Parang tuod si Abby habang nakasakay sa chopper ni Damon. Biglaan lang ang kanilang pag alis at ngayon nga ay nandito na naman siya sa kinatatakutan niyang sasakyan. Kahapon ay biglang tumawag si ate Sasa sa lalaki at sinabing magpapakasal na daw ito at si Kean apat na araw mula ngayon. Nais daw nitong magbakasyon siya at gawing abay nito sa kasal kaya pinasama siya nito kay Senyorito Damon. Nagdalawang isip pa siya kung sasama pero sabi ni ate Sasa ay magtatampo ito kung hindi siya makakapunta. Kaya wala siyang nagawa kundi mag impake agad ng mga oras na iyon. Mukhang hindi din papayag ang lalaki kung hindi siya sasama dahil ginatungan pa nito si ate Sasa kahapon. Masaya siyang marinig ang magandang balita mula sa babae. Kahit alam naman niya doon ang patutungohan ng dalawa ay nabigla pa