Nakarating sila Abby sa hacienda na walang imikan dalawa sa sasakyan. Nakayuko lang siya sa buong durasyon ng byahe nila. Tahimik lang din ito at parang may malalim na iniisip. Para sa kanya ay mas mabuti iyon kaysa ungkatin pa nito ang nangyari sa kanila. Hanggang sa lumabas na siya ng sasakyan ay wala parin silang imikan. Dumeretcho na siya sa bahay nila dahil maglalaba pa siya. Bukas na siya papasok sa CASA dahil tiyak na malinis na din doon ngayon. Marami din namang katulong sa malaking bahay na iyon at hindi magkakaproblema kahit ilang araw siyang wala. Mas magkakaproblema siya kapag hindi pumasok at magtrabaho dahil mawawalan siya ng kita at wala din siyang allowance. Pagdating sa bahay ay ginawa na niya lahat ng gawain at nagluto na din ng hapunan. Siya naman pagdating ng kanyan