Nanigas nalang si Abby nang bigla siyang lamukusin ng halik ni Damon! Nanunudyo ang halik na ibinibigay nito.. Nakakapanuyo ng lalamunan at nakakapanindig ng balahibo. Gayun paman, pinilit niya ang sarili na makawala sa mga bisig ng lalaki pero para lang siyang nagtulak ng sementadong pader dahil sa lakas nito. Siguro ay kulang din ang pwersang ibinibigay niya dahil nagsimula nang manlambot ang kanyang tuhod. Sa wakas ay binitawan nito ang labi niya. Bahagya pa itong hiningal pero hindi naman siya tuluyang binitawan. Hawak parin siya nito sa bewang ng mahigpit at pinaupo siya sa kama. Lumuhod ito sa kanyang paanan kaya naasiwa siya ng magpantay ang kanilang tingin. "Did you understand what I just said Abby?" Anito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang magulo nitong buhok ay ba