"Abby?" tawag sa kanya ng ina mula sa kusina. Nasa loob sila ng mansyon at naglilinis.
Linggo naman ngayon kaya wala siyang pasok. Naisipan niyang tumulong nalang sa kanyang ina dahil napansin niyang masama ang pakiramdam nito. Madalas niya itong makitang nahahapo at napapagod sa gabi kapag nasa bahay na sila. Sinabihan na nga niya itong magpunta sila ng doctor ngunit matigas ang ulo ng ina niya at aksaya lang daw iyon ng pera.
Nababahala na siya ngunit wala din siyang nagawa kaya ang gagawin nalang niya ay akuin ang mga trabaho nito. Sinabi na din niyang sa bahay na muna ito at magpahinga ngunit tigas ito sa pagtanggi.
"Bakit po nay?" aniyang bahagyang lumingon sa ina. Nasa sala kasi siya at nagpapagpag ng mga kaunting alikabok.
"Pakilagay nga itong labahin sa itaas. Doon sa kwarto ni Senyorito. Ayoko nang umakyat doon at masakit ang aking paa. Busy pa si Maming sa labas." anito habang binibigay sa kanya ang mga damit na nasa loob ng laundry basket. Maayos na iyong nakatupi at kailangan nalang ilagay sa closet.
Kahit nagdalawang isip ay kinuha niya parin ang labahin at walang salitang umakyat sa hagdan patungo sa taas.
Lumiko siya sa pasilyo kung nasaan ang mga nakahilerang silid at huminto sa tapat ng kwarto ng amo nila. Kumatok siya ng tatlong beses ngunit walang sumagot.
"S-senyorito?" Tawag niya mula sa pinto.
Wala siyang narinig na may tao o kahit anong tunog sa loob kaya nagtaka siya.
Wala bang tao?
Kumatok ulit siya at tinawag ang amo ngunit paring sumagot. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang seradura ng pinto. Mahina niya iyong pinihit at sumilip sa loob.
Walang tao. Pero may naririnig siyang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Ibig sabihin ay naliligo ang amo nila. Wala na siyang inaksayang oras at pumasok na sa loob ng kwarto bitbit ang basket. Naisip niyang magandang pagkakataon iyon habang nasa banyo pa ito kaya kailangan niyang magmadali. Ngunit hindi pa man niya nailalapag ang basket malapit sa closet nito ay biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Napatigil siya at napurol ang hakbang. Nanigas din siya sa kinatatayuan. Lumabas ang lalaki mula sa banyo na munting towel lang ang nakatabing sa ibabang katawan. Inosente siya sa lahat ng bagay ngunit napalunok siya ng makita ang pandesal nito sa tiyan.
Ang dating walang expression nitong mukha ay walang ipinagbago. Hindi man lang ito nagulat kung bakit siya nandito sa loob ng kwarto nito.
"I-ilalagay ko lang p-po ang mga nalabhan na ninyong damit senyorito." Sa wakas ay nahanap din niya ang boses at bahagyang yumuko.
"Okay." Maikli nitong sagot at parang walang pakialam na lumapit sa closet kung nasaan siya at humugot ng damit doon.
"When will you turn eighteen Abby?" Sa gulat niya sa pagsasalita nito ay nabitawan niya ang damit na ilalagay na sana sa closet.
Ramdam na ramdam niya ang lalaki sa kabilang bahagi ng kwarto. Nagulat din siya dahil alam nito ang pangalan niya, wala naman siyang natatandaang sinabi niya iyon sa amo.
"D-dalawang buwan po mula ngayon." aniya sa mahina niyang boses. Ang kamay niyang nanginginig ay pilit na dinampot ang ibang damit para isalansan sa loob ng closet.
"Hm." Narinig niyang sambit ng amo.
"Nanliligaw ba si Pedro sayo?" anito sa malalim na boses.
Nagtaka siya sa tanong ngunit nagsumikap siyang sagutin.
"Hindi po. Kaibigan lang po kami ni Pedro senyorito." sambit niya.
"Hindi ganyan ang nakikita ko sa kanya. That guy is inlove with you. Are you aware with that?" sabi nito na may diin sa boses.
"Bata pa po ako senyorito." Iyon ang nasabi niya.
"Exactly! Bata ka pa kaya mag fucos ka muna sa pag aaral." Anito na narinig niyang nagsuot ng pants.
Tumunog kasi ang garter niyon kaya alam niya kahit nakatalikod siya. Hindi niya alam pero ang awkward ng sitwasyon nila. Nagbibihis ito sa kanyang likod habang nasa loob siya ng silid nito.
"Opo senyorito." sabi niya. Nagpatuloy siya sa ginawa na parang walang gyera na nangyayari sa loob ng dibdib.
"And, Stop saying po ang opo. Feeling ko ako si Daddy. Hindi pa naman ako ganoon katanda." masungit nitong sambit.
Hindi siya nakapagsalita at tinikom nalang ang bibig.
"Tapos na po ba kayong magbihis?" Pilit at nahihiya niyang tanong.Gusto na sana niyang tumayo kaya lang baka nakahubad pa ito kaya nagtanong muna siya.
"Yes." Sagot nito. Narinig pa niya ang mabigat nitong paghinga at ang paglalakad nito palapit sa kama.
Tumayo na siya bitbit ang basket at mahinang humakbang patungo sa pinto.
"Close the door before you leaved." Narinig niyang sabi nito bago pa siya makarating sa pinto.
"Opo senyorito. Ay! Sige po senyorito." Nang mapatanto na walang pinagkaiba ang sinabi ay natutup niya ang bibig.
Nagsalubong naman ang kilay nito na tumingin sa kanya. Parang sinasabi nitong hindi siya marunong sumunod sa utos.
"A-ang ibig kung sabihin, Sige senyorito. Ila-lock ko ang pinto." aniya bago nagmadaling humakbang upang makalabas na ng silid nito.
Nang tuluyan siyang makalabas at masirado ang pinto ay napahawak siya sa dibdib. Wala siyang ideya kung bakit ganoon kalakas ang kabog ng puso. Kahit kailan ay hindi niya pa naranasan ang ganito kaya estranghera siya sa mga ganitong pakiramdam. Ilang segundo muna niyang hinamig ang sarili bago nagsimulang humakbang.
Humahanga ba siya sa amo nila?
"Nahihibang kana Abby! Hindi pwede yang iniisip mo!" kausap niya sa sarili habang naglalakad sa pasilyo.
"Who are you talking?" ang baritonong boses ng amo ang nag patili sa kanya.
Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa matinding gulat. Paano niya hindi napansin na nakasunod pala ito sa kanya? Busy kasi siyang kausapin ang sarili at makipag away sa isip niya.
"W-wala po. M-may naisip lang akong nakakatawa." Sa halip ay sagot niya. Alam niyang hindi ito maniniwala pero iyon ang una niyang naisip na sagot kaya paninidigan niya.
"You don't look like you're laughing at. You seem angry." Kunot noo nitong sabi.
"Ah hindi senyorito. 'Yon po talaga ang naiisip ko. Sige po mauna na'ko sa inyo." Nagmamadali niyang sabi.
Hindi na niya hinintay na sumagot ito at malaki ang hakbang na naglakad patungo sa hagdan. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa katangahan.
Ilang beses nang kapag nagkakaharap sila ng amo ay may hindi magandang nagyayari sa sarili niya. Kung hindi siya nauutal ay natatanga naman siya. Hindi naman talaga siya likas na ganoon. Sa katunayan ay nag iingat siya sa lahat ng bagay o tao na nakakasalamuha niya dahil mahiyain nga siya.
Nang makita siya ng ina ay nagtaka ito sa mukha niya.
"Oh? Anong nangyari sayo at para kang hinahabol ng pitong demonyo? Pawis na pawis kapa. Tapos na ba 'yong pinapagawa ko sayo?" anito. Iba talaga magsalita ang nanay niya dahil dere-deretcho. Sabi nga ng tatay niya ay walang brake ito kung magsalita at parang laging nagmamadali.
"Wala po nay. Napagod lang ako sa hagdan. Ang taas kasi eh." Pagsisinungaling niya. Alangan namang sabihin niyang dahil sa kanilang amo kaya siya nagmamadali?
Baka kurutin na naman siya nito sa singit dahil doon. Hindi pa nga nito nakakalimutan ang kasalanan niya noong nakaraan.
"Oh siya. Ikaw muna ang tumapos sa niluluto ko at ako'y uupo muna." sabi nito .
Tinitigan niya ang ina at namumutla nga ito. Napansin niya din na hindi ito masyadong maliksi tulad ng dati.
"Okay lang po ba kayo nay? I-uuwi ko nalang kaya muna ikaw." Nag aalala niyang sambit at bahagya itong hinawakan sa braso.
"Okay lang ako Anak. Kailangan ko lang umupo muna at magiging mabuti din ang pakiramdam ko maya-maya. Hala sige, tingnan mo yong sabaw na niluluto ko at baka naluto na iyon." Sambit ng ina at tinalikuran na siya.
Tiningnan niya itong maingat na naupo sa silya malapit sa kusina bago siya pumasok sa kitchen.
Napabuntung hininga nalang si Abby at nag iisip kung paano niya makukumbinsi ang ina na magpatingin na sa doctor.