Nang makarating si Abby sa bahay nila ay nagpahinga muna siya saglit. Ilang minuto nalang at pupunta siya sa CASA para magtrabaho. Si Pedro naman ay nasa bahay na nila pagkahatid sa kanya. Wala silang kibuan ng lalaki habang nakasakay siya sa motor nito, sa kanyang palagay ay nag iisip din ang lalaki kung bakit ganoon ang aktuwasyon ng kanilang amo. Pati siya ay naguguluhan sa ginagawa ni Damon. Ang pag kakaintindi niya sa pag usap nila ay hanggang kama lang ang kanilang relasyon. ngunit bakit ganoon ito kung maka akto na para bang takot itong sagutin niya si Pedro? Na para bang nagseselos ito? Hindi na niya alam! Naghanda nalang si Abby sa kanyang uniform at inipit ang buhok sa likod. Pagdating niya sa CASA ay katulong ang bumungad sa kanya sa malaking pinto na para bang siya talaga