Huminto ang sasakyan nang senyorito sa isang napakalaking hotel. Sa buong buhay ni Abby ay ngayon lang siya nakatapak sa isang magarbo at napakagandang hotel na katulad nito. Pinagbuksan siya ng lalaki nang pinto at inalalayan siyang makalabas. Medyo nanibago pa siya sa kanyang suot na mataas na heels pero pinilit niyang umaktong normal. May lalaking naghihintay sa labas na nakasuot ng itim na americana at agad yumukod ng makita sila. Nakita niyang binigay ni Damon ang susi doon bago sila naglakad papasok sa entrance ng marmol granite na sahig na nilalakaran nila. Wala siyang ideya kung anong klaseng event ang kanilang dadaluhan pero nang makarating sila sa venue ay nais niyang mahiya. Nagkalat sa loob ng bulwagan ang nagagandahang babae na kay gagara ng mga damit. Parang mga model ang a