Sabado ngayon kaya walang pasok si Abby sa skwela. Maaga siyang gumising dahil tutulong siya sa manggahan. Mag ha-harvest ang tatay niya kasama ng ibang trabahador sa hacienda. Siya ang ang mag aasikaso ng mga inumin at kakainin ng mga trabahador kapag nagutom ang mga ito. Dati naman niya iyong ginagawa kaya sanay na sanay na siya sa dapat na gagawin. Bata pa lang kasi siya ay namulat na si Abby na dapat niyang tulungan ang mga magulang dahil hindi naman sila biniyayaan ng yaman.
Paglabas palang niya ng bahay ay nakita na niya ang kaibigang si Sarah na nag aabang sa kanya. Anak din si Sarah ng trabahador sa hacienda at tutulong din ito. Matanda ang kaibigan sa kanya ng tatlong taon dahil 21 na ito. Morena si Sarah at bilugan ang mga mata. Dalagang dalaga na din itong kumilos hindi tulad niya na mahiyain. Marami namang nagsasabing maganda siya. Natural na maputi at mamula-mula ang kanyang balat at matangkad siya sa normal na height ng isang babae, kaya rin maraming hindi makapaniwalang mag e-eighteen palang siya.
"Bilisan mo bestie!" Tawag sa kanya ni Sarah na kinamay pa siya mula sa kinatatayuan.
"Himala ah, ang aga mo." komento niya ng makalapit.
Kadalasan kasi ay siya ang naghihintay sa kaibigan kapag may trabaho sila sa hacienda. Kaya laking pagtataka niya ng mas maaga pa ito sa kanya.
"Syempre! Nagpaganda pa nga ako eh! Alam mo ba, may bago akong dream boy." Kinikilig na sabi nito sabay mahinang tili.
"At sino na naman 'yan? Lahat naman ng nakikita mong gwapo sa paningin mo eh dream boy na agad." aniya, sanay na siya sa ugali ng kaibigan. Mahilig itonsa gwapo at sa akala nitong gwapo. Marami itong crush na binibilang nito ng dalawang kamay.
"Hindi best! Iba 'to. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon ka gwapong nilalang sa balat ng lupa. Parang adonis sa gitna ng kagubatan, Nag niningning!" Nangangarap nitong sambit.
Napailing nalang siya sa kaibigan at hinila na ito patungo sa daan sah manggahan.
"Grabi! Ayaw mong maniwala? Promise! Ipapakita ko sayo best. Napaka perpekto niya at walang kasing kisig!" hindi talaga paawat nitong sabi.
"Baka naman imortal yang nakita mo Sarah? Wala naman akong nakitang ganyan dito satin." Biro niya.
"Meron! Nakita ko siya kahapon na nangangabayo eh, kaya imposibleng namamalik mata lang ako. Di kaya bisita 'yon sa CASA?" anito.
Napaisip naman siya sa sinabi ni Sarah. At nang napagtanto ang sinasabi nito ay bigla nalang siyang natigil sa paglalakad.
Hindi kaya...?
Wala namang ibang bagong mukha sa loob ng hacienda kundi ang Senyorito. Si Damon El Cuego, kailan lang din niya nalaman ang pangalan nito dahil nabanggit ng kanyang ina.
"Oh bakit ka natigil?" Si Sarah na nagtataka sa kanya at nakakunot ang noo. Hindi niya mapigilan ounain ang kilay nitong parang nike dahil sa inilagay na make up.
"W-wala, tara na nga." siya na ang humila sa kaibigan upang mapabilis ang pag lakad nila.
Hindi parin ito tumitigil na e kwento sa kanya ang tungkol sa dreamboy nito kuno. Kung gaano ka gwapo at katangkad. Hindi naman siya interesadong marinig dahil alam na niya iyon.
Sa katunayan ay dalawang beses na nga niya itong nakausap. At tingin niya ay hindi ito ang tipong lalaking pwedeng pangarapin. Lalo na nang mga tulad nilang dukha. Bukod sa suplado ang lalaki at masungit ay ubod din ito ng yaman. Marami daw itong negosyo hindi lang sa pilipinas kundi pati narin sa bansa kung saan ito nanggaling. At isa pa imposibleng mapansin sila nito, sa nakikita niya ay mas gugustuhin siguro nitong maging nobya ay yong may sinabi sa buhay at hindi basta-bastang babae.
Nang makarating sa manggahan ay nagitla siya sa nakita. Maraming babaeng nagkukumpulan sa gilid ng manggahan at nakatingin sa isang tao. Partikular sa lalaking pawis na pawis na na naghaharvest ng mangga. Pati si Sarah ay halos mangisay na sa kanyang tabi.
Sino ang hindi? Si Damon El Cuego lang naman iyon! Tumulong pala ito sa pag harvest at parang wala lang sa lalaki ang bigat ng isang sakong mangga na nasa balikat nito. Kahit pawisan ang mukha ay papasa parin itong modelo. Wala rin siyang arteng nakita sa lalaki at parang sanay na sanay ito sa ginagawa. Nakasuot lang din ang amo nila ng sandong kulay gray at bakat na bakat ang mga pandesal nito sa tiyan. Ang magulo nitong buhok ay ipinusod nito sa likod upang hindi makadisturbo sa mukha nito.
"Siya 'yon best! Siya yong adones na sinasabi ko sayo. Trabahador pala siya ng hacienda." Patili at mahinang bulong ni Sarah sa tabi niya. Kulang nalang ay magpapadyak ang kaibigan at tumulo ang laway habang nakatingin sa lalaki.
Gusto niyang sabihing amo nila ang lalaki at hindi trabahador pero hindi na niya nasabi dahil bigla nalang itong umalis sa tabi niya at nagkunwaring may inaayos sa mesa kung saan ang mga pagkain. Nasa malapit na din kasi si Damon na nagpapahid ng pawis sa mukha gamit ang t-shirt nito. Wala din itong paki alam kahit pinag titinginan na ito. Siguro ay sanay ang lalaki na nakakakuha ng atensyon.
Mahina siyang naglakad patungo sa mesa. Dito naman talaga dapat siya pumwesto dahil ito ang magiging trabaho niya.
Nagsimula na siyang ayusin ang mga inumin at kakanin at inilagay sa dahon ng saging. Si Sarah naman ay parang inasinan sa gilid niya na panay ang hagikhik kahit wala namang nakakatawa. Likod lang nang amo ang nakikita niya dahil nakatalikod ito sa gawi nila.
Pati ang mga babaeng anak ng mga trabahador sa hacienda ay nagkukumpulan sa lilim ng mangga at panay din ang papansin ngunit hindi man lang tinapunan ng tingin ng lalaki.
Nagfucos nalang siya sa ginagawa at hindi na pinansin ang mga ito. Pati si Sarah ay hindi na nita pinagtuunan ng pansin.
"Hmm Abby, pwede makahingi ng tubig?" Si Pedro ang binatang trabahador na anak ng dati ring katulong sa CASA. Parehas silang studyante ni Pedro sa college na pinapasukan niya ngunit nasa huling taon na ito.
"Sige, kuha ka diyan Pedro. Malinis ang mga 'yan." Aniya na tinuro ang water jag at baso na nasa mesa.
"Madumi kasi ang kamay ko Abby. Pwede bang kuhanan mo'ko." Ewan niya pero namumula ang mukha ni Pedro. Kundi dahil sa init ng araw ay hindi niya alam. Parang nahihiya din ito sa kanya at hindi makatingin ng deretso.
Nakita niyang madumi nga ang kamay nito. Ngumiti siya at tumango, kumuha din siya ng malinis na baso at siya na ang kumuha ng tubig at ibinigay kay Pedro.
Ang totoo ay ilang beses nang nagpapasaring si Pedro sa kanya. Palagi siya nitong sinasabayan sa paglalakad pauwi sa hacienda. Gwapo din naman si Pedro ngunit yong normal na gwapo lang. Hindi katulad ng amo nila na parang perpekto ang pagkakahulma.
Pagkatapos nitong uminom ay inilapag nito ang baso sa mesa.
"S-salamat Abby. Ang bait mo talaga." ngiti nito sa kanya.
"Sus, parang 'yon lang binola na agad ako." Pairap niyang sabi na may ngiti din.
Kaibigan na kasi ang turing niya kay Pedro dahil mabait ang binata sa kanya. Tinutulungan din siya nito kapag may project sa school.
"Can I have a one glass of water?" Baritono ang boses na narinig niya sa likuran ni Pedro. Napatingala pa siya dahil sa tangkad nito na halos sa leeg lang ang tangkad ni Pedro.
"S-enyorito, kuha lang po kayo ng tubig sa water jag. Malinis na malinis po yan." Ewan niya pero nauutal talaga ang dila niya kapag nasa harapan ang amo nila. Seryoso kasi lagi ang tingin nito.
Nakita niyang tumaas ang kilay nito sa kanya at tumingin sa water jag. Napasunod naman ang tingin niya doon.
"So, Pedro is only the exempted huh. Nagtrabaho din ako at madumi din ang kamay." Sabi pa nito sa kanya. Nagtataka nga siya sa sinabi ng amo.
Matagal bago niya nakuha ang ibig nitong sabihin. At nang matanto ay mabilis niyang kinuha ang baso at naglagay ng tubig galing sa jag. Nanginginig ang kanyang kamay na ibinigay iyon sa amo nila.
"I-ito na po. Pasensya na." Hingi niya ng paumanhin. Kinuha naman nito ang baso ng tubig at agad nilagok. Kahit umiinom ito ng tubig ay nakatingin parin ito sa kanya. Napaiwas nalang siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito.
"Back to work Boy. May oras para manligaw." Sabi pa nito kay Pedro bago tumalikod at naglakad patungo sa mga trabahador.
Nanlaki ang mata niya sa narinig at pati si Pedro ay agad din tumalikod na kakamot-kamot sa ulo.
Akala ba nito ay nagliligawan sila ni Pedro?