Hindi alam ni Abby kung anong oras na siyang nakatulog nang nagdaang gabi, basta namalayan nalang niyang may tumilaok nang manok sa labas ng bahay nila. Hindi siya dalawin ng antok at nakatingin lang sa bintanang nilabasan ng senyorito at nakatanga doon. Hanggang sa umabot ng siya ng umaga bago nakatulog. Mabuti nalang at linggo ngayon kaya pwede siyang matulog ng buong araw at iyon nga ang kanyang gagawin. Matapos niyang maglinis ng buong bahay kinaumahan ay natulog agad siya kaya gutom na gutom siya ng gumising. Nagmadali siyang magluto ng adobong kangkong at nilamnan ang tiyan. Pagtingin niya sa oras ay alas tres na pala ng hapon at napahaba talaga ang tulog niya. Naligo na din siya pagkatapos kumain dahil pawis na siya dahil sa init ng panahon. Saktong natapos siyang maligo nang