CHAPTER 6

1117 Words
Pagkatapos nilang kumain ni Sarah ay nagkanya-kanya na naman sila nang trabaho. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin nawala ang pamumula ng pisngi ni Abby. Hindi mawala sa isip niya ang kahihiyang sinapit sa harap ng kanilang amo. Gutom kasi talaga siya kanina dahil hindi man lang siya naka inom kahit kape bago umalis nang bahay. At sa daming oras ba naman tumunog ang kanyang tiyan ay sa harap pa talaga ng senyorito. Mabuti nalang ay wala naman itong sinabi kahit alam niyang pinagtatawanan siya nito. Nang umalis nga ito sa hapag ay parang nagdalawang isip pa siya kung kakain o hindi pero hindi rin niya kinaya at naubos pa nga nila ni Sarah ang lahat ng pagkain. Nasa pool area naman siya ngayon at namumulot ng dahong hulog galing sa malaking puno. Nililinis din niya ang swimming pool gamit ang net. Nagpalit na din pala siya ng uniform na pang katulong. Kanina kasi ay hindi dahil dumeretso agad siya sa pagluluto. Medyo masikip at kita ang tuhod ng suot niyang maid's uniform dahil hindi naman ito kanya. Sa dating katulong iyon na sinuot niya dahil hindi nalabhan ang kanya. Kasalukuyan niyang inaabot ang mga tuyong dahon sa gilid ng pool ng biglang may bumagsak sa tubig. Malakas ang splash niyon kaya alam niyang tao ang tumalon. Wala naman silang ibang kasama sa malaking bahay na iyon kundi ang kanilang amo kaya malamang ay si Damon ang tumalon. Nagkunwari siyang busy sa ginagawa at hindi ito tinitingnan. Pero kahit ganon ay nakikita ng gilid ng kanyang mata ang amo na pabalik-balik ang paglangoy. Mga ilang minuto din nito iyong ginawa bago ito nagpunta sa gilid ng hagdan ng pool. Nakita niya itong hinila ang sarili paangat at nanlaki ang kanyang mata dahil swimming trunk lang pala ang suot nito! Napa ubo siya sa malaking umbok na nasa harapan nito at hindi makapaniwala! Ang ulo niyang tumabingi sa pagkakatingin at ang bibig niyang napasinghap ay ang dahilan upang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa pool! Ang buong akala ni Abby ay malulunod na siya. Kakawag-kawag siya sa tubig na parang bebe dahil hindi naman siya marunong lumangoy! Nagpapanic na siya dahil unti-unti na siyang lumulubog sa ilalim. "Tulong!" Namalayan nalang niyang may malalaking braso ang nag angat sa kanya sa tubig at pinasan siya paalis ng pool. "So clumsy as you are." Sambit nito na parang galit na naman. Nilapag siya nang amo sa lounger sa gilid ng pool. Narinig pa niya itong nagmura at nag iwas ng tingin sa kanya. Niyakap niya ang sarili dahil bumakat ang kanyang suot na panloob sa manipis niyang uniform. Nahilamos din niya ang kamay sa mukha at nangaligkig sa hangin na dumapya sa kanyang balat. Mabilis ang paghinga niya dahil sa matinding kaba. s**t! Muntik na siyang malunod! Bakit ba kasi nakikinig siya sa mga ka-klase tungkol sa mga lalaking may malalaki daw ang pototoy na nakikita daw ng mga ito sa magazine! Ayun tuloy pati siya ay nagka agiw na sa utak na muntik na niyang ikamatay. "Wrapped this towel and dry your self." Masungit nitong sabi at binigyan siya ng towel na kulay puti. Tahimik niya iyong tinanggap at pinulupot sa kanyang katawan. Napaiwas din siya ng tingin dahil nasa harapan pa niya ito at wala man lang pakialam na kakarampot lang ang suot. Mukhang wala itong ideya na dahil sa trunks na iyon kaya siya nahulog sa pool! Narinig niya itong bumuga ng marahas at bigla nalang tumalungko palapit sa kanyang gawi at walang pasabing kinarga siya ulit! Hindi katulad kanina ay wala siyang anumang naramdaman dahil sa kaba ngunit iba na ngayon. "S-senyorito, H-hindi na po kailangan. Kaya ko na pong maglakad! Ibaba nyo na po ako." Nauutal na siya at hindi malaman ang gagawin. Dikit na dikit ang mukha niya sa dibdib nito na walang aunumang saplot. Gusto nalang niyang mahimatay sa mga oras na iyon. "Stay still Abby. You're shaking." malalim at walang pakialam nitong sabi. Totoo naman kasing bahagya pa siyang nanginginig. Sa takot ba naman niya kanina ay talagang manginginig siya. "Pero-" "No buts. Just stay still." Mariin na nitong sambit na magpatigil sa kanyang magsalita. Nanahimik nalang siya at hindi na nagreklamo. Pagdating sa loob ng bahay ay nakarinig siya ng pagsinghap. Alam niyang si Sarah iyon dahil kilalang-kilala niya ang boses ng kaibigan. "Anong nangyari kay Abby?" tanong nito na hindi malaman kung sa kanya ba ang tanong o sa amo nila. "Tulungan mo siyang magbihis." Walang ekspresyong sabi nang senyorito. "Oo po. Opo senyorito." Natataranta nitong sagot na sumunod sa kanila. Dinala siya ng lalaki sa guest room at dumeretcho sa banyo doon. Nilapag at pinaupo siya nito sa gilid ng bathtub. Salubong parin ang kilay nito at mabigat ang paghinga. "O-okay na po ako, senyorito." Mahina niyang sabi. Tumango lang ito at walang sinabing tumalikod at lumabas ng pinto ng banyo. "S-salamat."Naging bulong nalang iyon sa pandinig ng lalaki dahil nakalabas na ito ng kwarto. Sa laki ng hakbang nito ay para ito sa the flash sa bilis nitong nawala. "Hoy! Ano yon ha? Bakit may pa karga? Babaeta ka!! "Napaigtad siya sa palo ni Sarah sa balikat niya at naningkit ang mata nitong nakatitig sa kanya. Ngunit ang labi nitong pilya ay hindi napigilang mapunit ng isang mahinang tili. "Wala 'yon no! Nahulog ako sa pool at muntik nang malunod. Naawa lang yon sakin kaya tinulungan ako." Sabi niya na inirapan ito. "Ay! Next time siguro magpapahulog din ako sa pool para sagipin ni fafa Damon!" Humagalpak pa ito ng tawa sa sinabi. "Gaga! Mamamatay naman ako kung sinadya ko yon no!" Aniya. Namula ang pisngi niya dahil naaalala na naman niya kung bakit siya nahulog. Punyeta! "Alam ko naman besty! Hindi ka marunong lumangoy eh. Pero kung ako siguro kahit malunod ako basta may ganon ka gwapo ang magsasagip sa'kin okay lang." Ngisi-ngisi parin nitong turan. Napanganga nalang siya sa kaibigan. Grabe talaga ito kapag gwapo ang pag uusapan, pati buhay isusugal. "Kanina nong nakasunod ako sa inyo, Alam mo yon? Yong muscle best habang karga ka niya at yong pwet! Ang sarap." Hindi parin tumitigil nitong sambit. Malakas pa itong natawa sa reaksyon niya at napa palakpak pa talaga. Umiling-iling nalang siya sa kaibigan dahil sanay na siyang bulgar itong magsalita. Hindi din niya ito masisisi dahil totoo nga naman ang sinabi nito. Napabuntung hininga nalang siya bago nagbanlaw at naligo. Naisip niyang kailan kaya babalik sa dati ang sarili niya? Simula kasi nang dumating dito ang amo nila ay palpak at nagiging tanga siya sa harap nito. Parang wala na siyang ginawang tama kahit wala naman talaga itong ginagawa. Siya lang itong natataranta kapag nasa malapit ang isang Damon El Cuego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD