Unang bumungad kay Abby ang maliwanag na sinag nang araw sa buong silid. Sandaling hindi rumehistro sa kanya ang mga nangyari at nablangko ang utak. Marahan siyang pumikit at bumalik sa paghiga. Masakit ang buong katawan niya at ang gitnang hita. Doon lang niya napagtanto nang bumalik sa kanya lahat ng nangyari. Natampal niya ang noo at nilingon ang katabi ngunit wala nang tao roon. Mag isa na pala siya sa kama at walang suot na damit. Mabilis siyang bumangon para lang mapahiga ulit dahil parang binugbog ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan partikular ang kanyang p********e. Nahihilo din siya at masama ang pakiramdam pero pinilit niya parin tumayo ulit. Tiningnan niya ang maliit na orasan sa bedside table at nanlaki ang mata ng makita na alas nuebe na nang umaga! Kung ganoon ay dito