan ang sariling buhok.
Totoo kasi ang sinabi nito. Kapag nasa malapit ang lalaki ay mabilis siyang mataranta. Bakit kaya?
Siguro dahil iba ang aura ng amo niya. Parang kapag nasa malapit ito ay hinihigop nito lahat ng enerhiya sa paligid. Malakas ang dating at parang nakakatakot banggain.
Naiinis din siya sa sarili dahil hindi naman siya ganito sa ibang tao. Wala siyang ideya kung bakit pero iba talaga ang epekto ni Damon sa kanya. Parang may pinupukaw ito sa kailaliman nang kanyang pagkatao. Sa edad niya ngayon ay hindi niya iyon matukoy at wala din siyang balak na alamin kung ano iyon.
Bumuga siya ng hangin at hinamig ang sarili. Kumuha ulit siya ng itlog at inulit ang niluluto kanina. Bacon, hotdog, itlog at garlic rice ang niluto niya kaya amoy na amoy ang bango ng pagkain sa buong kusina.
Sakto namang pumasok si Sarah.
"Ang bango bestie! Ginutom tuloy ako." Sabi nito na pasinghot-singhot pa.
"Tawagin mo na si Senyorito best." Aniya sa kaibigan.
"Ako? Bakit ako? Ikaw nalang." Agad nitong tanggi na may kasama pang iling.
Alam niyang nahihiya ito sa amo nila dahil sa ginawa nito noon sa manggahan. Napahagalpak siya ng tawa ng sabihin niya sa kaibigan na amo nila si Damon at hindi trabahador. Muntik nang malaglag ang panga ni Sarah noon at kahindik-hindik na tili ang pinakawalan nito. Naalala niyang nagpapansin ito kay Damon at napagkamalan pa ngang trabahador.
"Ikaw na kasi." giit pa niya na natatawa.
Nasa ganoon silang pag uusap ng makarinig sila ng pagtikhim. Pareho silang natahimik ni Sarah at nanlaki ang mata.
"K-kain na po kayo Senyorito." sa wakas ay nagawa niyang sabihin.
Hindi man lang ito sumagot at basta nalang umupo sa upuan. Nasa gilid lang sila ni Sarah na parang mga kuting na takot maapakan.
"If I were you two, kakain din ako dahil hindi ko mauubos lahat 'to." Bigla nitong sabi.
Sabay naman silang umiling ni Sarah at sinabing tapos na silang kumain kahit hindi pa naman.
At ang nakakahiya sa lahat ay bigla nalang tumunog ang kanyang tiyan na dinig na dinig sa buong kusina. Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan at magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
"You're stomach says it all." maikling sabi nang amo nila at parang wala lang ditong nagpatuloy parin sa pagkain. Hindi man ito nakangiti ngunit mababakas ang pagka aliw sa mga mata nitong naniningkit.