Chapter 17

987 Words
~Athena's point of view ~ "Ano ka ba nagbibiro lang ako. "Naiiyak na rin si Gelay. Naroon na kami sa isang fast food chain na malapit.. Panay kasi ang hikbi ko roon at paghingi ng tawad sa kanya. "Naiintindihan naman kita Athena.. Pero kung gusto mong makabawi...Umatend ka sa kasal ko. " Nagniningning ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Talaga? Wow! congrats Best.... " "Iyon lang ba? Hindi ka man lang ba..O-oo sa imbitasyon ko sayo?" umingos ito kaya natatawa ako.. wala parin itong pinagbago. "Toh naman! Syempre gusto ko naman kaya lang...."sinadya kong bitinin ang sasabihin ko at mukhang na gets nya naman ito.. "Alam ko na yang ibig mong sabihin kaya nga hindi ko pa sinasabi sayo ang mapapangasawa ko..Gues who?"pambibitin din nito.. "Ha? kilala ko ba? " Nakangiti itong tumango tango. "Sino? "excited akong malaman.. "Si Ken.. " Awtomatikong napataas ang isa kong kilay.. "Sinong Ken? "isa lang naman ang kilala kong Ken.. Iyon ay ang kaibigan ni Ace. Bumilis ang t***k ng puso ko. "OMG! S--si Ken? Ken Delos Santos? " Ngumiti ulit ito at sunod sunod na tumatango na animo'y kinikilig parin. "P-paanong----?"nagtataka parin ako at hindi makapaniwala sa mga nalaman ko. "Ano ka ba... Matagal ng kami .. simula noong umalis ka..On and off nga lang ang relasyon namin. Pero itong kasal namin totoo na ito.. " "Congrats Best... I'm so happy for you.. Finally... "Kinikilig na rin ako sa kanila. "Salmat... Pero pupunta ka ha? next month na iyon? magtatampo na talaga ako kapag hindi ka dumating ..." "Kaya lang kasi... " "Ayan ka nanaman.. kung si Ace lang don't worry.. ikakasal na yon. " "I-ikakasal? bakit? hindi ba natuloy ang kasal nila ni Sophie? " "Oo eh.. Ayon na nga.. Noong umalis ka hindi naman natuloy ang kasal nila eh. Iilan lang kaming nakaka alam nito kasi syempre kahihiyan din naman nila iyon. Itong si Jerome at si Sophie eh may relasyon pala. Natuptop ko ng kamay ko ang bibig ko dahil sa mga nalaman ko. "Ano? "gulat na gulat talaga ako . "Oo, patapusin mo muna ako.. Ikaw kasi saang planeta ka ba kasi nagtago at ang hirap mong hanapin.! "tila nainis pa ito saakin. Hehe "O'sige na continue na... " "Ayon na nga.. kami kami lang din nakaka alam na nabuntis ni Jerome si Sophie.. Para makaiwas sa tsismis na rin nangibang bansa din agad iyong dalawa. Alam mo ba si Ace, halos mabaliw sya ng kahahanap sayo... " Parang kinurot naman ang puso ko sa mga nalaman ko. "Kung makikita mo siya ngayon.Ibang iba na sya sa dati.. Kung dati ang tingin mo lang sa kanya Leon.. ngayon siguro aakalain mo na siyang Beast!!.Dahil sa pag ugali nya na parang kakainin ka ng buo ...Ang laki na ng pinagbago nya best... Bumait na sana sya kung hindi ka lang umalis.." "P-pero di ba nga sabi mo ikakasal na din ulit siya? " "Oo iyon ang sabi ni Ken at ng mga kaibigan nya.. " 'Paano kapag nagkita kami sa kasal mo. I'm sure na nandoon din siya.." "Don't worry best.. naka move on na din naman yata iyon sayo.. Ilang taon na din naman kasi siyang hindi na nagpapatulong saakin na hanapin ka.. Baka naka move na rin siya.. Ikaw? kanina pa ako nagkukuwento.. Ikaw naman ang magkuwento sa buhay mo.. Ano may asawa ka na ba may mga anak? Pero I'm sure wala ka pang anak.Pano ba naman kasi mas lalo kang gumanda at ang sexy mo pa rin... " "Naku, nambola pa.. eh pareho pa rin naman tayo.. Wala pa best.. bussy pa ako sa trabaho kaya wala pa.. "mas mabuti na munang i lihim ko muna ang tungkol sa anak ko.. Lalo pa at nalaman kong kaibigan pala ni Ace ang mapapangasawa nito.. Paano kung kunin niya saakin ang anak ko. Natakot ako bigla lalo pa nalaman ko sa mga kwento nitong malaki na ang pinagbago nya.. Sorry ulit best.. Another pagsisinungaling ko nanaman.Kakayanin ng konsensya ko na na ilihim sa kanya ang tungkol sa anak ko.Dahil paano naman lamang kapag nalaman ni Ace ang tungkol sa bata I'm sure gagawa ito ng paraan para makuha saakin si Axel. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil mayaman ito at maimpluwensyang tao.Magagawa nito ang kahit na ano lalo pa't iniwan ko siya ng ilang taon. Kung nagdusa siya mas nagdusa rin ako ng mahabang panahon. "Si Ace na nga pala ang Congressman saatin...Wala lang, sinasabi ko lang baka interesado ka... "tila nanunudyo pa ito... "Best... Ano ka ba matagal na panahon na iyon.. " "Sabagay tama ka dyan at dahil nagkita na tayo ikaw na ang magiging maid of honor ko....Excited na ako..." Hindi na ako makatanggi.. Ano ng gagawin ko..? "Sino Ang Best ma---" "Si Denver... Kaya lang sa Beach Resort nila Ace ang wedding namin eh.. Pero best sisisputin mo naman ako sa kasal ko di ba?" Gusto kong matawa dito.Nagdududa itong hindi ako attend sa kasal nito.. "Sige na nga...Minsan lang ito mangyayari sa buhay mo at ayuko naman na ako pa ang sisira di ba? Gusto ko rin namang makabawi sayo..." "Ayan...I'm so excited na talaga..." Lumapit pa siya saakin at yumakap. Namiss namin ang isa't isa kaya pagkatapos naming kumain ay nag ikot ikot muna kami.Tinawagan ko rin si Paul para sabihin na hindi na muna ako makakasabay sa kanya.Pumayag naman ito at sinabing mauuna na ito sa Hotel na tinutuluyan namin pagkatapos ng meeting nito at doon nalang ako hihintayin. Marami pa kaming napagkwentohan ni Gelay.Dahil nga namiss namin ang isa't isa kaya inabot na kami ng gabi. Hindi na rin ako tumanggi ng mag alok ito na ihatid ako sa Hotel. Ipapakilala ko sana siya kay Paul kaya lang tinawagan na ito ni Ken kaya nagmamadali na rin itong nagpaalam. Babalik na rin Kami bukas ng Palawan kaya sabi ko sa kanya before the wedding nalang kami ulit magkikita. Pumayag naman ito saka ito nagpaalam na aalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD