Chapter 18

1173 Words
~Athena's point of view ~ Pabalik na kami ngayon ng Palawan.Naikuwento ko kay Paul ang pagkikita namin ni Gelay at nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa pagkuha nito saakin bilang maid of honor sa kasal nito. "Kung hindi ka lang naman komportable kapag nagkita kayo doon ng ex boyfriend mo eh, di magpaalam ka na agad pagkatapos ng kasal nila para makaiwas ka na din.." "Tama ka naman dyan eh pero mali ang sinabi mong ex boyfriend ko..wala namang kami..." Tumawa ito at itinaas pa ang dalawang kamay na animo'y susuko.. "Okay.. okay. Panalo ka na.Pero ano bang plano mo ,Paano si Axel? " "Iyon na nga sana ang ipapakiusap ko sayo Paul,pwede ko ba kayong isama?" "Sabi mo hindi nila alam ang tungkol kay Axel? " "Hindi nga.. Ang balak ko kasi isasama ko kayo pero hindi kayo magpapakita sa kanila total naman bakasyon na nila Axel sa susunod na buwan.Hindi ko kasi kayang malayo sa anak ko kaya pagkatapos ng kasal ni Gelay aalis na din kaagad tayo.. " "Ano? nasisiran ka na ba? Paano kapag nakita nila si Axel? " "Kaya nga sabi ko magtatago lang muna kayo. Huwag kayong lalabas hanggat hindi pa ako bumabalik. Please Paul pumayag ka na.. " "Hay naku, ginawa mo pa akong baby sitter... " "Sige na Paul...Please...? "Sige na nga... Matatanggihan pa ba kita.. Ngayon lang naman ito .." Napatalon talon ako sa tuwa at yumakap sa kanya.. Maasahan ko talaga ito...Nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko ito.. Siya ang tumulong saakin makabalik sa pag aaral at tumutulong sa business ko na Salon.. Ngayon nga ay lumalago na ito at nagkakaroon na ng mga branches, kaya naman kahit papaano'y may ikinabubuhay kami ng anak ko at may pangtustos ako sa pag aaral naming mag ina.. Nakakapag aral din ang anak ko sa isang malaking private school... "Salamat.. salamat! " "Your welcome, " ............................................................... Sumapit Ang kasal ni Gelay.Sa isang malaking Hotel sa bayan namin tumuloy sina Paul at ang anak ko. Hindi na ako makatanggi ng itong Hotel ang pinili niya. Nahiya na rin akong sabihin na huwag na sa hotel na ito dahil alam kong napilitan lang itong sumama saakin.Hindi rin naman sila makakapamasyal dahil sa itinatago ko iyong anak ko. "Puwedi naman siguro kaming mamasyal Athena.. Wala namang makakakilala saakin dito. Iisipin nila turista lang kami dito ng anak mo...Gusto ko rin naman makita ang lugar nyo.." Tumingin ako sa anak ko na mahimbing ng natutulog sa kama dahil sa pagod na rin siguro sa byahe. "Sige... pero saglit lang kayo ha? Ipangako mo ingatan mo ang anak ko ha? Babalik din kayo agad.. " "Promise!!!! " "Babalik din naman agad ako pagkatapos ng kasal bukas okay? " Pagkatapos namin mag usap ay humalik muna ako sa anak ko...Paulit ulit kong hinahabilin sa kanya ang anak ko. Pagkatapos ay dumeritso na ako sa Resort nila Ace. Abot abot ang dasal ko na huwag na sana kaming magkita. Pero mukhang imposible iyon dahil kaibigan niya ang ikakasal at pag-aari nila ang Beach Resort na pagdadausan ng kasal. Kanina pa nagriring ang cellphone ko pero hindi ko ito makapa kapa sa bag ko. Nakita kong nakatingin sa mirror ang driver ng taxing sinasakyan ko. Baka isipin ni manong ang tanga at lamya ko naman. Sa wakas ay nahanap at nakapa ko na, kaya nagmamadali kong sinagot ito. "Best!nasaan ka na? Gabing gabi na kasi wala ka pa. " "On the way na ako best, papunta na dyan.. " "Really? oh! thanks God..! o sige!sige! aabangan na kita .Akala ko kasi hindi ka na sisipot sa kasal ko bukas.." "Pwede ba iyon..dito man lang makabawi ako sayo...Sige malapit na ako... " Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nangangatog ang tuhod ko.Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko akalain na makakabalik ulit ako sa lugar na ito. Maraming bumabalik sa alaala ko. Naalala ko ang mga nakaraan.. Ang nangyari saamin ni Ace.. Habang papalapit ang taxi ay lalong papalakas ang t*bok ng puso ko. Hindi na kasi ako pumayag na sunduin ako ng driver nila. Gusto ko kasing isurprise si Gelay. Nasa labas nga ito at inaabangan ako .m May mga kasama itong alalay at sila ang nagbuhat ng mga gamit ko. Nagyakapan kami sa sobrang excitement namin sa isat isa. Iginiya niya ako papunta sa tutulyan kong kwarto. Malapit lang ito sa kanilang kwarto. "Best... alam na ba ni Ace na ako ang maid of honor mo? "maya maya ay naitanong ko sa kanya. "Siguro...Napaka bussy na tao non.. Kaya nga si Denver nalang ang kinuha namin na bestman sa kasal namin. Baka nga hindi iyon makaatend bukas eh. " Bahagya akong nalungkot.Pero nakahinga ako ng maluwag.Sana nga ay huwag nalang kaming magkita bukas. "Huwag kang mag alala, kasi kung kukulitin ka niya, di sana noong nalaman nya na ikaw ang maid of honor ko eh hinanap ka na nya hindi ba? " "Sabagay tama ka dyan best... "Medyo malumanay ang pagkakabigkas ko noon at napansin niya ito. "Oh my God... !Don't tell me na namimiss mo din siya... na--" "Shut up !"pinigilan ko ang mga sasabihin niya. "Huwag ka nang magsinungaling best,kilala kita kaya hindi ka makakapagsinungaling saakin okay? " "Naku, Ano ka ba.. Bakit ba siya ang pinag uusapan natin.. dapat ikaw.. ang kasal mo.. "iniba ko na lamang ang usapan namin. "Hmmmp! halata namang umiiwas ka lang eh,. Sige na magbihis ka na muna at gusto ka ring makita nila nanay at tatay... Sobrang namiss ka din nila..Maiwan na muna kita at hihintayin ka namin sa baba.. Sabay sabay na tayo magdinner okay? "sabi pa nito bago ako iniwan. "Magpaganda ka kasi malay natin biglang dumating si Congressman.. "pahabol na sabi nito bago isinara ang pinto.Naiiling na inayos ko ang gamit ko. Kumuha ako roon ng maisusuot kong damit. Pagkatapos ay naligo. Simpleng damit lang ang napili ko. Nag blush on ng kunti at liptint. Simple pero halata pa rin ang ganda.Nilugay ko lang ang alon alon kong buhok. Naroon na nga sila sa baba at hihintayin ako. Sinalubong agad ako ng nanay at tatay ni Gelay. Sobrang higpit ng pagkakayakap nila saakin. " Ang ganda mo anak...Mas lalo ka pa atang gumanda.. namiss ka namin anak... Kumusta ka?Nag asawa ka na rin ba? "sunod sunod na tanong ni tita. "Salamat po...wala pa po tita ang totoo po niyan hindi pa po ako tapos ng pag aaral ko sa kolehiyo.Pero malapit na po akong makagraduate tita.." "Nice to hear that..."biglang may sumingit na lalaki sa likuran namin at Awtomatikong napakunot ako ng noo.Saka kami lumingon. "I'm Denver Saldivar...One of the bestfriend of her soon to be groom."nakangiti na tumingin Kay Gelay habang inilahad ang kamay. Keming nakipagkamay ako dito at gumanti ng ngiti.. "Nice to meet you... I'm Athena Samonte.. "Ang totoo ay nakilala ko na sila noon pa man pero sana ay huwag na niya akong maramdaman na ako si "Mariposa "kung hindi nakakahiya. "You looks familiar... any way never mind.. baka nagkakamali lang ako.. " Thanks God ,at hindi na niya ako nakilala..Sana nga hindi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD