Ilang beses nang bumalik si Abby sa CASA pero hindi na niya ulit nakita ang senyorito. Nagsimula na din ang klase niya kaya naging busy na siya sa pag aaral at minsanan nalang kung tumulong sa kanyang ina. Hindi na siya masyadong nagagawi sa CASA nitong mga nakaraang araw.
Papauwi na siya ng hapong iyon at naglalakad siya sa gilid ng lubak na daan. Mahaba pa ang lalakarin niya at puro palayan ang nakikita sa buong paligid. Nagtitipid kasi siya ng pamasahe kaya nilakad na niya ang kahabaan ng daan patungo sa Hacienda El Cuego. Sanay naman ang paa ni Abby maglakad kaya walang problema doon. Sa katunayan ay tinuturing niyang ehersisyo ang paglalakad.
Deretso ang tingin niya sa paroroonan niya ng biglang may bumusina sa kanyang likod. Napaigtad siya sa gulat at napasiksik sa gilid ng damuhan. Muntik pa siyang masubsob sa putikan kung hindi lang niya napigilan ang sarili.
"Ay!" patili niyang turan at agad nilingon ang sasakyang walang habas na bumisina sa likod niya kahit wala namang dahilan. Huminto pa ito sa kanyang tapat mismo kaya hinintay niyang ibaba nito ang bintana.
Bihira ang sasakyan sa gawing iyon dahil iyon ang nag iisang daan patungo sa Hacienda at tanging mga trabahador, bisita o may-ari lang ang dumadaan.
Tumuwid siya nang tayo at handa na sanang bugahan ng apoy ang kung sino'mang hombre na gumulat sa kanya kung hindi lang ito nagbukas ng pinto at sumilip sa kanya mula sa loob.
Umatras ang tapang at dila niya ng mapagsino ang may ari ng pulang sedan. Ang anak ng amo ng kanyang mga magulang! O mas tamang sabihing ang kanilang amo dahil ito na ngayon ang mamamahala sa mga negosyo ng mga El Cuego pati ng buong Hacienda. Napatda siya sa kinatatayuan at tumakbo palayo ang kanyang boses dahil hindi man lang siya nakapagsalita.
"Hop in." Malagom at malalim ang boses nitong sabi. Walang anomang ekspresyon ang mababanaag sa gwapong mukha nito kundi kunot na noo.
"H-hindi na po senyorito, O-okay lang po na maglakad ako. S-sanay na po ako." Umiiling-iling siya. Hindi pa niya nakakalimutan ang kasalanan niya dito at baka bigla nalang siyang sakalin ng lakaki sa loob ng sasakyan nito. Iba kasi ito tumingin, parang may galit sa mundo at hindi marunong ngumiti.
"None sense. I said hop in. I want you to do something for me." matigas na english nitong sabi.
Dahil sa narinig ay nagsalubong ang mga kilay niya.
"Ano po yon senyorito?"
"Stop asking and hop in the car, now." Masungit nitong sabi. Ang mukha nitong naiinis ay dumako sa kanya kaya dali-dali siyang humakbang papasok sa loob ng sasakyan.
Parang mapuputol ang kanyang paghinga ng tuluyan na siyang makapasok at nalanghap ang mabangong amoy nito. Kasing bango ng katabi niya ang sasakyan, hindi masakit sa ilong at nakaka ginhawa sa pakiramdam. Bahagya siyang pumikit at pinuno ng mabangong amoy na yon ang hininga at dibdib. Minsan lang siya makakasakay sa ganito kamamahaling sasakyan kaya lulubusin na niya.
"What are you doing?" untag nito bigla.
Napadilat at napahawak siya sa dibdib ng marinig ang nagsalita. Bakit ba niya nakalimutang may katabi pala siya?
"Ah, eh w-wala, wala po senyorito." pinilit niya pa ang bibig na ngumiti kahit ang awkward na nang sitwasyon niya.
Hindi na ito sumagot at pinaandar na ang sasakyan.
"How old are you? Are you working?" Sa gitna ng kanyang pananahimik ay binasag iyon ng katabi.
"Galing po ako sa paaralan senyorito. Nag aaral pa po ako." mahina niyang sabi.
"In college? Graduating I guess." tanong nito ulit.
Kahit naguguluhan kung bakit naging interesado ang amo ay nagsumikap siyang sagutin ito ng maayos.
"First year palang po." sagot naman niya.
"Why?"
Nagsalubong ang kilay niya. Bakit ganon ang tanong nito? Hindi ata nagustuhan ng amo ang kanyang sagot.
Tumikhim ito at lumingon sa kanyang gawi.
"How old are you again?" Anito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"17 po. Mag 18 palang sa mga susunod na-"
Bigla nalang nitong inihinto ang sasakyan sa gitna ng daan at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Napatda naman siya sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin.
"f**k! You're what?" ang kaninang salubong nitong kilay ay mas nadepina na ngayon.
"Mag e-eighteen pa lang po s-senyoriyo. Bakit po?" mahina at kinakabahan niyang sagot.
Hindi na ito sumagot at pinaandar ulit ang sasakyan. Napatingin siya sa side profile ng kanyang amo.
Matangos ang ilong, makapal na kilay, Makinis ang mukha. At labi, na kasing pula ng mansanas. Kahit mukha itong galit ay hindi matatawaran ang gwapo at perpekto nitong mukha na binagayan ng magulo nitong buhok.
At ang mata nitong malalim kung tumingin. Parang kay seryoso at binabasa ang laman ng isip ng isang tao kapag nakikipagtitigan sa kanyang amo.
"Staring is rude." Anito na nagpagulat sa naglalakbay niyang sarili. Masungit parin ang tinig nito at parang galit.
Agad siyang nag iba ng tingin at pinagsiklop ang mga kamay sa kandungan.
Ipinagpasalamat niyang nakarating na sila sa loob ng hacienda. Paghinto ng sasakyan ay akmang bubuksan na niya ang pinto ngunit ayaw iyong mabuksan.
"S-senyorito.. Ayaw po bumukas eh." nakangiwi niyang sambit.
Tumingin lang ito sa kanya at ayan na naman ang klase ng tingin nito na nagpakabog sa kanya. Takot at pag aalinlangan ang naramdaman ni Abby.
Hindi nagbilang ng minuto ay may pinidot ang lalaki sa harapan nito at agad na niyang nabuksan ang pinto ng sasakyan. Naka locked pala iyon kanina.
Lalabas na sana siya ng may maalala.
"S-senyorito? Ano nga uli yong ipapagawa mo sakin?" tanong niya sa amo.
Parang wala itong narinig kaya tumikhim siya at inulit ang sinabi.
"M-may ipapagawa ka pa po ba?" mahina niyang tanong.
"Forget that. Umuwi ka na." maikli nitong sabi.
"Talaga po? Eh baka po may ipapagawa po kayo kasi iyon yong sinabi niyo kanina eh." hindi kumbinsido niyang sagot sa lalaki.
Nagbago na ba ang isip nito? Feeling niya talaga ay may galit pa ang amo niya sa kanya dahil sa nangyari noong una niya itong makita.
Nag isang linya na naman ang kilay nito sa kanya at napangisi ng nakakatakot.
"I just said , go home kid. Hindi mo magugustuhan ang ipapagawa ko sayo kaya sumunod ka nalang. Is that clear?" Malamig nitong turan na titig na titig na mata niya.
Tila may bumalot na yelo sa buong paligid at nanayo ang balahibo ni Abby.
Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Gusto niya pa sanang magtanong kung anong ibig nitong sabihin pero nakalabas na ito ng sasakyan kaya sumunod agad siya.
Malaki ang hakbang nito patungo sa entrada ng mansyon at basta nalang iniwan ang sasakyan sa labas. Nakasunod lang ang kanyang tingin sa amo nila na parang hari na naglalakad sa palasyo nito. Dominante at dalang-dala ang sarili dahil sa taglay nitong tangkad.
Hindi maalis sa isip niya ang sinabi nito. Anong hindi niya magugustuhan? Papahirapan ba siya ng amo nila dahil may kasalanan siya dito?
Napadasal nalang siya sa isip na sana nga ay nagbago na ang isip nito..Mabilis siyang naglakad at tinahak ang manggahan upang makarating sa kanilang munting bahay na nasa loob lang din ng hacienda EL Cuego.